What's new

Poems Mga Pangamba

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,983
Solutions
6
Reaction
66,487
Points
16,651

Nasa malayo ang tingin.​

mga titig ng mata'y kay hirap hagilapin,​

nakatanaw sa kawalan​

habang nakadungaw sa may pintuan.​

Paulit ulit na bumabalik sa alaala,​

mga pagsuyong tila lumalamig na,​

tanong ng isip kung hanggang kailan kaya?​

hanggang kailan mananatiling 'Tayo"​

hanggang kailan may ikaw at ako?​

Baka magising na lang bigla,​

sa mukha mo'y nawawala na ang sigla,​

at isang araw ako'y kakalimutan,​

at tuluyan ka nang lilisan.​

Minsan ganyan talaga ang pag ibig,​

kaakibat ng saya ay mayroong pait,​

at sa bawat tawa at ngiti​

may nagbabadyang sakit.​

Di maiiwasan mga takot at pangamba,​

sa mundong binuo nating dalawa,​

baka isang iglap matapos ang'tayo"​

at mapalitan na ng isang 'kayo."​

❤️~Professora Akira~ ❤️

 

Similar threads

About this Thread

  • 1
    Replies
  • 557
    Views
  • 1
    Participants
Last reply from:
Unknown user

Online statistics

Members online
1,213
Guests online
3,796
Total visitors
5,009
Back
Top