What's new

Poems Buhay Probinsya

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,994
Solutions
6
Reaction
66,537
Points
16,661
Napaka payak ng buhay sa probinsya

hangin ay sariwa ,paligid ay kaaya aya,

sagana sa iba't ibang gulay at bulaklak na makukulay

iba't ibang uri ng halaman dito matatagpuan.

mayroon ding sari saring hayop na alaga sa mga kabahayan.



Ibang iba talaga manirahan sa probinsya,

halos lahat kami dito ay magkakilala,

di rin naman maiiwasan ang mga unting pagbabangayan

lalo na kung maraming marites sa iyong pamayanan,

nasa sa iyo na yung kung kusa mong iiwasan.


Bagama't sila din naman ay may halaga

lalo na kapag may order ka ng shopee at lazada,

tambay ay laging gumagabay kung saan papunta.


di ka mahihirapang hanapin kung saan sila ay nakatira.


Pero sa ito talaga ang kadalasan mong makikita

pagbabayanihan,pagtutulungan dito'y di mabubura,

mga taong nagkakaisa at masayang nagkakainan sa iisang mesa

lalo na kapag may pa fiesta.


Kahit sa maliit na salo salo wagas nga ang saya sa bawat mukha,

ang pagdiriwang ay sadyang nasa puso't diwa,


sa mga panahong ang bawat isa ay may mga problema

palad ay laging bukas para damayan ka.


Ang buhay sa probinsya, simple lang pero masaya

mga karanasan nuong bata,di mo lahat magugunita,

hindi masyadong komplekado


at sarap manirahan dito.



💚~Professora Akira~
💚
 

About this Thread

  • 4
    Replies
  • 3K
    Views
  • 3
    Participants
Last reply from:
Unknown user

Online statistics

Members online
1,199
Guests online
3,048
Total visitors
4,247
Back
Top