What's new

Naghihingalo Na Ba ang Relihiyon?

Cerebellum

Eternal Poster
Joined
Oct 31, 2021
Posts
1,183
Reaction
532
Points
423
Si Gaffar, na ipinanganak sa Turkey, ay nababagabag sa itinuturo ng kaniyang relihiyon na mapaghiganti raw ang Diyos. Ang asawa naman niyang si Hediye ay nagsimulang mag-alinlangan sa relihiyon nito sa edad na siyam. “Tinuruan akong maniwala sa tadhana,” ang sabi ni Hediye. “Bilang ulila, naisip ko, ‘Ano’ng ginawa ko para magkaganito ang buhay ko?’ Gabi-gabi akong umiiyak. Sa edad na 15, tinalikuran ko na ang aking relihiyon.”

TINALIKURAN mo na ba ang relihiyon? Kung oo, hindi ka nag-iisa. Sa maraming bansa, dumarami ang nagsasabing sila ay ‘hindi relihiyoso’—isang masamang pangitain para sa mga relihiyon. Ipinakikita rito ang ilan sa mga bansang iyon.


AUSTRALIA

Ipinakikita sa surbey na halos 50 porsiyento ng populasyon ang nagsasabing hindi sila relihiyoso. Sinasabi naman ng 10 porsiyento na sila ay ateista. Noong 2010, ikinalungkot ng isang klerigo na sa “nakalipas na 40 taon o higit pa,” nagkaroon ng “lansakang pagtalikod sa pananampalatayang Kristiyano.”​

FRANCE

Sa mga sinurbey, 37 porsiyento lang ang nagsabing relihiyoso sila. Ang iba ay ateista o hindi relihiyoso. Sa ilang bahagi ng bansang ito na dati’y teritoryo ng mga Katoliko, ang Katolisismo ay “pabagsak na,” ang sabi ng magasing The Economist.

IRELAND

Maraming Irish ang tila nawawalan na ng pananampalataya. Sa mga sinurbey, halos 45 porsiyento ang nagsabing hindi sila relihiyoso, at 10 porsiyento ang nagsabing ateista sila. Pagdating sa porsiyento, ang Ireland ay kabilang sa 10 may pinakamaraming ateista. Sinasabi sa mga balita ang tungkol sa “wakas ng Katolikong Ireland.”​

JAPAN

Sa mga sinurbey na Hapones, 16 na porsiyento lang ang nagsabing sila ay relihiyoso; 62 porsiyento ang ateista o kaya naman ay di-relihiyoso.​

SOUTH AFRICA

Ayon sa surbey mula 2005 hanggang 2012, ang bilang ng mga taga-South Africa na nagsabing relihiyoso sila ay bumagsak nang 19 na porsiyento.​

TUNISIA

Noong 2013, sa sinurbey na mga taga-Tunisia, mga 60 porsiyento ang nagsabing hindi na sila pumupunta sa mga moske kundi sa bahay na lang sila nagdarasal. Ang dahilan ay ang mararahas na ideolohiyang itinataguyod doon.​

ESTADOS UNIDOS

Mula noong 2005, ang bilang ng mga taong nagsasabing relihiyoso sila ay bumagsak nang 13 porsiyento. Sa mga sinurbey, 1 sa bawat 5 ang walang kinaaanibang relihiyon. Sa mga adulto namang wala pang 30 taóng gulang, ang ratio ay 1 sa bawat 3. Taon-taon, libo-libong simbahan ang nagsasara.​

VIETNAM

Sa mga sinurbey, mula 2005 hanggang 2012, ang 53 porsiyentong nagsasabing relihiyoso sila ay naging 30 porsiyento na lang.​

Ang estadistika sa bawat bansa maliban sa Tunisia ay kinuha mula sa 2012 Global Index of Religion and Atheism, na inilathala ng Gallup International. Kasama sa sinurbey ang 57 bansa, na kumakatawan sa mahigit 73 porsiyento ng populasyon ng daigdig.​


Bakit Sila Umaalis?​

Maraming dahilan kung bakit nadidismaya ang mga tao sa relihiyon. Kabilang dito ang karahasan at takot na iniuudyok o sinasang-ayunan ng relihiyon, mga *** ******* na kinasasangkutan ng mga lider ng relihiyon, at iba pang tagóng dahilan na maaaring mas malaki ang epekto. Kasama rito ang mga sumusunod:
  • Materyal na kasaganaan: “Habang yumayaman ang isa, mas nababawasan ang pagiging relihiyoso niya,” ang sabi ng Global Index of Religion and Atheism. Totoo iyan, dahil parami nang parami sa maraming bansa ang yumayaman. Sa ilang lugar naman, nasisiyahan ang mga tao sa kanilang “paraan ng pamumuhay na kaiinggitan kahit ng pinakadakilang hari na nabuhay dalawang daang taon na ang nakararaan,” ang sabi ni John V. C. Nye, isang propesor sa economics.

