Di masasagot yan ng kahit sino dito, kasi naka dipende yan sa school curriculum at sa path na gusto mong tahakin. The best way is to look for the trend in the IT industry kung ano ang most needed ng mga Companies(kung anong languages ang prefered at laging vacant at in demand). Tapos saka ka mag inquire ng mga school na may curriculum na malapit or exact sa path na gusto mong tahakin based sa demand na nakita mo sa market. Sa US, boom na boom ang java at python, so best talaga yang dalawang yan na pag aralan ng isang studyante doon para sa career nila after grad. Dito naman sa pinas, .Net(C# & VB), Java at Php. Tapos iba pa yung preferred nilang familiarity mo sa frameworks. Minsan kasi dito, hindi sapat na marunong ka lang mag Java for instance, dapat proficient ka din sa gusto nilang framework na gamit nila sa dev team nila. Pero pinaka key jan is, mag build ka ng strong fundamentals at foundation sa programming, algorithms at analysis para dynamic ka. Basta alam mo ang fundamentals at basics, kahit anong language, framework at rdbms pa yan madali ka na lang makaka adjust.