Salamat po sa kasagutan at magandang paliwanag po ninyo sa muli kong katanungan..at nagenjoy rin naman po ako sa aking pagbabasa..
Marahil po ay namamli ako sa aking palagay na si Hesu Kristo ay natapos na ang kanyang misyon sa sanlibutan bilang nagkatawang tao.. ngunit naniniwala pa rin ako na patuloy pa rin ang kanyang misyon bilang isa na itong ispiritu upang gumabay sa mga taong naniniwala sa kanya at idulog o ipaabot sa Diyos Ama ang ating hinanaing at kahilingan.. lalo na ang pahingi ng kapatawaran sa ating mga pagkakasala hanggang sa kasalukuyan..
...
Madalas rin po nating nababasa at naririnig ang muling pagbabalik ni Hesu Kristo sa lupa o mundo.. At ano po kaya ang kanyang muling misyon sa atin..? Kung nakasaad man po ito sa Bibliya, sa papaanong paraan po kaya..o dili naman kaya'y nangyayari na ito subalit hindi ito nalalaman ng mga tao..?
Kapatid alam mo po ba na matapos na si cristo ay makabalik sa langit eh bumaba pa ulit siya?? Marahil nagtataka ka o di naniniwala?..pero totoo po yun nasa bibliya po eh..Non din pong panahon ng mga apostol yun..Binalikan po niya si pablo na nooy tinatawag ding saulo.. hihirangin po kasi niya si pablo.. si pablo po ay isang apostol.. eto po nangyari sa aklat ng mga gawa ng mga apostol sa nuebe uno gang singko..
Datapuwa't si Saulo, na sumisilakbo pa ng mga pagbabanta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon, ay naparoon sa dakilang saserdote,
At humingi sa kaniya ng mga sulat sa Damasco sa mga sinagoga, upang kung siya'y makasumpong ng sinoman sa mga nasa Daan, maging mga lalake o mga babae, ay kaniya silang madalang gapos sa Jerusalem.
At sa kaniyang paglalakad, ay nangyari na siya'y malapit sa Damasco: at pagdaka'y nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit:
At siya'y nasubasob sa lupa, at nakarinig ng isang tinig na sa kaniya'y nagsasabi, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig?
At sinabi niya, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya, Ako'y si Jesus na iyong pinaguusig:
Gawa 9:1-5
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Yun po oh si pablo po ay malupit noon sa mga kristiyano, pinapapatay pa po niya mga kristiyano noon,dipa po siya apostol non.. inuusig si cristo.. at habang siyay nasa daang damasco po lumiwanag po sa paligid..isang ilaw mula sa langit..sabi ni pablo sino ka baga? Panginoon?.. sumagot po si cristo..ako'y si jesus na iyong pinaguusig.. dati po kasing masama si pablo galing po siya sa relihiyon ng mga hudio.. eto po sabi ni pablo sa mga taga galacia..
Sapagka't inyong nabalitaan ang aking pamumuhay nang nakaraang panahon sa relihion ng mga Judio, kung paanong aking inuusig na malabis, at nilipol ang iglesia ng Dios:
Galacia 1:13
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Yun po pero kinahabagan po siya ng Dios at hinirang pa na maging apostol..eto po sabi mismo ni pablo sa sulat niya po kay timoteo.. sa uno trese..
Bagaman nang una ako'y naging mamumusong, at manguusig; at mangaalipusta: gayon ma'y kinahabagan ako, sapagka't yao'y ginawa ko sa di pagkaalam sa kawalan ng pananampalataya;
1 Timoteo 1:13
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Yun po..gusto ko lang po ipunto kapatid na bumaba po siya sa di pa kapanahunan..
Ngayon kapatid yung kapanahunan po ng kanyang muling pagparito ay wala pong nakakaalam kung kailan..huwag po ninyong paniniwalaan pag may nagsabi po ng exact date o year.. dahil marami na pong nagpredict nun at puro mga nabigo..mga bulaan po yun..sa bibliya po tayo maniwala.. eto po sabi sa lumang tipan..
Pagka ang isang propeta ay nagsasalita sa pangalan ng Panginoon, kung ang bagay na sinasabi ay hindi sumunod ni mangyari, ay hindi sinalita ng Panginoon ang bagay na yaon: ang propetang yaon ay nagsalita ng kahambugan, huwag mong katatakutan siya.
Deuteronomio 18:22
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Yun po..naghahambog lang ika yun.. wag ika katakutan.. eto po kasi sabi ng panginoong hesucristo sa bentekuatro trentay sais ng mateo..
Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.
Mateo 24:36
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Wala pong nakakaalam eh.. kahit mga anghel, kahit nga po ang anak na si cristo eh.. sino lang po ba? Eh yung Ama lang po.. inulit din yan ni san marcos eto po sabi..
Nguni't tungkol sa araw o oras na yaon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama.