    ANG SABI NG BIBLIYA: Inihula ng Bibliya na sa “mga huling araw,” ang pag-ibig sa Diyos at sa kapuwa ay mapapalitan ng pag-ibig sa pera at sa kaluguran. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Mag-ingat sa mga panganib na dala ng kayamanan. Sinabi ng isang manunulat ng Bibliya sa Diyos na Jehova: “Huwag mo akong bigyan ng karalitaan ni ng kayamanan man.” Bakit? “Upang hindi ako mabusog at ikaila nga kita,” ang idinagdag niya.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

  • Mga tradisyon at moralidad ng relihiyon: Itinuturing ng marami, lalo na ng mga kabataan, na lipas na at hindi na mahalaga ang relihiyon. Ang iba naman ay nawalan na ng tiwala rito. “Kung titingnan mo ang paggawi ng mga relihiyon sa loob ng daan-daang taon,” ang sabi ni Tim Maguire, media officer sa Humanist Society Scotland, “mapapansin mong iniiwan ng mga tao ang relihiyon dahil hindi na sila naniniwalang ito ay may awtoridad sa moral.”

    ANG SABI NG BIBLIYA: Tungkol sa mga huwad na guro, nagbabala si Jesu-Kristo: “Sa kanilang mga bunga ay makikilala ninyo sila. . . . Bawat mabuting punungkahoy ay nagluluwal ng mainam na bunga, ngunit bawat bulok na punungkahoy ay nagluluwal ng walang-kabuluhang bunga.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kasama sa “walang-kabuluhang bunga” ang pakikialam sa politika at pangungunsinti sa mga gawaing ikinagagalit ng Diyos, gaya ng homoseksuwalidad. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kabilang din ang walang-kabuluhang mga ritwal at tradisyon na ipinalit sa mahuhusay na turo ng Kasulatan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) “Pakainin mo ang aking maliliit na tupa,” ang sabi ni Jesus. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pero sa ngayon, marami ang gutóm sa espirituwal.

  • Relihiyon at pera: Ayon sa Pew Research Center, sinasabi ng marami na masyadong nakapokus ang relihiyon sa pera. Karagdagan pa, may ilang lider ng relihiyon na nagpapakasaya sa marangyang pamumuhay samantalang naghihirap ang kanilang mga miyembro. Halimbawa, sa isang lunsod sa Germany kung saan naghihikahos ang mga nagsisimba, ang obispo ay naakusahan ng maluhong pamumuhay. Ikinagalit ng maraming Katoliko roon ang ganitong pamumuhay ng obispo. Sinasabi rin ng isang ulat sa magasing GEO na sa Nigeria, “kung saan 100 milyon katao ang nabubuhay sa wala pang isang euro bawat araw, ang marangyang pamumuhay ng ilang pastor ay nagiging problema.”

    ANG SABI NG BIBLIYA: Sinabi ng manunulat ng Bibliya na si Pablo: “Hindi kami mga tagapaglako ng salita ng Diyos.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kahit na kilaláng ministro si Pablo sa kongregasyong Kristiyano noon, madalas siyang magtrabaho nang mano-mano para hindi siya maging pabigat sa iba. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Makikita sa kaniyang saloobin ang pagsunod niya sa utos ni Jesus: “Tinanggap ninyo nang walang bayad, ibigay ninyo nang walang bayad.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Kaayon ng mga pamantayang iyan, ang mga Saksi ni Jehova ay namamahagi ng mga literatura at nagtuturo ng Bibliya nang walang bayad. Hindi rin sila naniningil ng ikapu o nangingilak ng salapi sa kanilang mga pulong. Sa halip, ang kanilang mga gastusin ay tinutustusan ng boluntaryong mga donasyon, at hindi iniaanunsiyo ang mga nagbibigay.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Inihula ang Pag-alis ng mga Tao sa Relihiyon!​

