Ngiti mo ay nais ko laging makita,
Tila nahuhulog, ng di sinasadya.
Sa tingin na parang nangungusap,
Hanggang kailan ko itatanggi, na ikaw ang aking
pinapangarap.
Pinangarap ka agad nung una kang makita,
Kung ano ano ng ginawa para lamang makilala, makasama,
makihalobilo, makakwentuhan at kung ano ano pa
pero ni minsan hindi sumagi sa isipan na ikaw ay maikama.