What's new

Poems Halaga

Status
Not open for further replies.

msstar

Forum Veteran
Joined
Mar 10, 2016
Posts
2,869
Reaction
1,430
Points
930
Halaga

Hindi lahat ng bagay sa atin ay laan
Kung kaya bawat napupunta satin, dapat pahalagahan
Huwag mong hintayin ang magiging hangganan
Huwag mong hayaan na may panghinayangan at pagsisihan.

Bagay, katayuan, minamahal o pangalan
Ano man yan, iyong pakaingatan
Sadyang kay palad mo sa iyong nakamtan
Samantalang ang iba, nakikipaglaban pa, mapunta lang sa ganyan.

Kaya kung anong meron ka
Magpasalamat ka at matuwa
Pakaingatan at bigyan ng halaga
Dahil hindi mo alam kung ikaw ulit ay makakakuha.

Kapag iyong pinabayaan
Mawawala't mawawala yan
Hindi porket alam mong sayo laan
Aasa ka na lamang sa kapalaran.

Huwag mong hintayin na ikaw ay magsisi
Sa ano mang oportunidad, sikapin nang magpursigi
Dahil maniwala ka pagdating sa huli
Sa kabila ng lahat ng pinangdaanan, sa iyo pa rin ang pinakamatamis na ngiti.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top