What's new

Closed Hyouka - Tagalog FanFiction, ok na ren

Status
Not open for further replies.

Quantum Supercomputer

Eternal Poster
Joined
Dec 23, 2017
Posts
738
Reaction
249
Points
375
Age
23
First Year, First sem, first chapter nang buhay ko sa kolehiyo, ikaw? buhay ka pa ba? Wag mong kunin ang maling ideya, sadyang tinanong lang saken, gusto ko lang iparanas sa iba kung anong pakiramdam.

Ok, simulan natin sa pabebeng 'to, meron s'yang mahaba at mala-sutlang buhok. Sa bawat pag paglipad nang isa-isang itim na guhit, nanlalamig ako, kase sumasabay lang naman sa hangin yun.
"Hōtarō."
Bahagyang napakamot ako. Saang parte ulit yun? Habang sinusulat ko 'to, kahapon pa nangyari yun kaya, medyo sumasablay ang memorya ko sa pag-alala, pero eto na, sa batok pala. San na nga ba ulit yung kwento.

Vacant namin, tatlo lang kami dito sa loob nang classroom, madalas naka-lock ang mga room, pero minsan hindi, at yung posibilidad na yun, nagaganap samen ngayon. "Hōtarō, alam mo yung 1st year din, na nagpakamatay." Hindi biglaang pagsalita ni Satōshi, sadyang nandun na kami sa kwentong, may babaeng balak magpakamatay kahapon.

S'ya nga pala, si Satōshi, mas matangkad ako sa kanya, pero di ko sinasabing mas matangkad ako na sa puntong, pwede na kong pang basketball, mabalik sa kanya, s'ya yung tipo nang taong alam ang lahat. Kaya espesyal syang nilalang. Habang nilalahad nya ang pangungusap na nabuo sa utak nya, kani-kanina lang, nagbigay kami nang reaksyon, -sya lang pala, si Chitanda-san, s'ya rin yung nilalarawan ko kanina. Malinis at meron sya nung pakiramdam na parang saint, -di ko mapaliwanag. Napunta na rin sakanya. Parehas na parehas ang buhok nya sa nagsawi ng buhay, pero di natuloy.

"Ibig sabihin meron na ring nagpakamatay dati?" Sa kanya galing ang katanungang 'to, matapos nyang magulat nang bahagya, pero nandun parin yung karekarespetong galaw nya.

Tinuloy ni Satōshi, at ibinaling ang pagsalita imbes na sumagot ng oo, pero nandun naman yung pag-sang ayon, makikita mo sa muka nya. Una inorganisa nya ang mga katotohanan, -di ako sigurado sa kanya. Base sa mga sinasabi nya, bago sa kaganapang may muntik tumalon sa taas nang ICT building, dati may nagpakamatay narin dun sa parehas na lugar. Habang nagpapaliwanag tinapos nya ang kwento at bumanat sa huli. -"Ikaw Hōtarō Oreki, buhay ka pa ba?"

Isang malaking katanungan, na agham lang ang makakalutas. Iniidolo ko sya sa mga Impormasyon at kasaysayan, pero bakit ang sakit nyang magsalita. Porket, wala akong gana, sa pinagsasabi nya?

"Bakit nila tinatapos ang buhay na binigay sa kanila?" malalim, anong klaseng pagtatanong yan Chitanda.

Tiningnan ko ang muka nya, nakita ko ang kalungkutan sa mga mata nya.
At napatanong rin ako sa sarili ko, "Bakit nga ba?" lumabas ang boses ko imbes na di ko balak. Napatingin sila sakeng dalawa.

"Hindi ka naman interesado sa mga ganitong storya, Hōtarō, pero bakit nga ba nila tinatapos agad, ang ending."

Siraulo.

Inaayos ko na ang sarili ko mula sa pagka-upo, para tumayo.
"Baka trip lang nila" sinabi ko ang pangungusap na yan, para maka-alis na kami, kase oras na para sa next period.

Humalikhik ang babae. Pero bakit?
"Tinatapos ang ending?"

ahh.

Hindi sa wala akong sense of humor, sadyang napuno na ko, kase araw-araw kong kasama si Satōshi.

Pagyapak ko nang mga paa ko sa harapan ng pinto, tumatawa parin silang dalawa?

Pero hinayaan ko na, di na ko umimik, at nagsimula nang tumuloy-tuloy, pero di parin nagsimula. May pumigil na mga daliri sa bag ko mula sa likod.
"Teka"
Napasilip ako kung ano.
Mula sa kare-karespeto, naging masipag at puno nang enerhiya ang mga mata nya.
At sinabi ang nakamamatay na linya.
"Curious ako."

Wala na finish na.
"Curious din ako."

"Curious ka din!?" Nagdiwang s'ya, pero hindi pa nmn ako tapos magsalita.
"Curious ako kung papasok ka ba o hindi?"

"Wala kaming klase."
"Kami meron."
"Kung di mo mapigilan, hintayin mong matapos ang klase namin."

Ibinulsa ko ang kamay ko, at nagpatuloy, pero di makalakad dahil sa may nagsalita ulit.
"Hahayaan mo ba ang kawawang babae, at paghihintayin sa wala?"

Iniisip ko lang, bakit nga ba nandito si Chitanda, samantalang di naman namin sya kaklase...

Ah, kanina, anong tawag dito.

"Survey."

"Hōtarō, yung Survey, bakit mo binulsa?"

Di ko namalayan.
"Sensya na."

Medyo nakakahiyang pangyayari.
Tumingin ako sa kanya. Kay Chitanda.
sa mga mata nya.
hays, corner na ko.

"Ok, ok, suko na ko."

Mula sa pagkatalo, nabuhay muli ang muka ni Chitanda. Pwede ka na mgdeklara nang pagdiriwang.

"Bilisan lang naten 'to, makinig kayong dalawa."

"Isipin nyo.
Bakit kailangang pumwesto sa iisang lugar, iisang katayuan, at lokasyon."

"Di kita maintindihan" "Anong ibig mong sabihin, Oreki-san!"

Hays, Ito na naman.
Unang posibilidad, kung intensyon nilang magpakamatay, iisipin pa ba nila kung saan banda sila tatayo? Kung gano kataas, yun ang basehan, kaya ililigpit ko na ang ideyang 'to. Marahil, pwede ring aksidente kase-
Teka...

"Satōshi, Chitanda, sumunod kayo."
Kumilos ako nang hindi nag-iisip, tumakbo ako paalis, sana di pa huli ang lahat.

"Nakaka excite, hintayin mo ko, Houtarou."
"Teka- Dalian mo Chitanda."

Mula dito sa Architecture Building, dumeretso kami sa ICT kung saan ang lokasyon nang kakaibang pangyayari.
Hanggang sa mkarating kami sa
Hagdan.

Maraming hagdan.

at isa pang hagdan. Tumigil ako para magpahinga. Hinayaan ko ang sarili kong kumalma, at huminga nang malalim.
"Satōshi, mauna ka na." Nasa 18meter ang layo nang building mula sa pinanggalingan namin, At Nasa 5th floor kami, Isang palapag nalang, -Rooftop na.

"Satōshi." inulit ko ang sinabi ko nang mas mabuti at seryoso.

"Oo, nakuha ko na."
"Sige, ikaw na bahala dito Hotarou."


---- To Be Continued -----
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top