What's new

Closed Di mo alam?

Status
Not open for further replies.
Hindi ba't nakakapag-taka na diyos mo lang ang totoo at yung iba, hindi?

Hindi ka ba napapaisip na kaya ka lang may matinding paniniwala, ay dahil simula nung nagkamalay ka, 'yan na ang sinasabi sayong totoo? Hindi ka ba napapaisip na kung gaano katotoo ang diyos mo para sayo, ganun din katotoo ang diyos para sa isang taong lumaki sa ibang bansa kung saan dominante ang ibang relihiyon?

Hindi ka ba napapaisip, na kaya "Faith" at "Trust" ang pinahahalagahan ng sobra sa bawat religion na may iba't ibang diyos, ay para kahit na madami kang choices, yung kinamulatan mo lang ang tanging paniniwalaan at isasabuhay mo?

Hindi mo ba naisip, na kung sila ang tama, at diyos mo ang mali, lagot ka sa kung ano man ang parusa na sinasabi sa bibliyang pinaniniwalaan nila? Pero hindi mo din ba naisip, na kung yung diyos mo naman ang tama, maliligtas man ang majority sa inyo, may ilang bilyong tao pa din na hindi naniniwala sa diyos mo na tulad mo ay wala na lang ding nagawa dahil musmos pa lamang siya nung ipakilala sa kanya ang kanyang panginoon? Magiging maligaya ka kaya sa itaas kasama ang diyos, kung alam mong nagdudusa ang bilyong-bilyong tao na ang tanging kasalanan lang ay mali sila ng kinamulatang buhay, lugar ng kapanganakan at bersyon ng katotohanan?

Hindi mo ba naisip, na ang tinutukoy na "MO" dito, ay hindi lang ikaw? Kundi ang bawat batang mapipilitang mamuhay sa katotohanang pinaniniwalaan ng magulang niya, na mga dati ding bata na namuhay base sa paniniwalaan ng magulang din nila, at ng magulang nila at ng magulang nila at ng magulang nila?

Hindi mo ba naisip, kung hindi ka namulat dito, kung hindi namulat ang mga bata sa religion, kung hindi sila pagbubuklod-buklorin ng kanya-kanyang version ng katotohanan, napakalaking hakbang nito tungo sa malawakang pagkakaunawaan ng sangkatauhan?

Hindi mo ba naisip? O hindi mo iniisip?
-MONS
 
lahat naman kinamulatan. matututunan ba magsalita kung dimo kakamulatan? lahat ng bagay may pinagmulan. yun yung alamin. pano malalaman? read the bible :)
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.
Back
Top