What's new

Closed LRT extension to cavite

Status
Not open for further replies.
608284

608286
 

Attachments

Tanda ko nanaman yung linya ni Pnoy na mag papasagasa sya sa train kung di nya magawa yan :ROFLMAO: :ROFLMAO:
 
meron yan compensation,

sabi nga ng ASEC ng Dep of Transportation

"May mga nagtatanong sa akin— bakit daw ngayon lang nagsimula ang construction para sa LRT-1 Cavite Extension Project, samantalang two years ago pa nangyari ang groundbreaking?

Sagutin natin. Isa-isahin natin para malinaw.

UNA - Ang isinagawa noong May 2017 ay isang groundbreaking ceremony kung saan minarkahan natin ang simula ng pre-construction activities para sa LRT-1 Cavite Extension. Isang masalimuot na problemang inayos ng Department of Transportation (DOTr) at Light Rail Transit Authority (LRTA) sa pre-construction phase ng proyekto ay iyong tinatawag na Right of Way Acquisition (ROWA).

Para sa kaalaman ng lahat, taong 2007 pa nagsimula ang ROWA para sa proyektong ito. Ngunit, noong pumasok ang kasalukuyang administrasyon noong July 2016, 0% pa lang dito ang na-certify na “Free and Clear” ng Independent Consultant. As in zero. Pero hinabol natin ito, at sa wakas ay nagawa rin.

Note that according to the project’s original timeline, Package 3 of the ROW acquisition should have been completed in March 2016.

Ngayon, anu-ano pa po ang mga nagawa natin para sa proyekto habang nasa pre-construction phase ito? Maliban sa ROWA, nakumpleto natin ang relocation ng Informal Settler Families (ISFs), utilities, at ang paglilinis ng construction yard.

Ang 120 Light Rail Vehicles (LRVs), na kung saan na-deliver na ang mock-up nito noong January 2019, ay on-track nang maipapadala para sa pagsisimula ng partial operations ng extension line sa 4th Quarter ng 2021.

Napirmahan na rin nitong February 2019 ang kontrata para sa expansion ng Baclaran Depot at pagtatayo ng bagong Zapote Depot, at handa nang simulan ang mga ito.

Ready na rin ang pagtatayo ng mga viaduct at mga istasyon sa pangangasiwa ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), dahil certified na as “FREE AND CLEAR” ng Independent Consultant (IC) ang mahigit 91% ng Right of Way (ROW) ng Package 1.

Ngayong handa na ang mga parte para sa pagbuo ng LRT-1 Cavite Extension, pwede-pwedeng na tayong umusad sa konstruksyon ng proyekto.

IN CLOSING, sabi nga ni Usec. Timothy John Batan: 18 years, 8 months, and 13 days.

It has been 18 years, 8 months, and 13 days since the LRT-1 Cavite Extension Project was approved by the NEDA's Investment Coordination Committee on August 25, 2000, and it has been 17 years, 3 months, and 16 days since the NEDA Board approved the Implementing Agreement for the project on January 22, 2002.

It took a Mayor from Davao, from 1,500 kilometers South of Metro Manila, President Rodrigo Roa Duterte, his classmate from Cagayan, from 500 kilometers North of Metro Manila, Secretary Arthur Tugade, and a strong-willed retired police general, LRTA Admministrator Reynaldo Berroya, to finally get all components of this long-awaited, and much-needed project in place.

Matapos ang HALOS DALAWANG DEKADA at makalipas ang TATLONG ADMINISTRASYON, nandito na ang lahat ng kailangan para umusad at matapos ang LRT-1 Cavite Extension.

Sana ‘ho ay ‘wag tayong maghilahan pababa. Magpamalas tayo ng suporta. Don't be NEGA. Sinisiguro namin sa inyo na siyento porsyentong tuloy at matatapos ang proyektong ito."
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top