What's new

Closed Ilan ang toxic friends mo?

Status
Not open for further replies.

10reason

Eternal Poster
Joined
Aug 21, 2019
Posts
1,127
Reaction
512
Points
467
Marami ka bang toxic na friends sa social media? Ilang beses mo nakikita ang post ng mga toxic mong friends? Isa? Dalawa? O higit pa.

Maniniwala ka kaya kung sabihin kong unlimited ang post ng mga toxic people sa social media now a days kahit group page pa yan o simpleng post ng friends mo, araw araw ganyan sa tuwing papasok ka sa social media nakakasuya ano?
Magugulat ka na lang yung friends mo sa real life mahilig magpost ng walang kwentang bagay ano yun MEMA lang o natuwa sa post. Sus! Maraming ganyang tao sa mundo ng social media halos hindi lang MEMA ang post ang madalas pa nga nagpaparami ng likes maniwala ka man o hindi sakin okay lang, kung duda ka subukan mo sumali sa mga group page sa social media ng malaman mo ibig kong sabihin kung totoo man o hindi. May mga tao din na kaya member sa isang group page ay para maghanap ng true love weh di nga?

Kung ang hanap ng isang tao sa isang group page sa social media ay true love bakit kailangan pa sê×ÿ ang photos na halos kulang na lang eh mag burlesk na, para saan yun? Para dumami ang likes niya at makakuha ng atensyon ng ibang tao, majority na makakakuha ng atensyon eh yung mga certified manyak sa social media, kokonti lang papansin sa kanya kahit dummy pa account nilang gamit minsan kahit hindi fake profile ika nga palakasan lang ng loob yan alam mo na sa panahon ngayon mas nagiging vocal ang isang tao sa social media kapag fake profile ang gamit nila kapag may gusto silang I bash in short public humiliation familiar ka no?

May nabasa akong post dati nung member pa ko ng isang group page sa social media at natawa ako sa post niya. Hindi naman masyadong mahalay ang kanyang suot pero halatang mong tease ang post niya kung malabo ang mata mo baka na Wow Mali ka na kasi kung titignan mo maigi yung photo ng nagpost eh hindi siya tunay na Eba, in short beki siya pero sa unang tingin mukha talaga siyang Eba pero tinitigan ko maigi at tama ang hinala ko sa kanyang kasarian, ang nakakatawa pa eh caption niya pa lang ng photos niya halatang naghahanap siya ng ka meet at kung saang lugar magawi so ano pa susunod na mangyayari kung ganon? Alam niyo na ang sagot.

Maraming nauto sa post na yun pero majority mas marami ang hindi natuwa kasi alam ng iba na nagpaparami lang ng likes yung iba nga eh literal na sinabing “Paasa lang yan” yung iba “Isa na namang e***t na nilamon ng sistema” mas masaklap pa “B***a!” pero ang talagang savage na comment ay ganito “Famewhore spotted!”

Sabagay karamihan ganyan na lalo na sa social media kasi yun daw ang uso weh di nga? Uso ba talaga o gusto mo lang maging isa sa kanila tapos pag napahiya ka bigla ka na lang mawawala na parang bula.

Kapag pinatulan mo ang sinabi nila talo ka kasi PATOLA ka at duwag lang ang gumagamit ng fake profile tapos magsasabi ng hindi maganda sa tao lalo na sa social media world. Hindi rin mawawala syempre yung tinatawag na “keyboard warrior” na akala mo feeling “strong” sa kada comment sa isang post, so paano tatahimik ang mga ganyang tao dalawang lang it’s either ignore mo o sumagot na yung alam mong wala siyang isasagot sa backfire mo.

May times pa nga pagbabantaan ka, bakit ko nasabi? Kasi nabiktima din ako noon kaya alam ko oooopssss…bago ka magreact sa sinabi ko paalala lang hindi lahat alam ko at hindi ako si Mr. know it all ha? May mga times na wala akong balak alamin ang ibang bagay kung interested para sakin aalamin ko talaga pero kung hindi naman makakatulong sakin no way!

Isa o dalawang beses ko sinagot ang ganong bagay, yung pagbantaan buhay ko. Una dahil sa isang nililigawan ko noon, pangalawa thru text tapos unknown number pa ang ginamit. Alam niyo reply ko?

“Kung gagawin mo sakin ang binabalak mo, gawin mo hangga’t maaga baka maunahan kita”
“Gawin mo na lang puro ka satsat, pakibilisan baka maunahan kita”

So far buhay pa naman ako kasi kung may nangyari saking masama malamang hindi mo mababasa to di ba? Medyo matagal na rin yung nangyari kaya sa tuwing naiisip ko natatawa na lang ako kasi mga wala namang gayab humarap sakin ng personal ang mga ganong klasing tao. Kaya kung may balak kang masama sakin magisip isip ka muna dahil I’m ten times ahead of you. Make sense?

Isa sa isang nabasa ko sa isang group page kamakailan lang ay yung nagshare ang isang member na babae tungkol sa pag rant niya na kesyo lahat daw ng lalaki manloloko, syempre maraming nagreact kasi dinamay ang mga loyal dahil sa ginawa sa kanya ng naka relasyon niya, sabi ng iba “huwag mo lahatin ate, may mga lalaki pa rin na matino”

Ang masaklap pa eh mahirap magpaliwanag sa t***a dahil napaka kitid ng utak at ipipilit niya na tama siya.
Sabagay maraming t*nga lalo na sa social media, araw araw yan real life o hindi marami sila ayoko bilangin kasi masasayang lang oras ko.

Hindi ko alam kung nabanggit ko na to dati pero uulitin ko ulit.

Sa 1000+ mong friends sa social media 5% ang may pakielam sa kada post mo, yung 95% walang pakielam sayo dahil nagmumukha ka lang t*nga sa ginagawa mo, hindi mo ba naisip na sa kada post mo eh naka ready na ang popcorn dahil para sa kanila ang buhay mo ay parang pelikula na dahil mahilig ka magdrama sa social media, yung iba sasabihin lang sayo “pathetic”

Yung 5% na may pakielam sayo malamang kagaya mo rin na mahilig magdrama kaya nakaka relate sila, gusto mo pa ata mafeature ang story mo sa mmk, sorry wala akong balak panoorin ang drama mo sa buhay kung sakaling matuloy yun. Yung 95% na walang pakielam sayo hindi mahilig magdrama sa social media dahil mas focus sila sa goal nila kesa magsayang ng oras sa kadramahan mo.

Tatanungin kita ulit. Ilan ang toxic friends mo?
 
Di naman sila toxic ako yung toxic.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top