What's new

Help Need Advice

dev-ace

Forum Expert
Elite
Joined
Dec 14, 2016
Posts
4,123
Solutions
4
Reaction
16,881
Points
3,263
Good day mga ka PH . Hihingi lang sana ako ng Advise . Im a Jr. Web Developer sa recent company ko mag t-three months palang ako (fresh grad) . Pero feel ko ipro-promote din ako as team lead . Tanong ko is tama ba yun na ako yung isa sa mapipili eh fresher palang ako ? or sadyang ayaw lg gumastos ng company ko na mag hire ng senior kase napakataas ng rate . Napapaisip kc ako if matutuwa ba ako kase promosyon kapalit naman ng mas maraming responsibility at naka indicate sa contract na 2yrs ka mapapasakanila . Napapaisip rin ako marami pa akg pde magawa within 2yrs . Kaya ayun .
 
Tangapin mo ts lalaki responsibility yung experience naman na ma learn mo is sobrang laki din aside from higher income pwede mo din magamit yan future reference mo
 
Wow fresh grad ka pa lang lodi tapos ma-promote ka na agad sa senior. Tingnan mo lang para hindi ka mabigla sa dagdag responsibilities or hindi ka agad ma-burn out e kaka-start mo pa lang sa career na yan
 
pinag-iisipan ko nga ng maayos kase once naka sign na ako sa contract bawal ng mag awol
 
para sakin ts all goods yan. ibig sabihin lang is may tiwala sila sayo. lalo nakitaan ka nila ng potential.
tapos yung sinasabi nilang demand, we all know it(taas sahod) shempre tumataas ang demand, tumataas din ang presyo(lalo at lumalaki responsibilities mo) team lead(may hawak ka nang mga jr/entry level na programmers or devs). pero since fresh grad ka(para sakin grab mo nalang) marami akong kaibigan na batikan na sa industriya ng teknolohiya(marami sa kanila - full stack web dev) nagsimula sa 3 to 4 years na grinding ng experience para mag level up or para mapromote ng senior) sa career nila.
 
[XX='alasacelui, c: 1343969, m: 714257'][/XX] mahirap talaga. Pero tama yung sinabi ng iba, mag-demand ka sa company mo or dapat siguraduhin mong ibigay nila yung sahod na nararapat para sulit naman yung 2 years.
 
Grab mo na boss kung sa tingin mo fair naman ung kikitain. Fresh grad ka palang swerte mo ma propromote kana, dba isipin mo un? Ung iba halos wala mahanap na work. At Experience na rin yan boss. If i were you, i definitely would!
 
Kung sa experience magandang iaccept yan.
Pero kung practical lalo na sa panahon ngayon, baka mas malaki pa kikitain mo and maeexperience sa 2years or less kung magtatry ka rin ng ibang work or maybe sa ibang company or online para hindi lang isang company ang malalagay mo sa resume mo after 2years
 
Mas maganda sana kung walang bond na 2 years para anytime kapag hindi mo gusto yung role pwede ka mag resign anytime.

Same tayo, I'm fresh grad pero after 3 months promoted as senior web developer, then after 6 months promoted as team lead, tataas sahod pero lalaki then responsibility, I manage 4 developers and currently hiring 1 dev. Kasama sa task ko ang mag interview ng applicant in technical side. Take it as a challenge ang be wary lang sa burnt out since naranasan ko dito sa current company ko yan, so work smart, dati kasi puro Oo lang ako kahit hindi na kaya ng deadline kaya better to say no pag tingin mo hindi kaya.
 
Then nagtitipid yan kaya puro entry/junior levels ang kinukuha, sinasabi ko naman sa manager ko kung gusto nila ng mabilis at quality na gawa kumuha sila ng senior or experienced dev, pero since hindi afford ng mahal, yung mura ang kukunin at i-train na lang.
 

Similar threads

Back
Top