What's new

Closed Current Events: ASAP, I need fresh BSME for training

Status
Not open for further replies.
Retired but forced to work ako sa ngayon (dahil kay misis he he) at utang na loob sa dati kong bosing. So, since PHCorner ang naging libangan ko habang retirado ng ilang taon, dito rin ako maghanap ng possible applicants if they pass our criteria. Informal and limited request ko lang ito sa mapapalad na aplikante. Kilala naman ako dito - si-totoo akong magsalita, mahaba, at makwento lang he he.
(Di ko alam kung pwede ito sa forum kaya sinubukan ko lang. Kung inappropriate sa PHC MODS, remove this thread!)

Mga kinakailangan:
BSME fresh graduate (licensed/unlicensed) - male or female, married or unmarried. Ingat lang sa mga petite na magagandang aplikante at tipo ni bosing yon he he.
Preferred kasi ang bata (mga nasa 20's) dahil madaling turuan etc..
  1. Work experience is not necessary, pero dapat magaling at may experience din sa tsiks he he!
  2. Has good communication skills, willing to learn, follow instructions, at mabilis maka-pickup ang isip. Dapat, medyo mataas ang kaalaman sa oral at written English dahil mapipilitan ka ring magbasa ng manuals at humarap sa clients. (Bawal ang mahiyain at balat-sibuyas kaya tingnan nyo muna sarili ninyo sa salamin para di masayang ang oras natin. Kataku-takot na bulyawan at medyo masakit na salita maririnig ninyo from time to time galing sa isang striktong tatay. Ako, manhid na kahit ilang linggo lang he he. I will guide you na lang.)
  3. Special advantage to those who have good mechanical drafting skills combined with the rest of requirements. Additional skills sa office ay additional increase sa salary din. (Seriously, mahigpit kami sa safety ng tao with regards sa field projects so don't worry!)
  4. In good health and state of mind, walang kaso sa lipunan, at mataas ang antas ng common sense. Dapat ay di maarteng maalikabukan o marumihan. Smokers are welcome!
  5. Willing to be deployed anywhere and willing to do shift work as needed. Kapag nasa official business (OB) ay all expenses ρáíd or to be reimbursed! Merong minimum cash advance para dyan kung wala pang pondo.
  6. Three (3) months probation bago maging regular - depende sa actual performance ninyo during that duration.
( Meron kayong postpaid sim far calls and net kaya di problema yan + free meals. Pwede kayong tumira muna sa opisina just in case galing kayo sa malayo......Nasa budget na yan for the newcomers.)

Background ng kumpanya:
Dati ko silang supplier ng spare parts/special metals ng nagtatrabaho pa ko noon sa isang plant. They supply parts and special cleaning services (paglilinis ng mga silos and bins) nowadays mostly sa cement industry or similar plants. Sales and operation manager ako sa ngayon though field work/technical assistance muna yung present kong ginagawa't di naman talaga ako salesman he he. Maraming projects na continuous daily works sa ngayon kaya kailangan ko ng additonal supervisors for their completion.
Sa totoo, pabangon lang ulit itong kumpanya, kaya kailangan ng tao sa opisina at sa labas.
75 yrs old na si boss, kaya balak kong ibangon yung kumpanya niya tulad noong dati kong nakita na puno ng engineers/managers ang ground floor bago siya huminlay. Kaya ko lang yan, basta marami akong mapagkakatiwalaang mga tauhan. Kung hindi, baka ako maunang mamatay he he dahil ako lahat ang gagawa sa field he he.
Pare-parehas tayo ng sweldo - DU30 minimum salary with no-tax (~<21K)! Maliit, pero sa profit-sharing lang tayo kikita ng additional - kasama pa rin kayo doon.

Sa Maynila yung office, QC area (full details/contacts thru email sa pumasa sa criteria ko).

PLS. no need to reply from this thread or pm. Send me your Resume with photo sa'kin in pdf form including contact details + scanned copies ng inyong 1- 5 yr academic record. Dahil trabaho ito na kasama ninyo ako, mataas ang standard ko kaya kung marami kayong palakol sa major academics, mas mahigpit ako sa interview ninyo. Tawagan ko na lang kayo for a snap interview after we screened the documents, and the rest will follow.

PS> Captain Underpants, baka may bataan ka dyan na rekomenda, pa-screen check mo na he he!

Thanks.

------------------------------------------------------------------------------------
alist1986@gmail.com
 
Last edited:
wala po ba sa bsmt bossing? hehe pabulong naman kung meron salamat
He he. Sorry bosing, nabenta na barko namin noong araw. Maraming maritime office dyan sa tabi ng Luneta. Maglibot ka dyan at baka may opening. Marami dito sa PHC na mga marino, baka sila may alam.
 
naku huwag niyo palampasin eto.. iba maging mentor si alist1986 hehehe complete details (y);)
Naku pre, napasubo lang ako kaya nilulubos ko na ng mapaginhawa ko rin sarili ko sa katagalan. Wala namang silbi kung ano pang taas ang posisyon ko dyan kung ako rin yung "bisor" sa lahat ng projects na 24/7 he he. Yung dalawang senior sa akin ay hirap din dahil hindi mga "technical" kaya ako yung sinasabak ngayon ng crash-course sa kumpanya para makapag-assist. Kaya hanggang ngayon ay naninibago pa ang katawan ko sa iba't-ibang simoy ng hangin sa kaka-biyahe.
At totoo yang sinabi mo na huwag sanang palampasin ito. Yung BSME ay maraming branches sa industry kaya mahirap sa umpisang maghanap ng trabaho; kaya ito ay isa lamang stepping stone (at maaaring non-permanent din). Yung experience ang importante sa una para ma-expose sa inyong "possible" career. Magsasangay yan after a few months or years, either sa sales, operation, maintenance ...and so on. Yan yung stepping ladder kung sakali.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top