1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

laughtrip

Discussion in 'Gags & Jokes' started by AIZEN_10, Aug 17, 2015.

  1. Dahan-dahan Lang
    ***********

    KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw….

    “Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, ‘yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo.”

    “O, Arnaldo, ikaw pala. Ano’t napatawag ka? May problema ba?

    “Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong parrot.”

    ‘Yung parrot kong si Pikoy, patay? ‘Yung nanalo sa bird show?

    “Opo, Master Carlos, ‘yun na nga po.”

    “Putris … sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong ‘yon. Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?”

    “E, kumain po kasi ng bulok na karne….”

    “Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng bulok na karne?”

    “W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng patay na kabayo.”

    “Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Arnaldo?”

    “E, ‘yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig.”

    “Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg? ”

    “‘Yun pong pinampatay namin ng sunog.”

    “Diyos ko po! Anong sunog naman ‘yang pinagsasasabi mo?”

    “‘Yun pong halos tumupok sa bahay niyo…. Tumumba po‘yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab ‘yung kurtina at mabilis na kumalat ang apoy….”

    “Ano? Puuut*#*@?!@ …. E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, a. Para saan ‘yung kandila?”

    “Para sa burol po.”

    “Ano? Kaninong burol?

    “Sa nanay n’yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nu’ng isang gabi, walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko.”
     
    TSERI, rock_in_roll and DotDot like this.
  2. malibog24

    malibog24 Grasshopper Established

    okay ayos po yan heheh nakakatawa
     
    AIZEN_10 likes this.
  3. Yoshii222

    Yoshii222 Addict Established

  4. bad luck brian... pinoy version...
     
  5. hakz

    hakz Grasshopper Established

    bad luck juan? hehehehe! :D
     
  6. xnu17

    xnu17 Addict Established

  7. EARZE

    EARZE PHC Contributor Established

  8. mahusay na katiwala... :banghead:
     
  9. [​IMG] thank you for sharing[​IMG]
     
Tags / Keywords: