Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na kung saan ang mga miyembro ng SSS na tinanggal sa kanilang mga trabaho ay mabibigyan ng Employment Insurance. P10,000.00 ang halaga ng buwanang sahod na maaring umabot ng dalawang buwan, sapat na palugit upang makahanap sila uli ng bagong mapapasukan.
Maaaring ma-claim ang buwanang employment insurance na tatagal ng dalawang buwan ang sinumang empleyado na natanggal sa kanilang mga trabaho, ito ay ayon sa Republic Act 11199 o tinawag na Social Security Act of 2019.
Maaring lamang ito ma-avail isang beses kada tatlong taon. Ang batas na ito ay nilikha lalo na para sa mga miyembrong 60 yrs pababa. Makukuha ng member ang 10,000 kada buwan sa loob ng dalawang buwan kung ang partikular na miyembro ay may maximum salary credit na binabayad.