What's new

Closed Dumaan lang pero hindi kailangang manatili

Status
Not open for further replies.

Xenn

Honorary Poster
Joined
Apr 2, 2018
Posts
442
Reaction
106
Points
165
Age
27
Sa mabilis na pag daan ng oras napasulyap ang paningin sa isang nilalang

Gawa nang Diyos ngunit ginawa niya hindi para sa akin

Ginawa niya na nakalaan sa iba at dumaan lang sa saglit na panahon

Sa madaling panahon madaming sitwasyon ang naipon, gumawa kami ng mga magagandang alaala na nagbigay ng ngiti sa isat-isa, pinakilig at minahal ang isat-isa

Pinagsalohan ang isat-isa
Naramdaman ang init ng katawan ng bawat isa, dumantay, dumikit at sabay inabot ang langit,
ngunit pinagkait ng tadhana at maging ang mga tala na nasa langit ay naging masungit.

Nabaling sa iba ang paningin nitong nilalang isang desente at may magandang pinagkukunan

Pero ako heto isa lamang hamak na negosyante na nag-uumpisa lang
Iniwan, tinalikuran, at nasaktan ngunit kahit kailanman hindi inisip ang pagkalumog at lalo pang nilinang ang kakayahan

Nakabangon at may minamahal sa ngayon nagplaplano nang magpatayo ng bahay at bumili nang sasakyan at ibigay ang kasal na kanyang hinihiling isang kasal na karapat-dapat at pag-uusapan nang buong kabarangay.

Sa ngayon ang aking natutunan minsan may dadaan ngunit may ibang nakalaan, dapat ang maging kasabihan iniwan, nasaktan dahil lahat ay dumadaan lamang.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top