Hindi mo man naaabot
ang mga pangarap mo sa ngayon,
Huwag kang panghinaan agad ng loob
Dahil marami pang pagkakataon,
Kahit matagal mo man itong makamtan,
ituloy mo lang ang nasimulan mong laban.
Alam nating mahirap tahakin
ang daan tungo sa kinabukasan,
Minsan, sadyang ganyan lang ang buhay.
Makakamit mo rin ang tagumpay
Basta't huwag ka lang mapagod maghintay.
~Professora Akira~