What's new

Closed Tamad - solving ability chapter 1

Status
Not open for further replies.

Quantum Supercomputer

Eternal Poster
Joined
Dec 23, 2017
Posts
738
Reaction
249
Points
375
Age
23
Hiwaga - Isabela school of arts and trade
Author : Aunknown
Epub version You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Read Online -


"Imung mama, walang gana" 'di ko alam kung bakit parating pabalik-balik sa utak ko yang mga linyang 'yan, dahil ba sa rhymes? o dahil sa meaning? teka, pumasok na rin sa isipan ko ang meaning, ba't di pa natin alamin kung ano bang ibig sabihin nyan, wala 'rin kase akong ideya kung ano yan eh, ikaw na nagbabasa nito, alam mo ba? pasensya na sa biglaang pagtatanong, hays kung meron lang si Mario, sya nga pala si Mario ang SSG president ng buong school, pero alam ko namang wala kayong pake'. Bumaba na 'ko galing sa jeep, bumungad saken ang kulay rosas na gate, sa kanan nito may pink rin na rehas mga 6ft. ang taas, Ito yung pasukan ng mga tao, pero pwede rin namang pumasok sa kaliwang gate kung gusto mong mamatay, kung mapapansin nyo, may hati sa gitna, tipikal na lakaran ng mga sasakyan. Binuksan ko yung pantaong gate, kaso naka lock yata sa loob, 'di ko napansin may guard pala, tipikal ang uniporme nila na makikita mo sa kahit anong establisyimento, napakaliwanag ng sinag ng araw, nasa mood akong pumasok, pero bakit sinamahan ng kunot na mukha nila.
"I.D mo balong?"

Huminto ang tibok ng puso ko, ito yung pakiramdam na, kumabit yung asawa mo sa iba, nakakabigla... pero wala pa ko sa legal age para mag asawa, 2nd year high school student pa lang ako. Ang dahilan kung bakit parang natigil ang kapaligiran... teka -gumalaw ring' ulit nung nagsalita ako.
"Nakalimutan ko I.D ko sir."

"'Dun ka, bawal pumasok balong."
Kahit gumagalaw na ang mundo, 'di parin masaya nang marinig ko ang mga katagang 'yan.

Binalikan ko sa bahay ang I.D ko, at nang di namamalayan, nandito na ko sa room 4, nasa loob ng 2nd story building, math section. Kung titignan mo sa taas ang itsura at lawak ng buong ISAT, malulula ka, Sa gitna, natural na dyan ginaganap ang flag ceremony, at sa parehong lugar, yan rin ang gym, kung mapapansin mo ang disenyo ng bawat building, pare-parehas lang kase public school, wala akong alam tungkol dito pero sigurado akong iisa lang naman ang arkitektura na galing sa pamahalaan. Nakapalibot ang iba't ibang uri ng building, parang circle kaso wala naman akong nakikitang kurbadong gusali. Nandyan ang mga lab sa kanan, computer at science, sa kaliwa ang English building, at sa kalayuan ang ang Filipino, at minor subjects at syempre 'di mawawala ang mga taniman ng mga gulay, nandyan yan sa likod ng bawat rooms, teka nakakapagod mag kwento, wala 'din namang kwenta. Balik tayo sa reyalidad, nawala na ang hingal ko, at sya nga pala, puno na nang estudyante ang bawat room, kase late na kong dumating.
"Late ka na naman pre."

Si Jose, maingay 'to at -maingay talaga eh. 'Di pa ba obvious na late ako? pero kahit na ganyang katanungan, may respeto pa 'din ako, siguro dahil mabait ako, oo, baka yun na nga.
"Binalikan ko I.D ko."

Mahinahon kong tugon, pero na counter pa'rin.
"Kahit naman balikan mo, late ka parin."

Oo, tama sya late parin naman ako, kaya halos wala akong kasabay kaninang pumasok sa gate, kung pano' nya nalaman 'di na 'ko interesado. Tipikal na kasama lang 'tong si Jose, malinis tignan, saktong gupit at mukha, na makikita mo sa kahit saan, at isa pa masayahin, pero sa loob hindi na.
"Nasan pala yung teacher natin ngayon?"

Iniba ko na ang usapan.
"Oo, nga, baka walang klase."

