What's new

Jesus Is The One True God

So sang-ayon dito sa binigay mong explanation may mas nakakataas pa kay Jesus Christ?
Hindi mo po gets ee
Philippians 2:9-10
9 Wherefore God also hath highly exalted him, and given him a name which is above every name

10 That at the name of Jesus every knee should bow, of things in heaven, and things in earth, and things under the earth;

Klarong klaro po dito sa verse na ito na yung Pangalang Jesus ay pinaka makapangyarihan sa lahat sa langit man o sa lupa maging sa ilalim pa ng lupa sabi nga every knee will bow.

Di po pwedeng walang pangalan yung diyos natin yung tao,hayop o si satanas man at iba pa ay may pangalan Diyos pa kaya??
 
Sir maganda yung sagot mo pero I would suggest wag mo na ipilit yung sagot mo po sa mga gantong klase ng tao, alam mo po sir mas madami pa dyan na ligaw sa buhay na interesado mkinig satin =)

Sabi sa Bible wag tayo mag aksaya ng oras sa mga baluktot na pag iisip na ginawa ni Satanas.

True po Talagang meron talagang hindi maniniwala
 
Balikan natin yong verse sir,para lumabo sayo ah!!! este para malinaw sayo

Mat. 10:22 At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan: datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas, ay siyang maliligtas.

Sino daw po yong maliligtas?SIYA daw po sir.ano gagawin ni SIYA para siya maligtas?

"datapuwa't ang magtitiis"

Magtitiis daw po!!!hanggang kaylan?

"" hanggang sa wakas"

So sir,kung magtitiis ka pala "" HANGGANG WAKAS"hindi hanggang bukas, sa makalawa o sa isang taon kundi!!!!

"" HANGGANG WAKAS"
"SIYANG MALILIGTAS"

Sigurado ba o hindi?
Kaya nga di ako papayag na ikaw ang Maging DIOS eh bakit kasi pag ikaw lugi kami kasi ang ililigtas mo yong mga walang tyagang magtiis kawawa naman yong mga nagtitiis imagine kung magkakanon nga yong nagtitiis at di nagtitiis parihas lang ganti?.tanong sir?may tiyaga ka ba?

Kasi kung wala kang tiyaga nasa panganib nga ang kaligtasan mo at sa sarili mo malalaman mo na agad yan bakit ko sinasabi sir?kasi pinagpauna na sayo ito basahin mo ang ipinagpauna sayo:

Gal. 5:21 Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.

"na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios."

At this very moment...alam mo na to sir, so ngayon magkakaroon kana ng obligasyon dahil sa narinig mo.kasalanan mo ito dahil tanong ka ng tanong.alin ang sigurado sir halimbawa ito ginawa mo?

" Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito;" ano sabi sa huli "at ang mga katulad nito" kasama na din diyan pati shabu at iba pa.

Alin ang sigurado!!!

"na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios."

Tanong sir,pag nag shabu ka ba anong siguradong mangyayari sayo sa batas ng tao at sa batas ng Dios?

Isa pa sir,iwasan mo ng magturo hindi ko hawak ang kaligtasan ng iba dahil kung nagbabasa ka at umiintindi ang sabi ng biblia"SARILI MONG GAWA"ang Dios na ang bahala sa kanila

I cor. 5:13 Datapuwa't sa nangasa labas ay Dios ang humahatol. Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao.
Hirap sayo, hindi mo masagot ng diretso. Sa previous post mo, you are claiming na papasa ka sa test ng god by simply obeying him. Ngayun, tinanong kita kung kaya mo bang garantiyahan ang spot mo sa heaven. You did not answer it, but rather deviated from that. Iwas-pusoy again?

Ok ulitin ko ang argumento. Ang pakiramdam mo ito ang present. Pero bible believers are claiming that god is all-powerful all-knowing etcetera etcetera. What is present to you is already 3 or 4 years ago sa god mo. In short, your fate has already been determined while here you are arguing in the forum, hoping that one day you will sit beside him. Unbeknownst to you, you may or may not pass through. So tanong, kaya mo bang garantiyan ang spot mo sa heaven? Sagot lang ang kelangan ko.
 
Last edited:
Hindi mo po gets ee
Philippians 2:9-10
9 Wherefore God also hath highly exalted him, and given him a name which is above every name

10 That at the name of Jesus every knee should bow, of things in heaven, and things in earth, and things under the earth;

Klarong klaro po dito sa verse na ito na yung Pangalang Jesus ay pinaka makapangyarihan sa lahat sa langit man o sa lupa maging sa ilalim pa ng lupa sabi nga every knee will bow.

