"AMAZONIA"
Ni: Astéri
Sa isang madilim na gabi,
ihip ng hangin ang namumutawi.
Payapang sandali,
sigundo'y mabilis na napawi.
Sa isang pitik ng mga daliri
panganib ng gabi ang siyang namayani.
Panaginip ng sandali,
bangungot ng lahat at sa nakararami
Nagsimula ang lahat,
sa isang munting kislap lamang
Sa madilim na kagubatan,
tinig ang hibik ng bawat nilalang.
Kasabay ng mga butuing,
sa madilim na langit - nangangarap sa Lumalang
Na nawa'y wakasang lubusan,
init ng paligid sa bawat parang.
Ang paligid ay nag-iba,
noon ay berde bakit naging pula.
Malamig na tila ba'y bumabaha,
ngunit ngayo'y mainit at nagbabaga.
Dating lugar ng tahimik at ng payapa,
tanging tinig ng mga nilalang, maririnig ay masasaya.
Ngunit bakit ngayon ay kakaiba,
nakakakilabot ang sigawa't - tila ba ang takot ay rumaragasa.
Sigundo, minuto,
oras ay mabilis na nagbago
Gaya ng isang abo,
na tila ba'y naglaho ng buo.
Isang araw, ilang linggo,
nanahimik ang buong mundo.
Hinaing ng maamo,
"Bakit kalagayan ko ay itinatago".
Ngayon ang tanging hiling,
buhos ng ulan sana'y h'wag ipagkait.
Sa Amang lumikha ng langit,
sa kamay mo kami ay kumakapit.
Minsa'y napakinabangan,
nawa'y h'wag namang kaligtaan.
Mabuting dulot ng Amazonia,
sa lahat ng nilalang - na siyang nakinabang.
#PrayforAmazonia
Source to: DEEPWEB PH
CTTO
Ni: Astéri
Sa isang madilim na gabi,
ihip ng hangin ang namumutawi.
Payapang sandali,
sigundo'y mabilis na napawi.
Sa isang pitik ng mga daliri
panganib ng gabi ang siyang namayani.
Panaginip ng sandali,
bangungot ng lahat at sa nakararami
Nagsimula ang lahat,
sa isang munting kislap lamang
Sa madilim na kagubatan,
tinig ang hibik ng bawat nilalang.
Kasabay ng mga butuing,
sa madilim na langit - nangangarap sa Lumalang
Na nawa'y wakasang lubusan,
init ng paligid sa bawat parang.
Ang paligid ay nag-iba,
noon ay berde bakit naging pula.
Malamig na tila ba'y bumabaha,
ngunit ngayo'y mainit at nagbabaga.
Dating lugar ng tahimik at ng payapa,
tanging tinig ng mga nilalang, maririnig ay masasaya.
Ngunit bakit ngayon ay kakaiba,
nakakakilabot ang sigawa't - tila ba ang takot ay rumaragasa.
Sigundo, minuto,
oras ay mabilis na nagbago
Gaya ng isang abo,
na tila ba'y naglaho ng buo.
Isang araw, ilang linggo,
nanahimik ang buong mundo.
Hinaing ng maamo,
"Bakit kalagayan ko ay itinatago".
Ngayon ang tanging hiling,
buhos ng ulan sana'y h'wag ipagkait.
Sa Amang lumikha ng langit,
sa kamay mo kami ay kumakapit.
Minsa'y napakinabangan,
nawa'y h'wag namang kaligtaan.
Mabuting dulot ng Amazonia,
sa lahat ng nilalang - na siyang nakinabang.
#PrayforAmazonia
Source to: DEEPWEB PH
CTTO
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.