What's new

Closed Bumigay dahil sa Isang Dare (Sawi sa Pag-ibig Story)

Status
Not open for further replies.

10reason

Forum Veteran
Joined
Aug 21, 2019
Posts
1,127
Reaction
511
Points
515
Way back 2003 nung intern ako sa isang college school ay may nakilala kami ng kasabay ko as intern na group of students na mostly girls pero may kasama din silang dalawang boys.

Isa sa mga gusto ko sa nakilala namin ng kasama ko eh yung kamukha ni Ala Paredes, her name is Melanie although tinutukso tukso na ko ng ibang barkada niya sa school samantalang ako pangiti-ngiti lang pero habang tumatagal unti-unti na kong na-fall pero hindi ko inamin na manliligaw ako, may times na nagpasama siya sakin sa isang lugar kahit oras ng ojt ko na nauwi sa sermon ng may hawak sakin sa ojt pero naintindihan naman ako dahil alam din naman na may gusto ko doon sa kasama kong student ng school.

Hindi niya sinabi nung una na hindi niya ko type kaya alam kong tama ang ginagawa ko pero may isang bagay ang hindi ko nakalimutan tungkol sa kanya.

May time na nagyaya siyang mag-inuman kasama yung mga kaibigan niya sa school including yung friends nilang boys tapos ako at yung dalawa pang kasama ko sa intern sa bahay nila, nung medyo may tama na may sinabi kay melanie yung isang kasama ko sa intern na nung una parang wala akong pakialam kahit harap-harapang ginawa sakin, nagulat ako nung nag-dare yung kasama ko kay Melanie.

"Kapag hindi mo ininom yung shot kailangang i-kiss mo si @ _y, kapag ininom mo yung shot si Francis ang i-kiss mo"

Walang sabi-sabi biglang ininom ni Melanie yung shot dahil narin sa epekto ng alkohol kaya't napahiyaw lahat ng nandoon, ako parang wala lang pero deep inside masakit na nakakainsulto

Pagkatapos ng tagpong yun tuloy ang inuman, kahit hindi ko nakita kiniss ulit ni Melanie si Francis kahit smack lang na mabilis pero rinig ko yung tunog.

Natapos ang inuman ng maaga dahil hapon pa lang nag-umpisa na kami at marami-rami din kami kaya taob yung alkohol.

After two days medyo nakalimutan ko na yung nangyari at inisip ko na gusto ko na sabihin sa kanya yung nararamdaman ko pero may isang bagay siyang sinabi nung gusto kong manligaw.

"Hindi kita type!"

Nung marinig ko yun mula sa kanya parang wala lang sakin dahil hindi ko pinakita sa kanya na masama ang loob ko, doon ko lang unti-unting naramdaman ang inis nung hindi na kami nag-uusap.

Pagkatapos kong marinig yun sa kanya umiwas na ko sa kanya at nag-focus sa ginagawa ko sa intern pero hindi ko basta-basta makalimutan yung ginawa niya dahil araw-araw ko naman siyang nakikita kaya todo iwas ako, nagkakasalubong kami sa campus pero deadma lang ako dahil ayoko magpaapekto.

Nung medyo okay na ko may gusto kong ibigay sa kanyang chocolate bilang friends kaso yung kasama ko binuking ako na may dala akong chocolate at sinabi sa kanya eh wala na kong balak ibigay sa kanya pero nung magkaharap na kami kahit alam kong yung chocolate lang ang dahilan kaya niya ko kinausap eh binigay ko parin, ang engot ko talaga, Pagkatapos nung tagpong yun biglang bumalik ang lahat ng sakit sakin, natapos lang ang paghihirap ko nung natapos na yung intern ko sa school nila.


-Wakas

modify_inline.gif
 

Attachments

Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top