What's new

Closed Payag ba kayo na ibaba ang criminal liability from 15 to 9 y/0?

Status
Not open for further replies.
Nakapasa na sa house of committee ang substitute bill na naglalayon na ibaba ang criminal liability mula 15 to 9 years old, kahit maraming tutol na child groups.

Ano sa tingin nyo ang maidudulot nito mga ka PHC? Share naman ng insights nyo.
 
Well, we need to take side Sabi nga ng black eyed peas.

Bakit ba makakagawa ng krimen Yung mga ibang Bata? Kung babasehan natin Yung Kay Albert bandura's reasoning Kung saan yung bata na in influence ng environment like parents, tv, peers, etc. Kung yung background na nakikita ng bata is negative agad and percieve na ok lng, mostly makaka gawa talaga ng krimen Yan.

We elected government officials Kung saan puro pangsariling interest Lang. Why not push for foi bill, clear anti- dynasty bill, improve education etc.

Sana pag-aralan mabuti Hindi Yung bandwagon Yung mga congressista Kasi nandun Yung pera( sipsip).

Ito ay opinion ko Po. Nakaka lungkot na may ganitong issue Kung saan nahahati Ang mga Filipino.
 
Nako-naku ang tanong jan handa na ba talaga ang pamahalaan sa ganyang usapin. May sapat bang pundo para dito?
Kung nabubuhay pa kaya si Rizal ano na lamang kaya ang kanyang masasabi?

Hindi ako pabor sa panukalang batas na yan. Sabihin na natin na may pantay na pagtrato ang ipinasang batas pero ang tanong kung masusunod ba ito.. Hindi rin nararapat sa mga kabataan ang salitang "kulong" maaaring magkaron ng masamang epekto ito sa moral ng isang menor de edad. May karapatan padin ang bata na magbago at pumili ng kanyang tatahakin sa buhay. Hindi pa ganun ka ganap ang pagiisip nila at maaring pabago-bago pa. Dapat mas inuuna muna nila na ayusin ang sistema. Alisin ang mga kurap at illigal na gawain. Kung may maayos lang na sistema at may sapat na trabaho ang tao edi wala sanang tambay at malilimitahan ang makakaisip ng masama.

Kung maaprobahan man ito. Dapat yung mabibigat na kaso yun lang ang walang pyansa at bago ikulong ang bata ay antayin ang wastong edad. Edetained muna detntion center na hiwalay sa matatanda para dun huhubugin ang isip. At yung may mabababang kaso ay palabasin pagdating ng wastong edad at papagbayarin ng danyus para magkaron pa sila ng normal na buhay. Kung gagawa pa sila ng mali ay nasa wastong gulang na para maparusuhan. Nakakatakot lang dito ang paraan ng paghuli baka may mabalitaan na naman tayong "nanlaban" huwag naman sana.

Ito ay opnyon lamang at hindi lahat ng nagkakasala ay masama at wala ng karapatang magbago.
 
In my opinion sir/maam kung maipasa man na batas sundin nlng natin kagaya ng ibang batas.. kasi ang mga sasaway lang naman ang mapaparusahan.. kung wala kang ginawang labag sa batas safe ka...
 
Oo payag ako kasi karamihan sa mga bata ngayon ay wala nang respeto sa batas dahil alam nilang protektado sila nito. Hindi sila napaparusahan kahit mas matindi pa ang kasalanan nila sa ibang criminal. Mabuti din to para maranasan nila at matuto para di na i take for granted ang batas na siyang nagbibigay protekstyon sakanila na hindi makulong. Plus sure akong alam nila kung ano ang tama at mali sa edad na yan.
 
Payag ako basta ikulong nyo muna si Marcos. Ano kayo sinuswerte? Ung mga walang muwang na bata gusto nyong ikulong pero ung mga corrupt na kagaya ni Marcos na bilyon bilyon ang ninakaw walang pananagutan sa batas.
 
favor ako sa batas na ito sa tingin mas magiging responsable yung mga magulang na gabayan at bantayan yung mga anak nila, dun naman sa mga batang ulila o nasa kalye mas mabuti siguro na mas mapaunawa sa kanila yung batas na to, main goal talaga ng batas na to ay pababain ang mga kabataan na nasasangkot sa krimen isipin nyo in a positive wag negative
 
Natural hindi. Puro paglabag sa human rights ang mga naiisip na batas ni Duterte. Di nako makahintay mag-2022 para makulong na yang Duterteng yan.
 
payag ako diyan. wala nang disiplina ang mga kabataan ngayon.. hindi takot gumawa ng krimen dahil sa DSWD dinadali kung saan karamihan ay tumatakas... if this law is implemented alam ng mga magulang at kabataan na ikukulong cla kung gumawa pa sila ng krimen.. kapag gumawa pa rin ng krimen ay karga na nila yon.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top