May ohmmeter po ba kayo? Kung meron i switch nyo sa continuity or x1 then ilapat nyo ang red and black probe ng tester sa every individual led na nasa bulb, bale baligtaran po ang position ng probes (forward and reversed biased ang pagtest sa led) then kapag umilaw ng normal (hindi dim or faint) ang led na tinetesting, ok pa po iyong led na un, tapos kapag may nakita o natesting kayong led na busted jumperan nyo na lang ng kahit 1N4147 na rectifier diode para bawi iyong voltage drop ng sirang led (dapat tama ang polarity, same as the position ng led). Makakabili kayo ng diode sa mga electronic shop.
Note: Kung wala po kayong ohmmeter, pwede kayong mag improvise gamit ang 2x na AAA or AA battery then ipagdugsong nyo lang para mag out ng 3v, (+ to - ang connection), dugsungan nyo ng wire as your test probes iyong dalawang natitirang dulo.