What's new

Closed Hindi po namin sinasamba ang mga rebulto???

Status
Not open for further replies.

bhaboo

Honorary Poster
Joined
Dec 27, 2016
Posts
275
Reaction
180
Points
161
Bago ang lahat gusto kong humingi ng malawak na pangunawa sa lahat na makakabasa sa thread na ito. Sana buksan ng banal na Espiritu ang ating mga isipan sa pagkakataong ito.

Isaiah 44:9 - Walang kuwentang tao ang gumagawa ng rebulto; at walang kabuluhan ang mga diyus-diyusang kanilang pinapahahalagahan. Mga bulag at hangal ang sumasamba sa mga ito, kaya sila'y mapapahiya.

Isaiah 44:10 - Walang idudulot na mabuti ang paggawa ng rebulto para sambahin.

Isaiah 44:11 - Tandaan ninyo, ang sumasamba sa mga ito ay mapapahiya lamang. ang gumagawa nito'y tao lamang, kaya, magsama-sama man sila at ako'y harapin ay matatakot din at mapapahiya.

Isaiah 44:12 - Ang panday ay kumukuha ng isang pirasong bakal at inilalagay ito sa apoy. Pagkatapos ay pinopokpok ito ng malakas niyang bisig hanggang sa magkahugis. Sa paggawa nito siya ay nauuhaw, nagugutom at napapagod.

Isaiah 44:13 - Ang karpentero naman ay kumukuha ng isang kaperasong kahoy. Ginuguhitan niya ito ng anyong tao, saka inuukit hanggang mayari ang isang maganadang rebulto. Pagkatapos ilalagay niya ito sa kanyang bahay.

Isaiah 44:14 - Maaaring pumili at pumutol ng matitigas na kahoy sa gubat tulad ng sedro, encina at sipres. O maari siyang magtanim ng laurel at ito ang hintaying lumaki sakadidilig ng ulan.

Isaiah 44:15 - Ang kaputol na kahoy na ito ay ginawawang panggatong at ang kaputol ay diyus-diyusan. Ang isang piraso ay ginagatong upang magbigay init sa kanya at para paglutuan. Ang isang piraso ay ginagawang rebulto para sambahin.

Isaiah 44:16 - Ang ibang piraso ng kahoy ay ginagawang panggatong. Dito siya nag iihaw ng karne at nasisiyahan siyang kumakain nito kung nadarama niya ang init ng apoy ay nasasabi niya ang ganito: "Ang sarap ng init!"

Isaiah 44:17 - Ang natirang kahoy ay ginagawa nga niyang diyos na kanyang niluluhuran at sinasamba. Dumadalangin siya sa rebulto," iligtas mo ako sapagkat ikaw ang aking diyos."

Isaiah 44:18 - Ang mga taong iyon ay mangmang at di inuunawa ang ginagawa. Tinakpan nila ang kanilang mata at sinarhan ang isipan sa katutuhanan.

Isaiah 44:19 - Hindi na nila naisip na ang kaputol ng ginawa nilang rebulto ay ginamit na pangluto sa tinapay at karning kanilang kinain. Hindi manlamang nila itinanong sa kanilang sarili kung hindi kaya karumal-dumal ang sumamba sa isang pirasong kahoy.

Isaiah 44:20 - Ang mga gumagawa nito'y parang kumakain ng abo. Lubusan na siyang nailigaw ng kanyang maling paniniwala at mahirap ng ituwid. At hindi siya papayag na ang rebultong hawak niya ay hindi diyos.


Possible reaction: Hindi naman po namin sinasamba ang mga rebulto. Ito ay representation lamang na ang Diyos na si Chirsto ay napako sa krus at muling nabuhay. Hindi rin namin itinuturing na Diyos ang mga rebulto nayan.

"Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin." - Exodus 20:4

Ang sabi sa kautusan, kahit sa paggawa pa lang ng imahen o rebulto ay bawal na! Ngayun bakit sandadamak-mak ang mga imahen at rebulto sa simbahan? Tapus lumuluhod pa sa harapan ng rebulto! Sa mata ng Diyos mangmang ang mga taong ganyan. (Isaiah 44:18)
Ano mang uri ng bagay na pinapahalagahan ay maiihahalintulad sa diyus-diyusan.


Kung ikaw ay tunay na anak ng Diyos ito ang masasabi ko sayo. "lumayo kayo sa mga diyus-diyusan." (1 John 5:21)
 
Last edited:
Pero yung ginawa ni tom hanks sa movie niyang cast away. For survival purpose ba?

Kinakausap nya yung bola
 
pag namatay ka ts, sa picture ka na lang kakausapin ng kamag anak mo

kakausapin nila ang isang papel, or cellphone na may picture mo
 
Representation lang po yung mga santo(rebulto) hindi ito yung pinaka sinasamba nila hehe tinanong ko kasi CL teacher ko about jan
 
bible na nagsibi na wag gagawa ng rebulto. kanino ba galing bible? kahit pa representayson lang yun rebulto padin yun.
 
nakakapagtaka nga talaga na yung mga tagapagturo pa ng mabuting balita (mga pari) eh sila pa yung parang gumagawa ng mali? kasi pag pasok ko palang ng simbahan eh dami ng nagkalat na imaheng gawa sa kahoy..
 
Kahit wag na mag simba.
Basta mag pray lang bago matulog at bagong gising
Para sakin importante paren ang pag sisimba. Kasi utos din ng Diyos yun. Anim na araw sa tao isang araw sa Diyos. May pitong araw tayo sa isang linggo pili ka lang isa kahit di linggo basta makapagbigay ka ng isang araw sa Diyos.
 
Kahit ano pang nasusulat o kwento dito sa mundo, respetuhin mo na lang kung anong pinaniniwalaan ng ibang tao. Kanya kanya lang yan. :)
 
pag namatay ka ts, sa picture ka na lang kakausapin ng kamag anak mo

kakausapin nila ang isang papel, or cellphone na may picture mo

bakit kailangan pa kausapin ang rebulto o picture na papel, buhay ang Dios

1 TIMOTEO 3:15
15Nguni't kung ako'y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan.

Imagine na Buhay ka pa , magkaharap pa kayo, tapos picture o rebulto mo ang kinakausap,
at pano mo naman nasisiguro na ang sinasamba mo is picture ng Dios?

1 Juan 4:12-21
12 Walang sinumang nakakita sa Diyos kahit kailan. Kapag tayo ay nag-iibigan sa isa't isa, ang Diyos ay nananatili sa atin at ang kaniyang pag-ibig ay nagiging ganap sa atin.

At ayaw ng Dios na makipag sangunian tayo sa patay
(Deuteronomio 18:10-12,)
“Sinuman sa inyo’y … huwag gagawin ang ginagawa ng mga mangkukulam, ng mga mananawas, at ng mga sumasangguni sa mga espiritu ng namatay.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top