What's new

Ang diyos ba ay pumapatay?

Status
Not open for further replies.

marcoramiro01

Honorary Poster
Joined
Aug 27, 2017
Posts
610
Reaction
167
Points
195
Hi guys. May gusto lang po sana akong ishare sa inyo.

Tungkol po ito sa Biblia. Sa mga kristiyanong katulad ko, sino po dito ang naniniwala na ang Diyos ay napopoot, sumusumpa, nagbibigay ng sakit, nagpaparusa at ang pinakamatindi ay pumapatay? Sa Lumang Tipan, mababasa nating ganito ang katangian ng Diyos gaya ng sinasabi ng ibang mga propeta. Ito ba ay masasabi nating katangian ng isang Diyos ng Pag-ibig?

Ipinadala Si Cristo ng Ama sa sanlibutan upang sinumang sumampalataya sa Kanya ay di mapahamak kundi magkaroong ng buhay na walang hanggan (Juan 3:16). Ang sabi ng Ama "upang sinumang sumampalataya". Ano ang sasampalatayan natin kay Cristo? Hindi lang ang Kanyang mga salita kundi ang mga gawa rin Niya. Sa mga propeta lang nanggaling ang mga salitang pumapatay daw ang Diyos at ipinalabas nilang sinabi daw ito ng Diyos sa kanila. Bakit ko nasabi ito? Dahil una ko munang ginawang basehan ay ang mga salita at gawa ni Cristo. Ayon kay Cristo walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama at walang nakakilala sa Ama kundi ang Anak at sinumang ibiging pagpahayagan ng Anak (Mateo 11:27). Hindi Siya nakikilala ng sanlibutan ngunit nakikilala Siya ni Cristo (Juan 17:25). Ito ang ipinahayag sa akin ni Cristo. Hindi lubos na kilala ng mga propeta ang Ama kaya nasabi nila na pumapatay daw ang Diyos. At sabi ni Cristo Siya at ang Ama ay iisa (Juan 10:30) dahil lahat ng ginagawa ng Ama ay ginagawa rin Niya (Juan 5:19). Ito ay isang matibay na katibayan na ang lahat ng mga gawa ni Cristo ay mga bagay na nakikita Niyang ginagawa ng Ama. Kung pumapatay ang Ama masasabi nating pumapatay rin ang Anak dahil nakikita Niyang ginagawa ito ng Ama. Saan sa mga gawa ni Cristo bilang patunay na Siya ay pumapatay? Kaya nga sabi ni Cristo, "Maniwala kayo sa Akin na Ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa Akin: o kungdi kaya'y maniwala kayo sa mga gawa ko (Juan 14:11) dahil ang mga gawa ni Cristo ay isang matibay na patotoo na galing Siya sa Ama at Sila'y iisa at ipakita sa lahat na ito ang mga ginagawa ng Ama bilang Diyos.

Ang mga salita at gawa ng Panginoong Jesus ay sapat na para sa'kin upang maniwala na hindi pumapatay ang Diyos. Hindi ko sinasabing wag nating paniwalaan ang mga propeta at apostol ngunit kung sabihin nila na pumapatay ang Diyos at pagbabasehan sa mga gawa ni Cristo na mula sa Ama, sino ang mas unang papaniwalaan niyo? Ang mga Propeta ba o ang Bugtong na Anak ng Diyos? Si Cristo ang una dapat nating paniwalaan.
 
Last edited:
Oo ang Dios ay pumapatay ngunit bumubuhay din sya
Ang sabi po ng Panginoong Jesus ang nakikita niyang ginagawa ng Ama ay siya lamang niyang ginagawa. Bakit wala siyang pinarusahan at pinatay nung ipinadala siya ng Ama sa sanlibutan? Kung nakikita niyang pumapatay ang Ama, hindi ba't may karapatan din siyang gawin iyon dahil siya mismo nagsabi na ang ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak. Saan mababasa sa Biblia na may pinarusahan o pinatay ang Panginoong Jesus? Wala dahil hindi naman niya nakikitang ginagawa iyon ng Ama. Hope you get my point.
 
oo alam mo naman storya ng noah's ark diba
Yes alam ko naman ang noah's ark. Pero para sabihin ng sumulat ng Genesis na sinabi daw ng Diyos na sisirain niya ang mundo dahil sobrang sama na ng mga tao ay di naman tama. Bakit wala bang mga bata nung panahon na iyon para isulat ng author na sinabi daw sa kanya ng Diyos na lahat ay masama na? Pati mga inosenteng bata at hayop na wala namang kasalanan idadamay rin ng Diyos? Paano pa siya tatawaging Diyos ng Pag-ibig kung ginawa niya iyan. Akala kasi ng author ng Genesis malupit at pumapatay ang Diyos. Yan rin ang isang dahilan kaya ipinadala ng Ama ang Panginoong Jesus upang maipakita niya sa atin kung anong klase siyang Diyos. Upang maitama ang maling pagkilala sa kanya ng mga propeta. Ang Panginoong Jesus lang ang lubos na nakakakilala sa Ama dahil kasama na niya ito bago pa likhain ang lahat ng bagay. Nakasama rin ba ng mga propeta at apostol ang Ama ng matagal na panahon para masabi nating lubos nilang kilala ito? Hindi lubos na kilala ng author ng Genesis ang Ama kaya naisulat niya ang mga ito at ganun din sa ibang mga propeta.

