Depende sa scholarship na papasukan mo, dito sa school namin, merong sariling scholarship, iba pa yung bigay ng city, iba pa yung bigay ng congressman, iba pa yung provincial, tapos iba pa yung sa national scholarships like sa CHED at DOST.
Sa CHED at DOST, yan ang mahihirap talaga, kasi malakilaki rin matatanggap mo.
Yung sa City, dito sa amin parang average lang kasi halos lahat ng kakilala ko pumasa naman, basta alam mo history ng city mo.
Yung provincial namin, parang mahirap kasi need may backer para matanggap.
Yung galing sa congressman, madali kasi wala namang exam, apply kalang tapos pasa ng requirements.
anw, scholar po ako sa GSIS kasi member ang mama ko doon, wala namang exam pero as long as pasado ka sa requirements nila, mapipili ka.
Lahat ng Scholarships na yan may maintaining average grade na 85.