Share ko lang nangyari this afternoon dito sa amin, si neighbor X kumakain ng guyabano kakukuha lang sa puno nila while si neighbor Y, padaan sa tapat ni X;
Y - ang sarap naman niyan, bagong pitas pahingi naman..
X - bulok na nga eh
Y - bulok pala eh bakit kinakain mo pa?
X - kumusta yun mga mangga sa inyo, dami na bunga, pahingi naman..
Y - bulok na rin mga bunga kahit nasa puno pa..(sabay alis ni Y)
yan kapitbahay namin, hilig manghingi pero pag sya hiningan, lagi may dahilan wag lang makapagbigay..