What's new

Closed Magandang Nakaraan

Status
Not open for further replies.

God Kent

Honorary Poster
Joined
Sep 15, 2018
Posts
271
Reaction
65
Points
151
Babangon ako, mulat na aking mga mata,
Ngunit puso't isip ko, bigla nalang natulala.
Naaalala ang nakaraan na gigising kasama ka,
Kakain at mag uusap, tunay tayong maligaya.

Saan tayo nagkamali't biglang nawala ang lahat,
Mga alaala natin, ayaw ko sanang kumupas.
Bakit nagtapos? Bakit ka nawala?
Bakit tayong dalawa sumuko at nanghina.

Naaalala ko pa noon, hawak ko iyong mga kamay,
Nangako sayo na tayo'y magkakasama habang buhay.
Tinanong sayo kung handa ka na ba,
Yakap at halik mo, lagi kong nakukuha.

Ngayon, alam ko na bakit ito nagtapos,
Namaalam ka't nauna, iniwan akong nakagapos,
Nakaraan na kay sakit, ngunit kay ganda,
Alaala noong buhay ka pa, sa piling ko, ang saya.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top