What's new

Closed Bible verse of the day tagalog [daily update]

Status
Not open for further replies.

tambay28

Eternal Poster
Established
Joined
Aug 4, 2013
Posts
1,205
Reaction
203
Points
331
Age
32
"Ang mga pangako ni Yahweh ay maaasahan, ang katulad nila'y pilak na lantay; tinunaw sa hurnong hinukay, pitong beses na pinadalisay."
Awit 12:6

January 15, 2019

"Nguni't ako'y tumiwala sa iyong kagandahang-loob. Magagalak ang aking puso sa iyong pagliligtas: Ako'y aawit sa Panginoon, sapagka't ginawan niya ako ng sagana."
Awit 13:5-6

January 16, 2019
"sapagka't ang Dios ay nasa lahi ng matuwid.
Inyong inilalagay sa kahihiyan ang payo ng dukha, sapagka't ang Panginoon ang kaniyang kanlungan."
Awit 14:5b-6

January 17, 2019

"Ang Panginoon ay siyang bahagi ng aking mana at ng aking saro: iyong inaalalayan ang aking kapalaran.
Ang pising panukat ay nangahulog sa akin sa mga maligayang dako; Oo, ako'y may mainam na mana."
Awit 16:5-6

January 18, 2019

1Panginoon, sinong makapanunuluyan sa iyong tabernakulo? Sinong tatahan sa iyong banal na bundok?

2
Siyang lumalakad na matuwid, at gumagawa ng katuwiran, at nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso.

3Siyang hindi naninirang puri ng kaniyang dila, ni gumagawa man ng kasamaan sa kaniyang kaibigan, ni dumudusta man sa kaniyang kapuwa.

4Na sa mga mata niya ay nasisiphayo ang masama; kundi siyang nagbibigay puri sa mga natatakot sa Panginoon, siyang sumusumpa sa kaniyang sariling ikasasama at hindi nagbabago,

5Siyang hindi naglalabas ng kaniyang salapi sa patubo, ni kumukuha man ng suhol laban sa walang sala. Siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi makikilos kailan man.

Awit 15

January 19,2019
"Tungkol sa akin, aking mamasdan ang iyong mukha sa katuwiran: ako'y masisiyahan pagka bumangon sa iyong wangis."
Awit 17:15

January 20, 2019
"Tungkol sa Dios ang kaniyang lakad ay sakdal: ang salita ng Panginoon ay subok; siya'y kalasag ng lahat na nanganganlong sa kaniya,
Sapagka't sino ang Dios, liban sa Panginoon? At sino ang malaking bato maliban sa ating Dios?
Ang Dios na nagbibigkis sa akin ng kalakasan, at nagpapasakdal sa aking lakad.
Kaniyang ginagawa ang aking mga paa na gaya ng mga paa ng mga usa: at inilalagay niya ako sa aking mga mataas na dako.
Kaniyang tinuturuan ang aking mga kamay na makipagdigma, na anopa't ang aking mga kamay ay bumabali ng busog na tanso."
Awit 18:30-34

January 21,2019
"Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal, na nagsasauli ng kaluluwa: ang patotoo ng Panginoon ay tunay, na nagpapapantas sa hangal."
Awit 19:7

January 22, 2019
"Ang iba ay tumitiwala sa mga karo, at ang iba ay sa mga kabayo: nguni't babanggitin namin ang pangalan ng Panginoon naming Dios.
Sila'y nangakasubsob at buwal: nguni't kami ay nakatindig at nakatayo na matuwid."
Awit 20:7-8

January 23, 2019
"Sapagka't ang hari ay tumitiwala sa Panginoon, at sa kagandahang-loob ng Kataastaasan ay hindi siya makikilos." Awit 21:7

January 24, 2019
"Kayong nangatatakot sa Panginoon ay magsipuri sa kaniya: kayong lahat na binhi ni Jacob ay lumuwalhati sa kaniya; at magsitayong may takot sa kaniya, kayong lahat na binhi ni Israel.
Sapagka't hindi niya hinamak o pinagtaniman man ang kadalamhatian ng nagdadalamhati; ni ikinubli man niya ang kaniyang mukha sa kaniya; kundi nang siya'y dumaing sa kaniya, ay kaniyang dininig."
Awit 22:23-24

January 25,2019
"Ang Panginoon ay aking pastor; hindi ako mangangailangan.
Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin: ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin."
Psalms 23:1,4

January 26, 2019
Sinong aahon sa bundok ng Panginoon? At sinong tatayo sa kaniyang dakong banal?
Siyang may malinis na mga kamay at may dalisay na puso; na hindi nagmataas ang kaniyang kaluluwa sa walang kabuluhan, at hindi sumumpa na may kabulaanan.
Siya'y tatanggap ng pagpapala sa Panginoon, at ng katuwiran sa Dios ng kaniyang kaligtasan.
Ito ang lahi ng mga nagsisihanap sa kaniya, na nagsisihanap ng iyong mukha, sa makatuwid baga'y Jacob. (Selah)"
Awit 24:3-6

January 27, 2019
"Mabuti at matuwid ang Panginoon: kaya't tuturuan niya ang mga makasalanan sa daan.
Ang maamo ay papatnubayan niya sa kahatulan: at ituturo niya sa maamo ang daan niya.
Lahat na landas ng Panginoon ay kagandahang-loob at katotohanan sa mga gayon na nangagiingat ng kaniyang tipan at kaniyang mga patotoo."
Awit 25:8-10

January 28, 2019
"Nguni't tungkol sa akin ay lalakad ako sa aking pagtatapat: iyong tubusin ako, at mahabag ka sa akin.
Ang aking paa ay nakatayo sa isang panatag na dako: sa mga kapisanan ay pupurihin ko ang Panginoon."
Awit 26:11-12

January 29, 2019
"Ang Panginoon ay aking liwanag, at aking kaligtasan: kanino ako matatakot? Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako masisindak?
Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban sa akin, hindi matatakot ang aking puso: bagaman magbangon ang pagdidigma laban sa akin, gayon ma'y titiwala rin ako.
Magantay ka sa Panginoon: ikaw ay magpakalakas, at magdalang tapang ang iyong puso; Oo, umasa ka sa Panginoon."
Awit 27:1,3,14
 
Last edited:
Amen. God has lots of name. Yahweh. Jehovah, i am, etc... :) To have a relationship with Jesus is the only access thru God. Because we will die in the Holinest of God the father. Thats why we need Jesus ;)

Kaya di ko gets bakit pa pinagtatalunan about trinity .

John 3:16 lang. Whoever believes in him shall not perish or have ever lasting life :).


The LORD appeared to him the same night and said, "I am the God of your father Abraham; Do not fear, for I am with you I will bless you, and multiply your descendants, For the sake of My servant Abraham." Genesis 24:26

. 1 Corinthians 8:6 yet for us there is one God, the Father, from whom are all things and for whom we exist, and one Lord, Jesus Christ, through whom are all things and through whom we exist.

12. John 10:30 I and the Father are one.”

:) So weyher you believe in trinity or not. As Long as you believe in Jesus as your Lord and savior youll be saved by the grace of God. Mas importane pa tanungin are we doing the will of God?

12 Here is the patience of the saints: here are they that keep the commandments of God, and the faith of Jesus. Revelation 14:12
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top