What's new

Closed Kalibo International Airport

Status
Not open for further replies.
583983


NOON, siyamnaraang (900) katao lang ang kayang i-accommodate tuwing peak hours ng lumang Passenger Terminal Building (PTB) ng Kalibo International Airport (KIA) para sa 58 flights kada araw.

NGAYON, sa pangunguna ng Department of Transportation (DOTr) at ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), 44.71% complete na ang rehabilitasyon ng paliparan at kaya na nitong tumanggap ng 72 flights kada araw. Oras na matapos ang rehabilitasyon, inaasahang kakayanin ng KIA na tumanggap nang aabot sa 1,200 pasahero kahit peak hours.

Noong 13 March 2019, sa tagubilin ni DOTr Secretary Arthur Tugade, ininspeksyon ni CAAP Director General Captain Jim Sydiongco ang KIA upang alamin ang sitwasyon sa lugar sa gitna ng ilang reklamo ng 'congestion' sa paliparan.

Agad ding nag-schedule ng pagbisita ang kalihim upang personal na mag-inspeksyon sa airport, oras na makabalik siya mula sa isang opisyal na lakad sa Japan.

Matatandaang, mayroong unsolicited proposal ang KIA at noon pang Oktubre 2018 iginawad sa Mega 7 Construction Corporation ang Original Proponent Status (OPS) nito.

Batay sa record ng CAAP, bago pa ang muling pagbubukas ng Boracay Island ay nakumpleto na ng pamunuan ang lahat ng ipinangako nitong dapat ayusin sa paliparan kabilang ang paghihiwalay sa expansion area mula sa check in at arrival area ng KIA.

TULOY ANG PAGBABAGO SA KALIBO INTERNATIONAL AIRPORT. Panandaliang abala, tungo sa pangmatagalang ginhawa.

#DOTrPH 🇵🇭
 

Attachments

Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top