Nandito kami sa room, may iba't ibang mundo ang lahat ng kaklase ko, may sari-sariling usapan, pero biglang nagtanong si Jose sa isa sa kanila na halos katabi lang namin. Si Mario.
Pagkatapos tinanong ni Jose para kumpirmahin na, wala nang klase, agad syang lumingon sa'ken, teka, kumikislap ba mga mata nya?
"Meron daw kanina, kaso biglang nawala, ganun' din sa ibang room kung mapapansin mo."

ahh...
Iniisip ko palang ang ideyang mag-aral, parang gusto ko nang magtapos. Kaya nang marinig ko ang linyang walang klase, parang graduation ball na. Habang nakangiti akong iniisip 'to, biglang nagsalitang muli si Jose, at ang kakaiba, sinabayan nya pa nang pag hawak nya sa mga balikat ko, sabay yugyog, -nahibang na.
"May ikekwento ako!"

"Oo, naririnig ko, 'di mo na kailangang sumigaw."
Akala ko, ako lang ang audience, kaya pala sya sumigaw para manghakot ng atensyon. Tumingin man, ang mga estudyante galing sa mga upuang nakapalibot samen, hindi sapat ang isang salita lang.
"Tol, tol, may ikwekwento ako!" hindi na ako ang kinakausap nya, sa iba na sya nakalingon.
Talo pa nito 5000mAh na battery. Habang kinukumbinsi nya ang iba, minamasdan ko ang I.D kong nakasuot saken, wala parin talagang pinagbago, pogi pa'rin.
"Basta, kakaiba!"

Pwersahan silang napalingon at makinig kay Jose, at nang di namamalayan, naka-umpukan at round table na pwesto na ang mga upuan, pero hindi lang yun ang dahilan kung bakit kami naging grupo bigla, kundi dahil curious din ang iba. Mga walo yata kami ngayon, ang iba mas piniling magsarili, karamihan ang mga babae, pero syempre, natural 'din na walang silang pake'. Hays, saludo ako sa kakayahan mo Jose! kung akong nasa kalagayan mo baka matagal na kong namayapa.

Nakalimutan ko, nasa mood na nga pala akong pumasok pero wala rin palang titser, sayang kayong mga dakilang guro, 1st time ko na nga lang makinig wala pa kayo. Inurong ko ng bahagya ang upuan ko mula sa circle na umpukan pa-labas, at nagsimula na kong tumayo para magpahangin sa balkonahe, medyo pinagpapawisan narin kase ako sa pwesto naming dikit dikit, pero 'di nangyari yun, dahil hinawakan ni Jose ang kaliwa kong kamay nung nakatalikod na ko sa kanilang pito, at sa sandaling lumingon ako sa kanya, para bang pilit na nakangiti ang ipinakita nyang mukha saken, pero oo gets ko na, gusto mo kong manatili. Hindi sa may pake silang lahat saken, sa katunayan, si Jose lang ang may pake' saken.
"Jose ano na!"
"Baka bold na naman yan ah"
"hahah"

Madali silang makisama sa mga trip kung akong tatanungin nyo, pero ako? pwede na rin, wala din naman akong magagawa hindi ba?
"Simulan mo na, may gagawin pa ko."

Pa-irita kong sinabi sakanya, agad rin syang sumigaw, para magdeklara.
"Game!"

Maririnig mo ang ingay nang ceiling fan sa taas, nakabukas rin ang mga fluorescent lights, apat silang nakabukas, kahit umaga, madilim rin kase dito sa loob dahil sinasakop ng mga dahon at sanga ang bubungan ng mga building, matarik din kase talaga ang mga acasia kung tutuusin.


"Nung Isang gabi, may narinig ako sa bubungan namin, mga 12:00 ng gabi, 'eksaktong 12:00 talaga?' ewan ko kung 12:00 pero yun ang hula ko, balik tayo sa topic, may malakas na pag-talon talon akong naririnig sa bubungan. Nagising akong bigla, nagtataka ako kung ano yun? naiimagine kong may tumatalon na tiktik sa bawat bahay. 'Ilang beses mong narinig yung talon?' Isang beses banda sa dulo nang bubungan namin, sa kwarto ko na mismo yun, tulala kong sinisilayan yung bobida namin, para kumpirmahin kung anong nasa bubungan. Maya't maya, nung medyo kumakalma na 'ko, narinig ko na naman yung pagtalon sa iba't ibang sulok ng bubungan, ngayon, consistent na, mga tatlong dabog. 'Baka naman may namamato lang sainyo kagabi?' Wala! ni hindi nga kami maingay, wala rin kaming utang sa kapitbahay. 'Pre baka aswang yan, ganyan din yung sa baranggay namin, yung mga kinewento ng mga tanod.' Siguro nga. 'Baka may buko lang yan na nahulog, tanda nyo na nagpapaniwala pa kayo sa multo.' Walang puno samen, lalo nang walang buko boi!"