Di po pwedeng walang pangalan yung diyos natin yung tao,hayop o si satanas man at iba pa ay may pangalan Diyos pa kaya??
Kaya lang napapaisip ako ts, di mo kasi nasagot yung tanong ko, kanino nagpipray si Jesus sa hardin ng getsemani? Kung sya yung makapangyarihan sa lahat, bakit kailangan nya pang magpray? Ibig sabihin may nilalapitan sya na mas nakatataas sa kanya.
 
At tama ka may pangalan ang Diyos, Pero inalis ng ilang mga tagapagsalin ng Biblya ang pangalan nya at kung gusto mong malaman basahin mo ng buo yung paunang salita sa ginagamit mong Bible.
 
tanong lng po..!
1-bkit xa dios?
2-bkit xa ng anak pa! pde nmn pramihin nya tag iisa isa tyo lhat..
3-bka nmn messenger lng!
4-bkit cnasbi na according to'! wala ba xa book na xa mismo ng ssabi' clear na ssbihin nya xa ang DIOS wala na according to kung cno cno pa..
5-bkit namatay at nbuhay at namatay at babalik sabi raw'!? pg namatay wala kna connection khit ano pa, cguro me creator!
cno un creator na un Same Face lng din ba!!?

6-bkit meron Face un Creator at katulad ng TAO, ikaw ba ppayag ka kung ikaw ang Creator gnun lng' e un pinaka maliit na bagay kelangan pa ggamitan ng Macro Lens pra Mkita' pno na un pinaka maliit pa! so sa tingin mo kya pa ng Mata nten or micro lens? pno na un pinaka maliit tlaga, kya yan ng Icipan mo or imagination mo pro lhat yan me Limit, katulad nto ang Mata nten, ndi nya kaya tingnan un likod nten or un kabilang mundo, or un araw masusunog mismo ang mata naten, ang tanong dto!!!?? bkit nya ndi na preserved un pg ka Almighty' kung Dios xa or Creator xa na alam nya sa mata pa lang at icipan nten pde xa ma corrupted, gaya ng larawan pde pogi pde ndi,
7-sa science ndi kpani pniwala xa un creator, me ibang creator kung pg aralan mo ng mabuti at alamin, un Face na un ndi xa un creator ng lahat, nmatay na xa nbuhay ulet'' ang tanong ko dto ppyag ka ba na ganun lng ang powers nya, eh npka low mg icip na kung ganun kc..
 
Hirap sayo, hindi mo masagot ng diretso. Sa previous post mo, you are claiming na papasa ka sa test ng god by simply obeying him. Ngayun, tinanong kita kung kaya mo bang garantiyahan ang spot mo sa heaven. You did not answer it, but rather deviated from that. Iwas-pusoy again?

Ok ulitin ko ang argumento. Ang pakiramdam mo ito ang present. Pero bible believers are claiming that god is all-powerful all-knowing etcetera etcetera. What is present to you is already 3 or 4 years ago sa god mo. In short, your fate has already been determined while here you are arguing in the forum, hoping that one day you will sit beside him. Unbeknownst to you, you may or may not pass through. So tanong, kaya mo bang garantiyan ang spot mo sa heaven? Sagot lang ang kelangan ko.

Sir,paalala ko lang sayo ano!!!bago ka nagtanong sabi ko sayo "AYOKO NG DEBATE" alam mo na kung bakit di ba?tama ang hinala ko na hindi ka nga nagtatanong kundi tumatanong.alam mo ba sir kung ano pagkakaiba niyan?yong nagtatanong naghahanap yon ng sagot pero yong tumatanong may alam na siya agad na sagot na kailangan yon mismo ang marinig niyang sagot sa pinagtatanungan niya.so in short MANINILA KA PALA!!!para ka palang LOBO ano??!!

Mat.7:15 Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa, datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila.

Lang-hiya ka sir,akala ko tupa ka isa ka palang lobong maninila.kung sa una palang sinabi mo na debate hanap mo di kita sana kakausapin may premise na ako sa taas kung nagbabasa ka.

Hindi yan iwas pusoy sir,hindi mo lang nakuha yong inaasahan mong sagot kaya sinasabi mo sa sarili mong iwas pusoy.pero kung totoo talagang naghahanap ka nasa mga verses na ang sagot talagang gusto mo lang sundin ang kapretso mo.hindi yan puede boss!!! dedektahan mo kung saan tatakbo ang usapan?

Walang argumento rito sir, hindi ito debate.. MAGTATANONG KA LANG hindi ang gusto mo masusunod dito!!!nagtatanong ka lang demanding ka pa??!!!

eto ang tanong mo:

"So tanong, kaya mo bang garantiyan ang spot mo sa heaven?
Sagot lang ang kelangan ko."

