What's new

Poems LDR.

JDom11

Addict
Joined
Jul 15, 2018
Posts
159
Reaction
27
Points
125
Age
22
Lapis at pantasa

Noong dumating ka,
binigyan mo ng kulay at sigla ang buhay kong halos wala ng saya,
Nabubuo ang aking araw sa tuwing nakakausap kita.

Hindi man tayo nagkikita, marinig ko lang ang mga halakhak mo't mga tawa, mabasa ko lang ang mga emoji mo at mga "HAHA" ako'y tuwang tuwa na.

Ikaw ang dahilan kung bakit sa umaga cellphone agad ang aking hinahanap at gustong makita,
Inaabangan ang bawat pagbati mo ng "magandang umaga."

At pag litaw ng buwan at mga bituin,
tapos na ang mga gawain,
Maririnig ko nanaman ang mga boses mong kay lambing.

Ikaw ang nagsilbing pantasa sa lapis kong hindi makasulat at makausad pagkat walang tasa.

Ngunit ngayong iniwan mo na akong mag isa,
At ang lapis ko'y pumupurol na,
Ako'y umaasa na ika'y babalik pa,
Upang masulatan natin ang mga blangkong pahina ng buhay ng magkasama.


~JDom11
 
Last edited:

About this Thread

  • 0
    Replies
  • 238
    Views
  • 1
    Participants
Last reply from:
JDom11

Online statistics

Members online
612
Guests online
6,064
Total visitors
6,676
Back
Top