What's new

Closed isang pagkakataon

Status
Not open for further replies.

PHC - Prince Ellgrey17

Forum Veteran
Joined
Jul 22, 2017
Posts
2,506
Reaction
1,338
Points
953
parang kailan lang nang kausapin mo ako
sinabi mong ayaw mo na dahil pagod na ang puso mo
hindi ko naman alam hindi malinaw, sobrang labo
wala namang dahilanpero sabi mo'y break na tayo

ako'y napangiti sa aking narinig
wag ka ngang magbiro, saba'y sabi nitong bibig
ikaw ay niyakap, hinawakan ka ng mahigpit
may problema ba, tanong ko ay bakit?

bigla mong nasabi, "di ako nagbibiro"
ako'y dapat limutin na, dahil may iba na ako
pisngi ko'y namula, hindi ako makakibo
parang biglang dumilim, ang maliwanag kong mundo

noo'y pilit pinipigil, pagpatak ng mga luha
kasabay ng pagbilis, tibok ng puso ko sinta
ikaw ay tinanong, ano bang aking nagawa?
may kasalanan ba ako, sakin sabihin mo nga?

"di na kita mahal", ang salitang aking narinig
pasensya ka na sana, meron na'kong ibang iniibig
hindi ko lang maamin, dahil ayaw kitang masaktan
ngunit ayoko nang mabuhay pa sa kasinungalingan

sana ako'y maunawaan mo
mula ngayon sayo, ako na ay lalayo
kasama ang lalaking pinamamahal ko
sana'y mahanap mo, ang tunay na para sayo

paalam na sa iyo
yan ang sabi mo sa akin
o sobrang kaybigat
nitong aking damdamin
minasdan ka na lamang habang ika'y papalayo
ako'y nagtatanong, bat kaylupit nitong mundo

di ko na mapigil ang pagpatak ng mga luha
ako'y napayuko, lumuhod na sa lupa
kumulog, kumidlat, malakas na ulan ay bumuhos na
sa'kin ay dumaramay, humahaplos sa'king mukha

pinilit kong tumayo, agad ako ay umuwi
habang naglalakad, ako'y nagmumuni-muni
ang malamig na hangin, sakin ay dumadampi
kasabay ng pagsigaw, nitong puso kong sawi

ilang araw na ang lumipas ngunit heto parin ako
di ako makatulog lagi kang nasa isip ko
nagbabalik tanaw sa mga araw na naglaho
kasama ng mga pangarap na minsan nating binuo

puso kong ito ay di parin sumusuko
dahil sayo parin, umiikot ang mundo
laging bumabalik ang alaala mo
kaya di naghihilom, ang mga sugat nito

mula sa araw na ikaw ay lumayo
nawalan nang kulay ang buhay kong ito
di ako makakain, tagay doon,tagay dito
maging pag-aaral, ay napabayaan ko

merong isang araw, ako'y biglang kausapin
ng aking aking nanay, humarap siya sa akin
anak ano na ba'ng iyong ginagawa
dahil lang sa babae'y, nagkakaganyan ka?

anak sa pag-ibig, ay ganyan talaga
dadanas ka ng lungkot, at di puro saya
merong pagngiti, merong pagluha
merong nagwawagi, at sawi ang iba..

"nay bakit ganun?, tanong ko sa kanya
tapat naman ako, bakit ako'y iniwan nya
sa kanya'y yumakap, tumulo ang aking luha
wag ka nang umiyak, sabay pahid sa'king mata

anak, ikaw man ay nasawi, sa iyong pag-ibig
ngunit hindi yan katapusan ng yong daigdig
marahil ay hindi siya, ang sayo'y nakalaan
kaya nga sa iyo, siya'y nawala ng tuluyan

anak, bata ka pa, marami pa dyang iba..
wag mong madaliin, ang iyong pagsinta
hindi ba't kayganda, maaga mong nalaman
na ang iniibig mo'y, isa palang salawahan

isang salawahan, sayo'y di tapat
minahal mo ng tama, ngunit hindi sapat
kaya sa susunod, dapat kang mag-ingat
sa bitag ng pag-ibig, wag agad kakagat

sa payo ni inay, ****** ko'y gumaan
aking napagtanto, dapat akong lumaban
ang masama kong panaginip, dapat ko nang talikuran
nang ang pusong sugatan, maghilom ng tuluyan

sa araw ng linggo, ako'y gumising ng maaga
agad ako'y dumalaw, sa tahanang mahiwaga
nandun ang KAIBIGANG, nagbibigay pag-asa
hatid' tunay na pag-ibig, gumagabay sakin tuwina

habang ako'y naroroon, huminga ako ng malalim
mata ko'y pinikit, kinausap Siya ng taimtim
humingi ako ng tawad, sa'king pagkakamali
dahil lang sa pag-ibig, Siya'y aking naisantabi

sa kanya'y dinulog, lahat ng aking problema
di namamalayang, pumapatak aking luha
agad kong nilabas, panyo mula sa'king bulsa
at aking pinahid, upang walang makakita

dumaan ang mga araw, maraming taon ang lumipas
iniwan mong bakas, sa'king puso ay kumupas
aking mga labi, muli nang ngumiti
kirot saking ******, nawala na't napawi

merong isang gabi'y ako'y tulog ng mahimbing
sa tunog ng telepono, ako ay nagising
isang bagong numero, tumatawag sa akin
nagdalawang isip, akin bang sasagutin

kahit inaantok, telepono'y sinagot
narinig ang isang boses, tila ba malungkot
di ako nagkamali, pagkat pamilyar sa'kin
tinig ng babaeng, minsan sa puso'y umangkin

kamusta ka na, ang tanong mo sakin?
eto, ayos lang, tulad ng dati, gwapo padin
hehe, biro lang, kaw ba kamusta din?
eto malungkot, pagka't ako'y sawi narin

ha? ako'y nagulat, sabay sabi, bakit naman?
lalaking inibig ko, isa palang salawahan
di ko akalain, na ako'y kanyang iiwan
binigay ko ang lahat, hanggang ako'y pagsawaan

ako ay naawa, sa aking narinig
bigla lang kumirot, itong aking ******
di ko matanggap na ganun ang nangyari
sa babaeng inibig ko't iniingatan dati

bigla mong tinanong, kung kita'y mahal pa ba?
oo, nasabi ko, simula pa noong una..
pwede bang bigyan mo, ng isang pagkakataon
ibalik natin ang dati, magsimula tayo ngayon?

di ako nakaimik, bumuhos ang mga luha
oo damdamin ko, sayo ay hindi nawala
ngunit dinadamdam ko't, di na ibibigay sayo
isang pagkakataon, upang muling saktan ako..
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top