Ang sagot ko sir pangkalahatan hindi ako lang kasama ako nila

"ANG MAGTITIIS HANGGANG SA WAKAS, SIYANG MALILIGTAS"

kung loloobin ng panginoon makapagtagumpay lahat at MAKAPAGTITIIS lahat nga sila maliligtas.

Ganito na lang isipin mo sir.kapag si thea18 nakapagtagumpay makakasama nga siya wag mo ng antayin na sasagot ako ng personal dahil hindi ko kaya ang ginagawa niyo na

"MAHILIG MAGBUHAT NG SARILING BANGKU"

Ok na yan sir,ayoko ng debate!!!!

Ano sabi niyo sir?

"Sagot lang ang kelangan ko."

Wow!!!! naging obligasyon ko pa... DEMANDING!!! hehehe.
 
Demanding talaga ko. Kasi you are making and claiming stuff which you are not able to justify.

Sige, sunod lang sa paniniwala without scrutiny.
 
Demanding talaga ko. Kasi you are making and claiming stuff which you are not able to justify.

Sige, sunod lang sa paniniwala without scrutiny.

No sir,na justify ko yan base sa biblia wag kang magalala may mga nakabasa naman noon. sila na bahala sumukat doon.syanga pala sir,maganda ang topic sa kabila marami talagang panlito ngayon wala ka bang plano pagaralan yong mga riligion na binabanggit nila?

Sege sir,salamat.. andito lang din ako..tulad mo paroot-parito din nakikiramdam kung may nakakahigit pa ba talaga...sa pagbabasa ko wala pa talaga akong nakikita bible pa rin talaga.ingat sir...INGATAN NAWA!!!
 
because they received not the love of the truth, that they might be saved. And for this cause God shall send them strong delusion, that they should believe a lie: That they all might be damned who believed not the truth, but had pleasure in unrighteousness.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

'But if the watchman sees the sword coming and does not blow the trumpet and the people are not warned, and a sword comes and takes a person from them, he is taken away in his iniquity; but his blood I will require from the watchman's hand.'
ezekiel 33:6

The one who believes in the Son of God has the testimony in himself; the one who does not believe God has made Him a liar, because he has not believed in the testimony that God has given concerning His Son. 1 John5:10

wala na ko comments masabi ehehe mental exaustion na hehe
 
my vague perspective if si God nasa kay christ matatawag na si christ ay Diyos kung si God ay wala kay christ kung ang ama ay wala sa anak hindi Diyos si kristo kaya sinabi ni kristo sambahin lang ang Diyos

kaya nga nabuo ang scriptures dahil yung mga true followers ni christ nuong visible pa siya sa ***** eye ay nasa kay christ habang inuukit nila yung scriptures at habang yung holy spirit ay naninirahan sa kanila

for short habang binubuo ang scriptures connected yung pc1 pc2 pc3 sa modem at yung modem connected sa cloud yung nasa cloud nag bibigay ng instructions kung anu ano lamang ang isusulat
 
Nagkatawang tao ang Salita

Isa ring karaniwang paniniwala na si Cristo ay Diyos na nagkatawang-tao dahil sinasabi sa Juan 1:14 na, "nagkatawang-tao ang berbo" Para sa mga taong nagtataglay ng ganitong paniniwala, may dalawang likas na kalagayan si Jesucristo:Taong totoo at Diyos na totoo. Ito ay maling pagkaunawa sa nakasulat sa Biblia.
Una- walang nakasulat sa Juan 1:14 na ang Diyos ay nagkatawang tao.

