What's new
  • Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Bicol International Airport

-Kyle-

Addict
Established
Joined
Oct 1, 2014
Messages
482
Reaction score
335
Dito nyo makikita kung san na pupunta tax natin hindi sa bulsa ng mga corrupt.

Pinangunahan ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang site inspection sa ginagawang Bicol International Airport ngayong araw, ika-11 ng Abril 2019.

Tinagurian bilang 'Most Scenic Gateway', ang BIA na ngayo'y may 57.44% completion rate, inaasahang lalong magpapa-angat sa ekonomiya at turismo ng lalawigan.

Sa ngayon, 100% kumpleto na ang airside ng paliparan na binubuo ng airstrip, runway, taxiway, apron and perimeter at fence habang ang landside naman nito na binubuo ng mga gusali ay tuloy-tuloy ang konstruksyon.

Oras na makumpleto ang konstruksyon nito sa Hunyo 2020, inaasahang makakapag-accommodate ito ng aabot sa 2 milyong pasahero taun-taon.

Kasama sa mga opisyal na nagtungo sa site inspection sina DOTr Usec. for Aviation and Airports Manuel Antonio Tamayo, Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, Tourism Asec. Myra Abubakar, DOTr Asec. for Communications Goddes Hope Libiran, and CAAP Deputy Director General for Administration, General Ricardo Banayat.

#DOTrPH 🇵🇭
#BUILDBUILDBUILD
#ComfortableLifeForAll
#PartnersForChange
#AviationAndAirportsSectorWorks

591459 591460 591461 591462
 

Trending On This Forum

Unanswered Topics

Top