What's new

Closed "Relevant Two - Karugtong na Dalawa" - (Unwritten Chapter)

Status
Not open for further replies.

Xin Snowflakes

Eternal Poster
Joined
Jan 28, 2019
Posts
1,127
Reaction
791
Points
393
Age
26
"Relevant Two / Karugtong na Dalawa" - Copyright Below.

625857


Code:
Note:
This time, Since this is a Unwritten Chapter (Or Love Bridge Poem).
I'm, going to consider writing a 8 Stanza Poem called a Love Bridge. ^^;


Code:
Bridge 1/1:

Sa bagong daloy ng buhay ko'ng para'ng lubid na napuputol.
Alam ko'ng masakit mawalan pero kelangan alamin at aminin, Na balang araw ito'y napuputol.
Para'ng burol na nahahanap sa mga bukid na kasing gilas ng mga nauna.
Hindi ko sinasabing bayani ako, Para ipagtanggol kita.

Kung gayunma'y kelangan na talaga, Ay tutulungan kita.
Pang habambuhay na pangarap ko'ng aabutin, Para lang makita kitang masaya.
Kahit ako'y lubhang nasaktan na balang araw, Ay mawawala kana. At mawalay saking mga mata.
Hahanaphanapin ko ang isang salitang nakapagbuo sakin na balang araw gagabay ulit sakin.

Kahit sino paman ang maswerteng makapanalo sa puso mo aking sinta.
Ay hahanapin ko parin ang kasing bisig ng mga ngiti mo'ng lumutas sakin.
Papalayo sa kapahamakang aking linisan, Papalayo para malutasan ang butas ng aking puso.
Puso'ng paulit ulit na dumudugo, Mawalay lang sa hapdi at sakit ng nakaraan.

Paulit ulit ko'ng ipinangako na magbago para sa sarili ko'ng makita lang ang ibang masaya.
Pero noong nakilala kita'y, Ang mundo ko'y nagbago na, Kasi ikaw lang ang aking kelangan.
Sariling sangkap, Na pinaghirapang maabot, Na parang kelangan sa Mundong Silangan.
Na balang araw ay maiabot ulit ang sukli na ikaw mismo nagbigay linaw para sa aking kalusugan.

Code:
Bridge 1/2:

Kalusugang pinilit inaabot, Na para'ng kumbaga'y ikaw ang ilaw ng aking tahanan.
Aaminin ko'ng balang araw na ito'y malubha na ang sakit ko sa puso.
Pero kelangan mo malaman, Na bagama't kahit kailan di kita maabutan.
Taos puso ko nang sasabihin sinta, Na ikaw lang ang unang nakapagbihag sa puso ko'ng naliligaw sa mundo.

Habang ako'y nakayuko sa dalampasigang nagmumuni muni sa mga bituwin kung bakit ka nawala.
Sa mga kamay ko'ng iniingatan lang dati, Na parang ngayon ay isang ala ala nalang na bula.
Hanggang ngayon paman ako'y nagsisisi, Na habambuhay ko'ng iniisip kung bakit ko iyon ginawa.
Nagsisisi, Na balang araw, Ay di na kita makita pa'ng muli, aking ngiting araw araw dinadala.

Kung habambuhay nga ang iyong pagkawala'y, Ako'y aalis nalang. Sa pangatwirang.
Ang ngiting iyon, Ay isang hamak na malaking ala ala nalang. At gabay sa pang araw araw ko'ng dinadala.
Ngunit at kahit, Pilit ko'ng iguguhit, Na ang ala alang ito'y parang mga bituwin sa mga gabing makutitap.
Ang mga gabing puno ng hinanakit, at isang araw na pagluluksa sa kwarto na puno ng kapit sa karayom.

Pangmatagalang pagsisisi, Na iginuhit sa mga larawan, At akdang isinulat na panghabambuhay ko'ng binabasa.
Sa mga ala alang, Parang kapit bisig sa lakas ng aking mga umaga. Makita man ang karugtong ng mukha mo'y.
Ika'y naaalala. Na sa unang pagkita natin ay ikaw lang ang aking hinahanap sa umagang ika'y makita ulit.
Na noong nawalay ka'y. Ay isang malaking tulay, Sa dalawang desisyon. Ang tatalon, O hahanapin kita muli.

Code:
Personal Statement:

Kamusta kana kaya?
Aking sinta, Na matagal nang hinahanap.
Sa gitna ng dalampasigan, Ika'y nahagilap.
Fin, Snowflakes.


Spoiler contents are visible only to Established Members.

( C ) - Snowflakes
 

Attachments

Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top