Pangalawa- Hindi lamang wala, kundi labag pa sa biblia ang paniniwalang ito sapagkat ang diyos ay hindi tao.
Oseas 11:9
Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagka't ako'y Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.
At ang tao ay hindi pwedeng maging Diyos!
Ezekiel 28:9
Sabihin mo pa kaya sa harap niya na pumapatay sa iyo, Ako'y Dios? nguni't ikaw ay tao, at hindi Dios, sa kamay niya na sumusugat sa iyo.
Ikatlo- kapag tinanggap ang paniniwala na ang Diyos ay nagkatawang tao, na mula sa kalagayang Espiritu, walang laman at mga buto.
Juan 4:24
Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan
Lucas 24:39
Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin
At ito ang Diyos ay naging tao, labag din ito sa aral ng Biblia sapagkat ang Diyos ay di magbabago ni may anino man ng pag-iiba.
Malakias 3:6
Sapagka't ako, ang Panginoon, ay hindi nababago, kaya't kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob ay hindi nangauubos.
Santiago 1:17
Ang bawa't mabuting kaloob at ang bawa't sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw, na walang pagbabago, ni kahit anino man ng pagiiba.
Kung gayon, paano natin dapat unawain ang Juan 1:14 " Na nagkatawang-tao ang Berbo''? Natupad ang salita ng Diyos o pangako ng Diyos na magkakaroon ng Cristo, at tao ang katuparan nito. Ganito ang ating mababasa sa:
Mateo 1:18,20
" Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y nagdadalang tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo, ...Datapuwa't samantalang pinag-iisip niya ito, narito ang isang anghel ng panginoon ay nagpakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka't ang kaniyang dinadalang tao ay sa Espiritu Santo."
Ang Diyos ba na nagsalita o ang kinaroroonan ng salita ang nagkatawang-tao gaya ng ibinibigay na pakahulugan ng iba? Hindi. Ang nakasulat sa Juan 1:14 ay maliwanag: na " nagkatawang-tao ang salita (NPV) Walang sinabi sa talata na ang Diyos na nagsalita ang nagkatawang tao!. Kaya sa King James Version ang pagkakasalin ay ganito " and the word was made Flesh'' ( at ang salita ay ginawang laman).
Kung may isang tao na nagpaplano na siya ay magtatayo nang bahay, may bahay naba? wala pa dahil plano o salita pa lamang. Ang salita o planong iyon ay kaisipan niya at sumasa kaniya sapagkat siya ang nagbalak at pinagmula niyon. Kailan nagkaroon ng bahay? Nang matupad ang plano ukol sa kayarian nito. Nang maitayo na ang bahay, siya ba, na nagsalita, ang naging bahay? Hindi. Kaya hindi rin ang Diyos na nagsalita ang nagkatawang tao. Kundi ang sinalita, panukala,o ang plano niya ang nagkatawang tao.
Kung gayon sinu ang katumbas ng sinasabi sa Juan 1:14 na "nagkatawang tao ang salita"? Natupad ang plano, balak o salita ng Diyos tungkol sa pagkakaroon ng Cristo na sa pasimula'y salita (berbo) pa lamang ng Diyos-ang katuparan ay tao sa likas na kalagayan.

Bilang pangwakas, napatunayan natin na nagkamali ng pagkaunawa sa Juan 1:1,14 ang mga gumagamit ng talatang ito upang patunayan na si Cristo diumano ay Diyos na nagkatawang tao. Labag sa aral ng Biblia ang paniniwalang ang Diyos ay nagkatawang-tao. Labag din sa aral ng Biblia ang paniniwalang si Cristo ay Diyos na totoo at tao pang totoo. Ang Ama ang kaisa-isang tunay na Diyos at ang Panginoong Jesucristo ay sugo ng Diyos-ito ang pagkakilalang may buhay na walang hanggan...
Juan 17:1,3 (Salita ng Buhay)
Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito at tumingin siya sa langit at nagsabi:
Ama ang oras ay dumating na. Luwalhatiin mo ang
iyong Anak at nang luwalhatiin ka rin naman ng Anak.

Ito ang buhay na walang hanggan: Ang makilala
ka nila, ang tanging Diyos na totoo at si Jesucristo na
iyong sinugo.
"Mahusay at mukhang maingat na ginawa Ang paliwanag binasa ko at nabasa ko ang bawat talata na may pambihirang paksa! ngayon pa man.. kung Ang panginoong Jesus ay Plano o salita na naging ganap sa kanyang kalagayan.. malinaw na Ang Punto ay Hindi pa siya umiiral sa panahon Ng Ama? at umiiral lamang Ang panginoong Jesus Ng matupad Ang salita? kung ngayon tayo ay taong nakaakunawa sa kalagayan Ng kaisipang pang tao at Hindi Ng sa Diyos! kaya Hindi maaaring Sabihin na si Jesus ay isang Salita lamang o isang Plano na natupad kaya umiral...Mali Po Yun!
Dahil Ang salita ay Hindi nag sasalita sa kanyang Sarili o may sariling pag iisip man..
kung siya ay isang Salita Bakit siya kinakausap Ng Diyos Ama? Hindi ako magaling sa mga sitas Ng Bible at sa mga kinaruruunan Ng mga birsikulo nito.. ngunit nakasulat ! Na sinabi ay ganito👉 ano Mang handog ay Hindi mo nais ngunit isang katawan Ang iyong ibig!
sino ba Ang kinakausap? Samakatuwid Baga ay ang Verbo!! Ang Verbo ay suma sa Diyos at Ang Vervo ay Diyos at Ang Vervo ay nagkatawang Tao!!! Sa anong paraan? Samakatuwid Baga'y tulad Ng kung paano umiral sa pagka Silang Ang isang Tao!
at nasusulat pa rin Naman.. walang taong makakakita sa Ama at Wala kailan man!
 
Back
Top