Ilang dekada lang ang nakararaan, hindi natin akalaing magkakaganito ang kalagayan ng relihiyon. Pero alam na ng Diyos na mangyayari ito at inihula niya ito sa Bibliya. Sa makasagisag na paraan, inihalintulad ng Diyos ang lahat ng di-tapat na relihiyon sa isang maluhong patutot na tinatawag na “Babilonyang Dakila.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Tamang-tama ang paglalarawang iyan, dahil habang nag-aangking tapat sa Diyos ang huwad na relihiyon, nakikisama rin ito sa mga tagapamahala sa daigdig para sa kapangyarihan at kayamanan. “Ang mga hari sa lupa [ay] nakiapid sa kaniya,” ang sabi sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. Angkop din ang salitang “Babilonya,” dahil marami sa mga turo at gawain ng huwad na relihiyon, gaya ng imortalidad ng kaluluwa, tatluhang diyos, at okultismo, ay nagmula sa sinaunang Babilonya, isang lunsod na talamak ang huwad na paniniwala at pamahiin. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ang makapangyarihang Babilonya ay natalo nang ang tubig na depensa nito—ang bambang na sinusuplayan ng Ilog Eufrates—ay ‘matuyo,’ kung kaya nakapasok ang hukbo ng mga Medo at Persiano para sakupin ang lunsod. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa loob lang ng isang gabi, nasakop ang Babilonya!—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ang Babilonyang Dakila rin ay “nakaupo sa maraming tubig.” Ayon sa Bibliya, tumutukoy ito sa “mga bayan at mga pulutong”—ang milyon-milyong sumusuporta sa huwad na relihiyon. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Inihula ng Bibliya na ang makasagisag na tubig na ito ay matutuyo—isang pangyayaring hudyat ng nalalapit at mabilis na pagkapuksa ng Babilonyang Dakila. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pero sino ang gagawa nito? Ito ay ang mga tagapamahalang kalaguyo niya, dahil mapapalitan ng galit ang kanilang pag-ibig sa kaniya. Uubusin din nila ang kaniyang makasagisag na laman, o kayamanan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

1665902626235.png


“Lumabas Kayo sa Kaniya”!​

Dahil napakalapit nang puksain ang Babilonyang Dakila, maibiging nagbababala ang Diyos: “Lumabas kayo sa kaniya, bayan ko, kung hindi ninyo nais na makibahagi sa kaniya sa mga kasalanan niya, at kung hindi ninyo nais na tumanggap ng bahagi ng kaniyang mga salot.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pansinin ang salitang “kung” na dalawang beses binanggit. Oo, ang babala ng Diyos ay para sa mga taong binabagabag ng masasamang turo at gustong sang-ayunan ng Diyos—mga taong gaya nina Gaffar at Hediye, na binanggit kanina.

Noong hindi pa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. si Gaffar, inisip niya na ang Diyos ay Isa na dapat sundin pangunahin nang dahil sa takot. “Naaliw ako nang malaman kong si Jehova ay isang Diyos ng pag-ibig,” ang sabi niya, “at na gusto niyang sundin natin siya, pangunahin nang dahil sa pag-ibig.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Napanatag si Hediye nang matutuhan niyang hindi pala ang Diyos ang dahilan kung bakit siya naulila at na hindi itinakda ang nangyari sa kaniya. Nakatulong sa kaniya ang mga teksto sa Bibliya gaya ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., na nagsasabing hindi sinusubok ng Diyos ang mga tao. Tinanggap nina Hediye at Gaffar ang katotohanan sa Bibliya at tumakas sila mula sa “Babilonya.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Kapag pinuksa ang Babilonyang Dakila, hindi madadamay ang mga tumakas mula sa kaniya para sambahin “ang Ama sa espiritu at katotohanan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang pag-asa nila ay manirahan sa lupa na “mapupuno ng kaalaman kay Jehova gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Oo, malapit nang magwakas ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. at ang masasamang bunga nito, dahil ang Diyos ay “hindi makapagsisinungaling.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) At ang tunay na pagsamba ay sasagana magpakailanman!
 

Attachments

Tama naman ang ibang taga bansa. Kasi wala s relihiyon ang kasagutan at kaligtasan ng tao. Kung lalawakin natin ang kaalaman una hindi ang dios ang nagtatag ng relihiyon tao lang ang nagtatag. Tulad lamang iyan sa pag gawa ng business kung sino nagtatag sila ang may ari? Tama o mali? Lalo sinasamba pa😅 ng mga tao yung nagtatag haha kuha ng kuha ng kasagutan sa libro. Lawak lang at lalim ng kaisipan ang kailangan. Eh kung ang dios nagtatag ng relihiyon bakit ang daming relihiyon dapat iisa lang. Eh disin sana kung mismo ang dios ng nagtatag sana walang may nagpapagalingan dapat iisa lang lahat ng sinasamba di ba.. kasi nga tao lang nagtatag..upang gawing business.. hindi ka naman gagawa ng business o samahan kung walang papasok na income di ba . Ang totoong relihiyon ng dios walang ganyan...kapag nagtatag ang dios iisa lang...
 
Back
Top