Hays, nang medyo naaasar na talaga ako, nagsimula na kong magsalita.
"Hindi ba't pusa lang yung tumalon?"

Nagsi-tinginan sila sakeng pito. T-Teka, ano bang nasabi kong mali, ba't ganyan kayong makatingin?
"Pre' malakas talaga parang may nahulog na meteorite sa bubong namin"
Pagkatapos sabihin ni Jose ang ideya sa meteorite, nagsalita si Mario mula sa gilid habang nakatayo, nandyan pala sya, kailan pa?
"Oo sa tingin ko, meteorite nga 'yun, kada segundo may nahuhulog na bato, hindi lang natin namamalayan sa sobrang liit."

Seryoso silang pinapakinggan si Mario. Kaso tatanggapin ko ba ang rason na yan? Mukhang hindi. Muli kong sinabing pusa.
"Bakit Pusa?"
"Oo, baka pusa nga, simplehan lang natin, chill lang mga bro."
Galing sa pitong audience, may itsura at tali ang buhok, yan ba yung trending na pagmumukha ngayon?
Dahil may kapareha na ko nang sagot, hinayaan ko na sya ang magsabi ng paliwanag kung bakit pusa, di ko na kailangan pang mapagod magsalita, salamat.
"Pusa yun mga bro, na may batong nakatali sa paa."

Parang nawalan ng enerhiya ang lahat sa sagot na yun. Napamura akong bahagya, kaso 'di ako yung tipong taong ganyan, kaya naman huminga ako ng malalim, at nagsimula na kong ilabas ang salita mula sa lalamunan ko.
"Jose, masyado kayong nag-iisip nang malalim."

"Anong ibig mong sabihin?"
Hindi lang si Jose ang tumigin at nagtaka sa sinabi ko, kasama ang lahat.

Ito na siguro ang simbolo nang pakikinig nila.
Oo, masyadong malag-an ang pusa sa ganung tunog... kaso.

"Kung kayo yung pusa anong rason kung bakit nasa bubong kayo? 'pagkain' 'oo daga' hindi ba't natural lang sa pusa na gumawa ng maingay na pagtalon? 'ha?' kase nga may hinahabol na daga, hindi ba? 'Medyo naiintindihan na kita, sige magsalita kalang' ang problema sa pag-iisip natin kanina eh kung pano' ang direksyon nang pagtalon, Jose, nabanggit mong may bobida kayo, tama? 'Oo' ang dahilan kung bakit ganun' kalakas ang talon nang pusa ay kundi dahil hindi pabagsak ang talon, kundi pa akyat."

Huminga ulit ako ng malalim dahil sa pagod.
"Sa madaling salita sa loob tumalon ang pusa... gamit ang bobida."


Kinabukasan, literal na kakagising ko lang, nakangiti rin akong namulat, medyo inaantok pa 'ko, kaso may pasok na, wala akong magagawa kinakailangan eh. Kahapon, umuwi na kami pagkatapos nang nakakapagod na kwentuhang 'yon, Wala ng klase buong araw, ang dahilan kung bakit, dahil may meeting. Teka, Sinabi ko bang nakangiti ako kanina? pwes, hindi na ngayon.
"Ang aga-aga, tumatawag ka?"

Tumawag si Jose...
"May pusa nga... nung una kase 'di ako naniwalang may pusa, sa kapit bahay pala galing."

"Tumawag ka, para dyan lang?"
"Oo."
Binaba kong bigla yung tawag kasama yung cellphone, sa oras nang pagbaba ko, may lumakad sa harapan ko, kaso masyadong maliit para sabihing tao.
"Meow."

Oo nga pala... may pusa rin dito sa bahay, pero di kami ang may-ari.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top