What's new

Closed Paano nga ba tayo nagkakilala? Day 2

Status
Not open for further replies.

JaQ2169

Eternal Poster
Joined
Mar 1, 2019
Posts
1,203
Reaction
770
Points
344
Day 2
(paki basa lang yung Day 1 muna kung hindi pa)

Bigkas na taimtim sa harap ng salamin
makamtan kahit pangalan ako'y umaamin
ka'y Bathala diing ipinapanalangin
sa araw na ito ako sana'y butihin

Suot ang pinakamagandang polo
pantalon wala namang maiterno
palakad lakad paikot ikot ako'y walang hinto
malabo yata ito baka hindi nya gusto

Sa araw na ito sabi ko sa sarili
walang takot at walang atubili
huwag sayangin ang mga sandili
buhay ay maigsi wag ng magdili dili

At sa salimisim bumalik muli
makinis na pisngi mapupulang labi
mga matang makatingi'y lagpas lahi
mukhang kaakit akit bukod kang natatangi

Buhok mong lagpas beywang ang haba
inayos mo pa, gandang naiiba
sa pangarap pa lang ako'y torete na
walang pagaalinlangan mahal na nga kita

Dumating ako ikaw ang unang hanap
sa lugar na ito huli kang nahagilap
naiwang bango akin pang nalalanghap
alaala mo lang ako na'y nasa alapaap

Lahat ng sulok pilit ginalugad
Apat na palapag napanhik agad
di alintana pawis pagod ay sagad
aking binibini wala kang katulad

At diin sa wakas ika'y natagpuan
sa dulo na yata ng walang hanggan
baybay ang daan ika'y nilapitan
lakas loob bibig ay nanambitan

Hi... ang nasabi ko mahinang malambing
sabay ask ng name nya at nagpakilalang ako si Doming
laking gulat ko, napalundag sa pagkaka standing
Hellow ang sagot nya, siya raw ay si ...



















... Karding !



Toinks! Bwa ah ah ah ah ah ah peace po

Epilog
Prens na lang kami
 
Alipin ng sining! Salamat. Malaki ang paghanga ko sa mga manunulat. Lalo na't sa sariling wika. (Ang hirap kasi talaga) Inabangan ko itong Part 2 mo. Iniisip ko kung makukuha mo ba ang pangalan nya. :>

Nabasa mo na ba ang liham ni Andres Bonifacio kay Oryang?
 
salamat, mahina ako talaga sa tagalog, kaya nag papractice ako, pro puro kalokohan lang niisip ko, sorry, kala ko kasi walang matino dito ih, paka prejudice ko...until nung nilike mo ung bato ko sa kalawakan, haha thank you
 
ps yung iba lang, nakakatawa ung iba kong nabasa, pero nakalulugmok kasi yun yata ung mga sinulat nya bago sya pinaslang nung 1897
 
salamat, mahina ako talaga sa tagalog, kaya nag papractice ako, pro puro kalokohan lang niisip ko, sorry, kala ko kasi walang matino dito ih, paka prejudice ko...until nung nilike mo ung bato ko sa kalawakan, haha thank you

That bato sa kalawakan is good. I hit like after ko agad mabasa. Mahirap naman talaga ang wikang Filipino hindi lang napapansin yung mga errors. 😅
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top