What's new

Closed Taguan sa kamatayan

Status
Not open for further replies.

cptroshin

Addict
Joined
Oct 26, 2015
Posts
12
Reaction
4
Points
64
Wari'y umuulan ng signos upang balaan ang aking mga paa.

Walong-pu't tatlo na pusang itim na ang dumaan sa akin. Kaluskos at ingay ng mga butiki na wari'y hinahatak ako ng kamatayan.

Pawis na pawis nang ako'y magising sa pagkatutulog. Binuksan ko ang ilaw, mainit at nakapapanibagong madaling-araw ang bumungad sa akin.

Ako si Coopan, ito ang aking kwento.

Lumaki akong kulong sa kwarto, tinatanaw ko lang sa labas ang mga batang naglalaro. Lumaki akong walang haligi at ilaw ang aking tahanan— wala akong magulang.

Maaga ko nabanat ang mga buto at binali sa trabaho. Wala akong nakitang magandang bagay sa mundo, bukod lamang sa pag-iisa.

Kausap ko madalas ang sarili, naturingan akong baliw ng i-ilan.

"Kita mo ba yon? Silip ka saglit, diba 'yon yung baliw?" pagtuturuan ng mga bata sa labas tungo sa aking bahay.

"Psst! Hoy putangina mo! sino nagsabing baliw ako?" sigaw ko't tumakbo sila sa takot.

Tila isang uwak ang aking pamumuhay, hindi sana ganito ang lahat mula nung ako'y iwan.

Nobyemre 17, 1972

Noon ay may pumasok na batang babae sa aking tahanan, si Rebecca. Naging matalik kaming mag kaibigan, lagi siyang dumadalaw sa bahay at nakikipaglaro.

Siya lamang ang taong naging pundasyon ko sa aking buhay, anim na taon kami naging magkaibigan.

"Rebecca! Rebecca! nasan ka? lumabas kana dyan ikaw na ang taya."
hilig naming paglalaro sa bahay palagi— taguan.

"Kuya Coopan hanapin mo muna ako!" rinig ko sa kan'yang puso ang kasiyahan.

Hunyo 13, 1978 nang una kami magkaroon ng litrato.

"Rebecca wag ka muna malikot, saglit lang ito." paki-usap ko pa noon habang kami ay kinukunan ng litrato.

Nung araw na iyon ay ang araw na napaka linis ng katawan ko. Magandang damit, maputing ngipin, bagong gupit na buhok at bagong ahit na bigote at balbas.

Nagpasyal kami sa perya sa Manila at gumayak din kagabihan sa Luneta.

Nobyemre 17, 1978 anibersaryo ng aming pagtatagpo masaya kaming kumain sa bahay at sa unang pagkakataon malinis at maliwanag na ang buong tahanan.

Puro kami tawanan at kwentuhan.

Pasko ng taon na 1978 ang huli naming pagkikita.

Hinanap ko si Rebecca, nagkaroon ako ng gana lumabas. Pumunta ako sa kanilang bahay.

"Ikaw ba si Coopan? Pinasasabi ni Rebecca na ayaw kana niyang makita." sabi sa akin ng kanyang nanay.

"Eh? ba-bakit po? Sigurado po ba kayo?" utal kong pagsabi.

Umuwi akong di matanggap ang lahat.

"Basta ayaw ka niyang makita" naluluha na sabi sa'kin ng magulang niya.

Hanggang sa taong 1981 nabalitaan ko na patay na si Rebecca. Gumuho ang mundo ko nang malaman iyon, nag-iwan siya sa akin ng sulat.

"Mahal kong kuya Coopan, ipinagpaliban ko munang tumuloy sa ating paglalaro at kwentuhan. Siguro ay babalik ako kung tunay na akong magaling sa aking sakit. Hindi na muna tayo makababalik sa perya at makakukuha uli' ng litrato. Pero pwede ba pag magaling na ako eh kasama na ang buo kong pamilya?

Masaya ako sa lumipas na araw, sadyang ngayon ay hindi ko magawa dahil sa sakit kong ito. Alam kong magiging masaya ka kapag ito'y nabasa mo. Ang iyong kaibigan, Rebecca."

Sulat niya pala yan sa akin nung taon na 1978, ang araw na pagtapos ng pasko. Lagi akong humagulgol sa t'wing nababasa ang punyetang sulat na ito. Naluluha nanaman ako, ito marahil ang kahinaan ko.

Nawalan ako ng pundasyon sa buhay at litrato nalang ang naiwan.

Gabi ng taon na 1986, napagdesisyunan ko na tapusin ang lahat.

Hawak ang patalim na bumaon sa akin. Marahil ito ang ibigsabihin ng signos, ang siya'y habulin sa langit.

Ako si Coopan, ito ang aking kwento.
 
ouch... nakakaiyak naman!!


giphy.gif
 

Attachments

Maganda ang pagkakagawa mo ng kwento sir..

Pero para sa'ken ang title para kay Coopan at Rebecca ay " Munting Kaligayahan " o " Kaligayahan tungo sa Kamatayan "

...Pwede rin siguro " Litrato "

At dahil dyan Thumbs up ako sa effort mo sir... :)
 
Maganda ang pagkakagawa mo ng kwento sir..

Pero para sa'ken ang title para kay Coopan at Rebecca ay " Munting Kaligayahan " o " Kaligayahan tungo sa Kamatayan "

...Pwede rin siguro " Litrato "

At dahil dyan Thumbs up ako sa effort mo sir... :)
Gandang idea ho, medyo nalunod sa metaphor ang title. Salamat sa feedback
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top