What's new

Closed A Time Travel Story

Status
Not open for further replies.

Gin-chan07

Eternal Poster
Joined
Sep 19, 2016
Posts
720
Reaction
453
Points
279
A time travel Story(true story)
Ni Alf Seidr

Noong 2006, isang 19 years old na lalaki na
nagngangalang Sean ang naaktuhang nagsashoplift
sa isang establishment sa Liverpool. Kaagad siyang
hinagad ng security guard. Nagtago si Sean sa
isang dead end at hinihintay na makalampas ang
guard sa kanyang pinagtataguan. Pero hindi
dumating ang guard. Nakaramdam siya ng paninikip
ng ****** at may napansin siyang kakaiba sa
paligid. Sa pag-aakalang hindi siya nasundan ng
guard, naglakad na siyang muli sa kalye.
Laking gulat niya ng makitang iba na ang kalsadang
dinaraanan niya. Ang natatandaan niyang road works
sa area ay wala na rin. Napansin niya na ang mga
sasakyan sa paligid ay old fashioned o yung parang
mga sinaunang modelo ng mga sasakyan ngayon.
Ang mga tao rin ay mga makaluma rin ang suot.

Nang makarating siya sa isang parte ng Bold Street,
nagkaroon ng mga traffic lights sa mga puwestong
wala naman nito dati. Patuloy siyang naglakad at
hindi kalauna'y nagpanic dahil nagsink in na sa
kanya na nasa ibang panahon na siya.
Kinuha niya sa kanyang bulsa ang cellphone pero
nadismaya siya ng walang masagap na signal ito.
May natanaw siya na newspaper stand at dali dali
siyang pumunta rito. Tiningnan niya ang front page
ng Daily Post at nagulat siya sa nadiskubre niya.
Ang date sa newspaper ay May 18, 1967!
Matagal tagal na rin at hindi pa rin siya nakakabalik
sa present. Muli siyang tumakbo papuntang H.
Samuel Jewelers at nang makarating doon ay
muling sinubukan ang cellphone niya. Luckily, may
nasagap na siyang signal. Dito siya nakahinga ng
maluwag dahil nakabalik na siya sa present time.
Pero nang muli siyang sumulyap sa pinanggalingan
niya ay nakita niya pa rin ang mga taong naglalakad
sa taong 1967.

Siguro mapapaisip kayo na gawa gawa lamang ito
ni Sean upang matakasan ang naging kasalanan
niya. Noong ininterview siya ng local newspaper,
ikinuwento niya ang nangyari sa kanya ng apat na
beses at walang palya ang pagkakatulad ng mga
detalye nito. Nagresearch din ang local newspaper
tungkol sa mga ikinuwento niya at lahat ng ito ay
historically accurate. Pero ito pa ang mas
nakakamangha. Noong ininterview ang guard, sinabi
niya na noong pumunta siya sa dead end na
pinagtaguan ni Sean ay bigla na lamang itong
naglaho.

Marami pa ang mga time travel story na sinasabing
nangyari sa Bold Street. May lumutang na teorya na
maaaring may ***** sa natural flow of time sa
Liverpool partikular sa Bold Street. Maaari raw na
dulot ito ng high voltage rails sa underground
railway system sa lugar na maaaring
nakakapagbukas ng portal through time. Pero
meron pa ring mga agam agam sa
kababalaghang ito sa Bold Street. Maaari raw na ito
ay dulot lamang ng mass halucination o hindi kaya'y
fabricated stories lamang para makaattract ng
atensyon.

Fact or bluff? Kayo na ang humusga

Source: medium(dot)com, paranormalscholar
(dot)company
 
Base sa salaysay sa istorya... imposible may time travel sa panahon na yan.. pero possible din na gawagawa lang yun istorya or may mental disorder yun tao na yun pero mahirap din magjudge kung ganon ... 😊 i think, di mo masasabi kung ano ba talaga totoo ngyari jan e.. so fact & bluff na lang!!
 
Posible rin nanggaling ang kwento dahil sa isang panaginip lamang... O ginawa ng isang taong malawak ang pagiisip.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top