Marcos 13:32
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
At sa trentaysingko po ganito pa sinabi..
Mangagpuyat nga kayo: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung kailan paririto ang panginoon ng bahay, kung sa hapon, o sa hating gabi, o sa pagtilaok ng manok, o sa umaga;
Marcos 13:35
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Mangangpuyat ika..ibig sabihin po ay maghanda dahil di natin alam kung kailan darating ang panginoon ng bahay.. yung bahay po ay ang iglesia..
Pero nagbigay po ng mga palatandaan ang panginoon noong tinanong siya ng mga alagad kung kailan..sa katunayan tatlong tanong po iyon eh..eto po sabi sa aklat ni mateo..
At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?
Mateo 24:3
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Sagot po ni cristo sa kuatro..
At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman.
Mateo 24:4
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Singko..
Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami.
Mateo 24:5
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Sa sais..
At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas.
Mateo 24:6
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
At sa siete po..
Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako.
Mateo 24:7
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Ayun po oh mga digmaan, bansa laban sa bansa..magkakagutom,lindol..mga salot..at yung mga bulaang propeta at bulaang cristo.. mga bunga din po yan ng kasamaan ng tao eh..
Eh tayo ba ay nasa mga huling araw na? Ganito po sabi ni propeta daniel.. isa po itong collateral prophecy eh.. ganito po sabi..sa dose kuatro..
Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago.
Daniel 12:4
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Yan po oh..sa panahon na po natin yan eh.. marami ng tatakbo ng paroot parito..at ang kaalaman po lalago.. Mga sasakyang pang-dagat, pang-lupa pati nga sa outer space eh diba ganyan na nararanasan natin.. at pati paglago ng kaalaman..knowledge shall be increased.. kaya kita naman natin sa technology ngayon talagang malago na.. eto pa po isang hula ni pablo sabi po niya kay timoteo eto po..
Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib.
Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan,
Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti,
Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios;
2 Timoteo 3:1-4
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Yan po oh..sa panahon na po natin nangyayari mga yan eh..lalong sumasama ang mga tao..
Eh ano po ba mangyayari sa pagbabalik ni cristo??.. unang una po ay ililigtas po muna niya ang mga banal, yun pong mga nabuhay kay cristo at sa salita ng Dios..dito po magaganap yung unang pagkabuhay na maguli.. eto sabi sa sulat ni pablo sa mga kristiyano sa tesalonica..
Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;
Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man.
1 Tesalonica 4:16-17
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Yan po yung tinatawag ng mga born again na rapture..pero wala po nun rapture sa bibliya.. nandon po sa ingles yung caught up..o yung pag agaw sa mga banal.. imi-meet po ng panginoong hesukristo yung mga nakasama sa first resurrection..pati yung mga dadatnang buhay na nangatitira na sumusunod kay cristo..imi-meet po lahat sa alapaap parang imi-meeting po ni cristo yung mga banal, congregational po yun eh.. eto po sabi ni apostol pablo..
Ngayon aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, tungkol sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo, at sa ating pagkakatipon sa kaniya:
2 Tesalonica 2:1
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Ayun po oh may pagkakatipon pong mangyayari..para saan po??.. Dahil po maghahari ang panginoong hesucristo kasama niyang maghahari ang mga nakasama sa first resurrection.. eto po sabi sa aklat ni juan sa apocalipsis..
At nakakita ako ng mga luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, sila'y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila'y nangabuhay, at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon.
Apocalipsis 20:4
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Ayun po oh..may luklukan.. eh ibig pong sabihin may mga maghahari may mga thrones eh.. at gagawing mga hukom..tuloy po sa singko..
Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay na maguli.
Apocalipsis 20:5
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Yun po, dipo pala mabubuhay yung ibang patay gang matapos yung isang libong taon..tuloy po sa sais..
Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.
Apocalipsis 20:6
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Mapalad po pala makakasama dun.. wala ng kapangyarihan ikalawang kamatayan eh..yun pong parusa wala ng kapangyarihan sa kanila.. at magiging hari at saserdote kasama ni cristo..magiging hukom pa.. eh san po ba maghahari? Sa langit? O dito sa lupa? Basahin po natin sa apocalipsis singko otso gang dies..
At pagkakuha niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu't apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng Cordero, na ang bawa't isa'y may alpa, at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal.
At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios ng iyong dugo ang mga tao sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa.
At sila'y iyong ginawang kaharian at mga saserdote sa aming Dios; at sila'y nangaghahari sa ibabaw ng lupa.
Apocalipsis 5:8-10
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Ayun po oh linaw po sinabi sa dies.. dito po pala sa lupa maghahari..
