What's new

Closed Hiling

Status
Not open for further replies.

10reason

Eternal Poster
Joined
Aug 21, 2019
Posts
1,127
Reaction
512
Points
467
Isang gabi aking pinagmamasdan ang kalangitan
At hinihintay ang pagbagsak ng isang bituin
Para Ihiling ang gustong mangyari
Ang Ika'y hagkan at makapiling.

Kahit minsa'y Imposible mangyari
Ngunit hindi parin nawalan ng pag-asa
Sapagkat ayokong mag-isip at umasa
Dahil alam kong hindi mo ko pinapaasa.

Sa mga bagay na gusto mangyari
Kahit hindi kita pag-aari
Dahil ayoko maging sawi
Sa Isang katulad mo sapagkat hindi agad mapapawi
Ang sakit na iyong iniwan
Na hindi agad-agad maghihilom at makalimutan.

Kaya't sa bawat pagbagsak ng isa o higit pang bituin mula sa itaas
Isang bagay ang gustong ihiling at dalangin na sana matupad
Ang maging totoo ang lahat ng bagay na nangyayari sa ating dalawa
Na kahit minsa'y hindi ko iniisip na ako'y naging kawawa.

Sapagkat naniniwala ako
Na ang mga bagay na aking iniisip sa ngayon
Ay magiging realidad at hindi isang ilusyon
Na kahit malayo ka parin sakin
Pilit parin kitang inaabot
Kahit sino pa ang humadlang sa aking nais
Hinding-hindi ako basta-basta bibitaw agad.

Dahil ayoko pakawalan ang isang katulad mo
Na simple ngunit may taglay na ngiting matamis
Kahit ang dulot ay kakaiba

Sapagkat kaharap ka palang nawawala na ang aking kaba.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top