What's new
  • Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Legendary actor Eddie Garcia dies at 90

RyzenV

Forum Expert
Established
Joined
Sep 19, 2016
Messages
6,757
Reaction score
7,655
, Last edited:
632869

632867

Pumanaw na ang legendary actor na si Eddie Garcia.

Binawian ng buhay ang veteran actor ngayong June 20, Huwebes, 4:55 P.M.

Siya ay sumakabilang buhay sa edad na 90.

Sa pamamagitan ng isang medical bulletin, kinumprima ng division head ng Makati Medical Center na si Dr. Artemio Cabrera Salvador ang malungkot ng balita.

Nakasaad dito: "Mr. Eduardo 'Eddie' Garcia passed away today, June 20, at 4: 55 p.m.

"We join the entire Filipino community in praying for the soul of Mr. Garcia and his dearly beloved family and friends. We extend our deepest condolences to the Garcia family."

Noong Sabado, June 8, ay nasangkot si Eddie sa isang aksidente sa taping ng upcoming GMA-7 primetime series na You must register or login to view this..

Bagamat hindi pa malinaw kung ano talaga ang nangyari sa taping, mapapanood sa kumalat na video na biglang natumba ang beteranong aktor habang papasok sa isang eksena kung saan nagkakagulo ang marami.

Base sa pahayag ng pamilya ni Eddie, sa pamamagitan ng kanyang longtime partner na si Lilibeth, You must register or login to view this. ng produksiyon na dahilan ng kanyang pagkabagsak sa semento.



Nang bumagsak daw si Eddie ay unang tumama ang mukha nito.

Dahil sa aksidente, nagtamo ng fracture sa leeg ang beteranong aktor.

Pagkatapos ng insidente ay isinugod si Eddie sa Mary Johnston Hospital sa Tondo, Manila, ang pinakamalapit na ospital kung saan nagti-taping noon ang Rosang Agimat.

Ngunit nagdesisyon si Lilibeth na ilipat sa Makati Medical Center ang beteranong aktor dahil mas kumpleto ang mga pasilidad dito at mas masusubaybayan ng personal doctors ni Eddie.

Mula nang isugod siya sa ospital ay naging comatose na ang beteranong aktor.

Nagdesisyon din ang pamilya ni Eddie na ilagay sa “Do Not Resuscitate” (DNR) status ang beteranong aktor.

Hanggang nitong Huwebes, June 20, ay tuluyan na siyang bawian ng buhay.

SEVEN DECADES OF FILM AND TV CAREER
Si Eddie ay ipinanganak noong May 2, 1929 sa Sorsogon, Sorsogon.

Nagsimula ang kanyang acting career noong 1949 sa pamamagitan ng pelikulang Siete Infantes de Lara.

Sa loob ng pitong dekada ay nakagawa ng mahigit 300 pelikula at mahigit sa 30 teleserye si Eddie.



Noong kabataan ni Eddie ay kontrabida ang madalas niyang gampanan sa pelikula, ngunit nang nagkaedad siya ay mas nakilala siya sa comedy at action films.

Kabilang sa mga di niya malilimutang pelikula ay ang mga sumusunod: Dalagang Ilocana (1954), Dear Heart (1981), Nagalit Ang Buwan Sa Haba Ng Gabi (1983), May Lamok Sa Loob ng Kulambo (1984), Kung Mahawi Man ang Ulap (1984), Kapag Puno Na Ang Salop (1987), Ang Supremo (1988), Ako Ang Batas (1988), Ako Ang Huhusga: Kapag Puno Na Ang Salop Part II (1988), at Hindi Ka Na Sisikatan Ng Araw: Kapag Puno Na Ang Salop Part III (1990).

Noong dekada ’90 ay sunud-sunod ang action films na pinagbidahan ni Eddie.

Kabilang dito ang mga sumusunod: Hukom. 45 (1990), Mayor Latigo (1991), Magdaleno Orbos: Sa Kuko Ng Mga Lawin (1991), Andres Manambit: Angkan ng Matatapang (1992), Maestro Toribio (1993), Padre Amante Guerrero (1993), Ultimatum (1994), Marami Ka Pang Kakaining Bigas (1994), Mayor Cesar Climaco (1994), Melencio Magat: Dugo Laban sa Dugo (1995), Melencio Magat: Dugo Laban sa Dugo (1995), Emong Salvacion: Oras Ka Nang Magtago Sa Pinanggalingan mo! (1996), Papunta Ka Pa Lang, Pabalik Na Ako (1997), at Padre Kalibre (1997).



Kabilang naman sa critically-acclaimed films niya ang mga sumusunod: Tubog Sa Ginto (1971), Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1974), Ganito Kami Noon… Paano Kayo Ngayon? (1976), Gumapang Ka Sa Lusak (1990), Deathrow (2000), Mano Po (2002), Blue Moon (2006), Bwakaw (2012), at Rainbow’s Sunset (2018).

Bukod sa pagiging artista sa pelikula at telebisyon, isa ring direktor si Eddie.

Ilan sa mga pelikulang idinirek niya ay ang Karugtong ng Kahapon (1961), Pinagbuklod ng Langit (1969), Atsay (1978), P.S. I Love You (1981), Sinasamba Kita(1982), Forgive and Forget (1982), Friends in Love (1982), Palimos ng Pag-ibig(1986), Magdusa Ka (1986), Saan Nagtatago ang Pag-ibig? (1987), Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin (1987), Imortal (1989), at Abakada Ina (2001).

Tumanggap si Eddie ng halos 40 awards bilang aktor at direktor.

Karamihan ng mga ginawa niyang teleserye ay sa bakuran ng GMA-7, gaya ng Kung Mawawala Ka, Darna (2005), Majika, Asian Treasures, Joaquin Bordado, Totoy Bato, Darna (2009), at Legacy.

Noong 2013 ay lumipat siya sa ABS-CBN at ginawa ang mga sumusunod na teleserye: Juan dela Cruz, Little Champ, Honesto, Sana Bukas Pa Ang Kahapon, atNathaniel.



Naging bahagi rin siya ng long-running primetime series ni Coco Martin, ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Nito lamang Mayo ay inanunsiyo ang pagbabalik niya sa bakuran ng Kapuso network sa pamamagitan ng Rosang Agimat.

Sa taping ng nasabing teleserye ay naganap ang di inaasahang pangyayari.

Sa loob ng mahabang panahon ng pagiging bahagi niya ng industriya ng pelikula at telebisyon ay pinatunayan ni Eddie ang pagiging propesyunal.

At hanggang sa pinakahuling sandali ng kanyang buhay, pinili niyang ibahagi ang kanyang talento sa larangan ng pag-arte.

Source: You must register or login to view this.

===
Paalam Manoy :cry:
 

kembot

Eternal Poster
😢 napanuod ko to kung paano siya sumubsob, nakakaawa talaga.. Ganun pa man saludo ako sa mga nagawa niya sa industriya..

R.I.P manong Manoy ..🙏..
 

mobilelegendsbengbeng

Honorary Poster
Pamali mali pa ang report ng GMA sa insidente ng pagkakadisgrasya nya noong June 08... Kawawa nmn malakas pa sya para sa kanyang edad... Sana hindi sa ganitong paraan sana sya namatay... :( RIP po Manoy Eddie... Salamat po sa lahat ng mga naiambag nyo sa industriya at sa mga magaganda nyo pong pelikula... :(
 

Trending Topics

Trending On This Forum

Top