Alam mo po kapatid yung pong pagparito ng panginoong hesucristo ay parang grace period po yun.. kasi pangangaralan pa yung mga di naaabot ng evanghelio ni cristo sa panahon natin ngayon..bibigyan pa sila ng pagkakataon para maging dapat..awa at pagmamahal po yun ng Dios sa tao eh.. eh bilyong bilyon pa po mga nasa huwad na relihiyon.. gaya ng budismo, hinduismo, shintoismo..at yung iba pa.. pangangaralan pa po yan.. parang ganito pa rin po, normal na nabubuhay pa rin po mga tao sa loob po nun isang libong taon.. pero mas magiging maayos po..dun na po makakaranas ng totoong world order ang mga tao.. bakit po? Kasi si cristo na po ang mamumuno sa paghahari eh..jesus christ will be king of kings sa isang libong taon na yun.. eto po sabi ni pablo sa unang corinto kinse bente kuatro gang singko..
Kung magkagayo'y darating ang wakas, pagka ibibigay na niya ang kaharian sa Dios, sa makatuwid baga'y sa Ama; pagka lilipulin na niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan.
Sapagka't kinakailangang siya'y maghari hanggang mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga talampakan ang lahat niyang mga kaaway.
1 Corinto 15:24-25
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Ayun po oh lahat ng mga corrupt leaders..mga leaders na masasama lilipulin ni cristo yan..bibigyan niya ng iron rods ang mga banal na pang supil.. eto po sabi sa apocalipsis dos bente sais gang siete..
At ang magtagumpay, at tumupad ng aking mga gawa hanggang sa katapusan, ay bibigyan ko ng kapamahalaan sa mga bansa:
At sila'y paghaharian niya sa pamamagitan ng isang panghampas na bakal, gaya ng pagkadurog ng mga sisidlang lupa ng magpapalyok; gaya naman ng tinanggap ko sa aking Ama:
Apocalipsis 2:27
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Ayun po oh.. iron rods, panghampas na bakal.. ibig sabihin po ay bibigyan sila ng authority ng Dios para magpatupad ng isang strict ruling..
At eto pa po technology and medicine will be more good than today.. eto isang prueba sa isang hula ni propeta isaias..
Hindi na magkakaroon mula ngayon ng sanggol na mamamatay, o ng matanda man na hindi nalubos ang kaniyang mga kaarawan; sapagka't ang bata ay mamamatay na may isang daang taong gulang, at ang makasalanan na may isang daang taon ang gulang ay susumpain.
Isaias 65:20
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Kita mo po.. isa po yan sa mararanasan ng tao dun sa isang libong taon.. isipin mo po hahaba ulit ang buhay.. 100 years old na eh parang sanggol parin.. ibig sabihin talagang mas magiging maayos ang kapaligiran..parang ibabalik yung orihinal na estado ng mundo.. parang restitution po..eto po sabi sa gawa ng mga apostol..sa tres bente uno..
Na siya'y kinakailangang tanggapin ng langit hanggang sa mga panahon ng pagsasauli sa dati ng lahat ng mga bagay, na sinalita ng Dios sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta buhat pa nang una.
Gawa 3:21
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Sa ingles po ang sabi..
Whom the heaven must receive until the times of restitution of all things, which God hath spoken by the mouth of all his holy prophets since the world began.
Acts 3:21
King James Version (KJV)
Yun po oh.. ibabalik sa dating estado, restitution of all things..hmm there is a song from the 60's na sa tingin ko babagay dun isang libong taon na yun..yung kay louis armstrong..ganito yun eh..
What a Wonderful World
by Louis Armstrong
[Verse 1]
I see trees of green, red roses too
I see them bloom for me and you
And I think to myself
What a wonderful world
[Verse 2]
I see skies of blue and clouds of white
The bright blessed days, the dark sacred nights
And I think to myself
What a wonderful world
[Bridge]
The colors of the rainbow
So pretty in the sky
Are also on the faces
Of people going by
I see friends shaking hands, saying, "How do you do?"
They're really saying, "I love you"
[Verse 3]
I hear babies cry, I watch them grow
They'll learn much more
Than I'll ever know
And I think to myself
What a wonderful world
Yes, I think to myself
What a wonderful world
Ilan lang po yan sa mga mangyayari pa sa loob nun isang libong taon na paghahari ni cristo at ng mga banal..
Bago po maganap yung paghahari ni cristo eh ikukulong po muna si satanas..kukulong po para di makapangdaya sa mga bansa.. eto po sa apocalipsis bente uno gang tres..
At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay.
At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang Diablo at Satanas, at ginapos na isang libong taon,
At siya'y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon: pagkatapos nito ay kailangang siya'y pawalang kaunting panahon.
Apocalipsis 20:1-3
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Ayun po..papakawalan pa po si satanas pagkatapos ng isang libong taon na paghahari ng panginoong hesucristo at ng mga banal..
Yun pong muling pagbabalik po ni cristo maghahari po muna siya kasama mga banal..hindi pa po final judgement nun..
Ingatan at samahan ka nawa at ang iyong pamilya ng Dios..
To God be the glory!
Salamat sa Dios..