What's new

Closed Naalala mo pa ba noon na: ( balikan ang nakaraan )

Status
Not open for further replies.

PHC_Taong-BATO

꧁ ⭐⭐🏆⭐⭐ ꧂ 🅰🅽🅶 🅰🅻🅰🅼🅰🆃 🅽🅶 🆂🅰🅶🅸🅽🅶
Joined
Mar 25, 2015
Posts
10,509
Reaction
13,527
Points
3,747
1. ₱0.10 lang ang pamasahe, kandong libre pa.
2. Ang babae lang ang may hikaw.
3. Ang preso lang ang may tattoo.
4. Si Erap, Jinggoy, Bong Revilla at Lito Lapid ay sa showbiz section lang ng diyaryo nababasa. Ngayon headlines na.
5. Ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud.
6. ARCEGAS at GOODEARTH Emporium ang shoppingan sa bansa.
7. Diyes lang ang isang basong taho at kailangan mong magdala ng sarili mong baso, kasi wala pang plastic cups noon si Manong na magtataho.
8. Chocnut, Tarzan Gum at kending Vicks ang pinag-gagastusan mo ng sinko mo.
9. Sarsi with egg ang pampataba at Star Margarine, at matamis na bao sa umaga.
10. Nagkaka-kalyo ka dahil sa manual type-writer pa ang ginagamit mo para sa school paper mo..
11. Kaya uso pa noon ang carbon paper.
12. Tancho, 3-Flowers o Superman Pomade ang pang-ayos ng buhok mo.
13. KLIM ang tinitimpla ng nanay mo para sa'yo para inumin mo bago matulog.
14. Nakakapag-grocery ka na 20 piso lang ang dala .
15. Anim na numero lang ang kailangan mong tandaan para tawagan ang kaibigan mo.
16. May Party Line pa noon
"Hello party line, pakibaba. Emergency lang.”
17. Sampung taon ang hihintayin mo bago makabitan ng telepono. Ngayon ilang oras lang.
18. Computer cards ang iyung tinutupi para maging baril-barilan.
19. Singkwenta sentimos lang ang songhits .
20. Kay Ka Paeng Yabut ka lang naniniwala pag-ukol sa panahon ang balita.
21. Singkwenta sentimos lang ang pa-gupit.
22. Pinagtatawanan ang kalbo. “Pendong Kalas Kalbo”
23. Hindi uso ang gusot ang buhok at damit. Ngayon may gusot mayaman na.
24. Nakakahiya kung nakalitaw
ang halfslip ng babae,
ngayon naka-display pa
ang ***** at pusod.
25. Cabaret ang tawag sa mga girly bars. Ngayon ay Music Lounge na.
26. Hostess pa ang tawag noon, ngayon Guest Relations Officer na.
27. Sa Escolta ka namimili ng pamasko mo. Ngayon kahit sa bangketa ay talo-talo na.
28. Payat na payat ka pa noon.
29. Highway 54 pa noon at wala pang EDSA.
30. Malago pa ang buhok mo noon.
31. Jingle lang at Songhits nakakanta na. Ngayon naka-Karaoke na.
32. $1.00 = 4 pesos ang dollar exchange rate.
33. Dati naninigas ang mga damit natin dahil sa almirol, ngayon palambutan na sa dami ng softener.
34. Ang bentahan ng bigas ay per salop at ganta, ngayon per kilo na.

SOMETIMES you will never know the true value of A MOMENT until it becomes A MEMORY.

Ikaw? ishare mo nga kung ano pa ang naalala mo. ;)

51223853_10205898765066066_397052434976866304_n.jpg

- Taong-BATO
 
Last edited:
Putek sobrang tanda mo na cgro ts haha di ko inabot yan, imean yan ata ung panahon pa ng lolo ko e haha
:LOL: hindi naman, pero inabot ko talaga yan paps. :ROFLMAO: sarap lang kasi balik balikan, parang madalang problema noon kaysa ngayon.
 
Sandamukal ang boldstar sa pilipinas

:) ngayon **** na ang tawag hindi na bold
hahaha, bakit kaya ganun nu, yung mag boldstar dati kagalang galang pa , ngayon parang ano na. haha., ayaw kong sabihin, baka bawal yun dito, ah basta, alam niyo na yun :ROFLMAO::ROFLMAO:
 
Inabot ko 3 pesos or 4 ata yung pamasahe haha tska ung 1 usd = 4 d ko n din inabot pero the rest naranasan ko haha
mura pa tinapay at pamasahe dati, saka pag may piso ka noon, ang halaga nun ngayon para ka ng nakahawak ng 100php, ganun kayaman ang pilipinas noon, hahaha
 
Yung iba naranasan ko na.. Probinsyano here
sarap sa probinsya ng ganyang taon, patanim tanim lang, sarap pa simoy ng hangin dati hindi pa polluted.
 
ts.. inabot mo yung tinapay na nutri bun? hehe
oo naman paps, hehe, pinamimigay lang yun nung nag aaral pa ko, elementary days. ngayon feeding na tapos need pang magbayad ng 20php, para lang makakaen.
 
nice oo nga balik tanaw sa naka raan.hehe inabot ko lang yung panahong 25 cent palang yung bazuka at judge tas caramel tas pompom 50 cent, tas pinoy na tag pipiso na may kasamang laruan sa loob.hehe :)
 
lolo ts... .inasal na talusog na ga braso masiram na bangot sa gulay...ngunian mau na..mga gagigis na lng(bhira pa)
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top