What's new

Closed Part 3: (for beginner) step by step to create your own awesome website at kumita ng income.

Status
Not open for further replies.

Dalatogs

Honorary Poster
Joined
Apr 29, 2017
Posts
186
Reaction
96
Points
129
Age
37
PART 1 Requirements
PART 2 TIP and ADVICE


PART 3: Domain, Titles, and Description

Magandang araw po sa lahat mga ka PC. Medyo natagal ang part 3 natin gawa ng busy sa work. hehe.

Ang pag gawa ng website ay aling tulad natin sa pag gawa ng bahay. saka tayo gagawa ng bahay pag completo na ang plano natin (blueprint). para hindi masyang ang nagagastos mo at oras mo.

Ang e share ko ngayon sa part na ito ay tungkol sa SEO (Search Engine Optimization), Ito po ang pinaka importante sa lahat. Ang SEO ay ang pag proseso ng pag karami o bilang ng visitor sa website gawa ng posibleng ma-una ang website mo sa listahan ng mga resulta sa search engine, tulad ng Google search, Yahoo search, Bing. at iba pa. kaya tayo na mag simula.....

1. DOMAIN NAME - Address ng website mo...

Sa tutorial nating ito ay movie site ang kategorya natin. kaya dapat magaling tayo pumili ng domain name. yon bang tamang words at tugma talaga sa kategorya ng site mo. Halimbawa ay ang gagawin mong website ay exclusive lang sa mga pinoy movies, kaya ikaw na ang pumili sa magandang domain name "pinoymovies, moviespinoy, tagalogmovies, etc." ikaw na rin ang bahala kung anung extension ang pipiliin mo rin, tulad ng .com, .net, .org, etc. Hindi naman pwiding iibahin mo ang domain name mo, pinoy movies site ang gagawin mo tapos ang domain ay "Lee-Min-ho.com" kasi mahilig ka sa korean movies. Ang TIPS ko sa inyo ay bago kayo pumili ng domain name ay subukan niyong e-check sa "Google Trend" kung anu ang top rank keyword. makikita mo doon kung anung mga words ang sini-search ng mga maraning tao sa internet, at gamitin mo ang "compare" halimbawa "Pinoy Movies" at "Tagalog Movies" e-compare mo lang sila doon sa google trend at makikita mo kung anu ang top rank.

2. TITLE - Ang pangalan ng website mo...

Ang TITLE natin ay dapat related sa domain name mo. Kasi isa rin yan sa makakabuti ng impact sa website mo. Sigurado akong mag-kakagusto sayo si google search. hindi naman pwiding ang TITLE mo ay "PEDRO" tapos ang domain name mo ay "JUAN .COM" kasi 99% busted ka kay google. Halimbawa ay kung ang title mo ay "Pinoy Movies" dapat ang domain mo rin ay "pinoymovies".

3. DESCRIPTION - Kompletong detalye ng website mo.

Importante din ito sa website natin gawa ng hinahanap rin ito ng SEO para ilabas niya sa search result ang website mo. ikaw na po ang bahala kung anung description na ilalagay mo sa site mo, basta ang importante ay related siya sa "TITLE" at "DOMAIN" mo. Ang TIPS ko sa inyo ay hanggang 150 letters ang maximum ang kailangan natin dito. According sa mga SEO expert of MOZ and stackoverflow.

Sana po nagkakahintindihan na tayo about sa DOMAIN/TITLE/DESCRIPTION with SEO...


TO BE CONTINUE....
 
boss...laking tulong ito...

dami kc ako tanong sna sa pag build ng website..meron n po ako domain na nakuha ko lng din po d2 sa PhC...<credit to him> ..kaso pag nag install po ako ng wordpress hndi po sya nasesearch sa gugel ung site ko.. need p dw ng certificate...
about jn sir kya hnd ko maituloy2 ung pag build ko ng site...
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top