What's new

Closed Paano nga ba tayo nagkita?

Status
Not open for further replies.

JaQ2169

Eternal Poster
Joined
Mar 1, 2019
Posts
1,203
Reaction
770
Points
344
Day 1

Freshmen tayo nun sa isang pamantasan sa Maynila
at sa gilid ng aking mga mata ika'y nakita
Una'y di ko napansin mata mo pala'y nakatingin din
enrolment line ng Registrar parang naging hardin.

Puso ko'y nagpumiglas at umalma
sa simpleng kagandahan di yata ako tugma
At sa mahaba mong buhok ako'y napalunok
sa pader sa tabi mahinang napasuntok.

impit na hiyaw sya na nga sya na nga
pusong tulog isip tatanga *****
irog ko andyan ka na nga
bibig tikom pa rin bakit nakatunganga.

Tahimik kang nakapila
anghel bumaba sa lupa
Sino ako para lapitan ka
walang maisip bukang salita.

nakaputi ka pa nuon aking Sinta
kasama po pa bes mong si Lydita
hindi ako makalapit sa hina ng ******
wala talaga akong maisip na iaadlib.

nawala ako sa pila di alintana
pumunta sa canteen duon bumintana
mapagmasdan ka lang kahit sa malayo
oh pagibig bakit ba agad may siphayo.

Hala, lagot ako ke Mama di ako nakaenrol
sa bahay na lang namin duon humagulgol
tanong nya anu ang nangyari
wala akong nasabi, pati ako di ko mawari.

di man lang kita nakausap o nakuha pangalan mo
di na kita maialis sa isip at puso ko
ang tanging dasal ngayong gabi
ang sana bukas makita kang muli.

Ay, kay tagal naman ng umaga
di nakatulog mata'y namamaga
makita kang muli ngayo'y pinakamimithi
pagibig yata'y lalong sumisidhi.



tbc...
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top