What's new

Closed Sa yo

Status
Not open for further replies.

JaQ2169

Eternal Poster
Joined
Mar 1, 2019
Posts
1,203
Reaction
770
Points
344
sa 'yong pagtalikod puso ko'y isama
sa mga hakbang palayo luha ko'y iwan muna
'wag tumingin pabalik, mata'y ititig
umaga'y darating kapalit ng pagibig

sa isip ko'y andyan ka lagi
alaala ng kahapong napakaigi
umalis ka man ngayon at sa iba'y humalik
puso kong dala mo 'wag mo nang ibalik

ligaya mo'y pangarap ko rin
kahit kapalit nito'y ang paglayo mo sa akin
hinagpis man ang sa aki'y idulot
nanaisin ko na, 'wag ka nang bantulot

'wag magbaliktanaw, baka matunaw
puso mong marupok, baka nga malusaw
hindi ito ang 'yong gusto
humayo at maglaho, di kita matanto

bigat ng damdaming yumakap sa dilim
heto na yata ang takipsilim
buhay yata'y hindi na tugma
sa puso't isip sigla di na tama

oh, magpahinga ka na puso ko
pagod ka na sa pagtibok mo
at sa pagkalugmok at panghihina
sa labi'y namutawing tama na, tama na


pero ang tila tahimik na hinahabing kataga...


bakit ikaw pa rin...
bakit ikaw pa rin...

kubling isinisigaw din!?

516.19 ilang taon na ba?
Wala lang.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top