What's new

Poems Gunita ng Isang Humahanga

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,996
Solutions
6
Reaction
66,541
Points
16,663
Alam mo tanging ikaw lang ang nagpapaligaya,
ang nagsisilbing inspirasyon at sa akin nagbibigay sigla,
puso'y kinakabahan sa tuwing ika'y nasisilayan.
nauutal ,natutulala kapag ika'y lalapit na.

Oh crush hanggang sa panaginip hinahangad na ikaw ay makasama,
Di ka na nabubura sa aking isip at alaala,
lahat ng galaw mo't salita tumatak na tuwina,
ito'y simpleng paghanga lamang ba talaga
o pagibig na kaya?

Sadyang lumulundag puso sa tuwa tuwing na
susulyapan ka ,
kinukompleto mo ang araw ko,
iyong pinukaw ang natutulog kung puso,
pati ang damdamin ko nahuhulog na ata sayo,

Pangarap ko tuwina ika'y makasama,
at lubos na makikilala,
sana lang ikaw ay walang ibang gusto,
pagkat doble ang dulot na lungkot ng
sugatan kung puso,

Pero minsan talaga pinapaikot lang tayo,
kung sino ang gusto mo ,siya pang ang
di napapasayo,
Ngunit laki pa din ng pasasalamat ko,.
na minsan sa buhay tayo ay pinagtagpo,
Pinagtpo ngunit di tinadhana,
dahil may ibang nakalaan na mas tama.

Madalas ito ang aking naririnig sa iba,
Bawat sakit ay may kaakibat na ligaya,
Ang lahat ay may dahilan at mayroon pang maraming paraan,
Kung hindi man tayo ang nakalaan,
ikaw ay di ko pa rin malilimutan.






❤️~Professosa Akira~❤️
 

About this Thread

  • 6
    Replies
  • 843
    Views
  • 5
    Participants
Last reply from:
blame it on me

Online statistics

Members online
945
Guests online
5,946
Total visitors
6,891
Back
Top