Noong mga panahon na iyon maunlad na ba ang technology para isulat ng author at makasigurado siyang nagbaha nga sa buong mundo? 40 days walang tigil na ulan? Baka doon lang sa lugar nila nagbaha parang katulad din sa Central at Southern California noong December 1861. Ganyan din ang nangyari mas malala pa 43 days walang tigil na ulan at 6 na buwan na babad sa baha. Lahat ba ng tao namatay nung mangyari iyon? Hindi naman. Dito alam nilang hindi nagbaha sa buong mundo dahil medyo maunlad na ang technology nung panahon nila kung ikukumapara natin sa panahon ni Noah.
Ito link ng California Megaflood
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Last edited:
Deuteronomio 32:39 Tingnan ninyo ngayon, na ako, sa makatuwid baga'y ako nga, At walang dios sa akin: Ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; Ako'y ang sumusugat, at ako'y ang nagpapagaling: At walang makaliligtas sa aking kamay.

Ang Panginoon na mismo ang nagsabi
 
Tama ang desisyon ng Ama na ipadala niya ang kanyang Bugtong na Anak sa sanlibutan upang sumampalataya ang lahat sa Anak at maitama ang maling pagkilala sa kanya na ipinahayag ng mga propeta at malaman din ng lahat ang tunay na katangian niya bilang Diyos sa pamamagitan ng Anak.

Ang Panginoong Jesus na ang nagsabi na Siya at ang Ama ay iisa. Bakit niya nasabi iyon? Isang mabigat na dahilan ay Siya mismo nagsabi na anumang ginagawa ng Ama ay siya lamang niyang ginagawa. Ang ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak. Talagang mabigat na dahilan yan dahil Bugtong na Anak ng Diyos mismo nagsabi nyan. So kung pumapatay ang Ama pumapatay din ang Anak. Sa tagal ng Panginoong Jesus na namalagi sa sanlibutan kung talagang ginagawa rin niya ang ginagawa ng Ama may pinatay ba siya? Bumuhay ng patay oo, pero pinatay wala. Hindi siya pumatay dahil hindi naman niya nakikitang ginagawa iyon ng Ama.

So kanino ka mas maniniwala pagdating sa ganitong usapin? Sa mga propetang nagsabi na pumapatay ang Diyos na hindi natin alam kung talagang sinabi nga ng Diyos o sa mga sinabi ng Panginoong Jesus na talagang narinig at nasaksihan mismo ng mga apostol ang mga salita at gawa niya? Sa mga propeta ba na kahit kailan ay di nakita at nakasama ang Diyos nung nasa sanlibutan pa sila o sa Panginoong Jesus na nakasama na ng Ama ng matagal na panahon at bago pa likhain ang lahat ng bagay? Sino sa tingin mo ang lubos na nakakakilala sa Ama? Alam ko alam mo rin ang sagot.
 
Sa panahon ngayon, walang makapagsasabi kung tama ang lahat ng nakasulat sa bibliya. Walang nakakaalam kung ang nakasulat sa bibliya ngayon ay palsipikado o nagkamali lamang sa pagsasalin. Walang taong perpekto. Ang bibliya ay dapat na ginagawa lamang na gabay. Sa mundong ito, kadalasan ang linya sa pagitan ng tama at mali ay malabo. Responsibilidad na natin alamin ang mga bagay na ito dahil binigyan tayo ng Diyos ng awtonomya o kakayahan upang magisip para sa sarili. Kung hahayaan natin sabihin o idikta sa atin ng iba kung ano ang katotohanan, tayo ay mabububuhay lamang sa katotohanan nila - hindi sa kung ano talaga ang totoo at tama.
 
Kung babasahin mo ang Bibliya ang katuruan ay para magtuwid , magdisiplina sa tao, lahat ay sa ikabubuti ng tao lahat ng utos na mababasa mo
 
Tama ang desisyon ng Ama na ipadala niya ang kanyang Bugtong na Anak sa sanlibutan upang sumampalataya ang lahat sa Anak at maitama ang maling pagkilala sa kanya na ipinahayag ng mga propeta at malaman din ng lahat ang tunay na katangian niya bilang Diyos sa pamamagitan ng Anak.

Ang Panginoong Jesus na ang nagsabi na Siya at ang Ama ay iisa. Bakit niya nasabi iyon? Isang mabigat na dahilan ay Siya mismo nagsabi na anumang ginagawa ng Ama ay siya lamang niyang ginagawa. Ang ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak. Talagang mabigat na dahilan yan dahil Bugtong na Anak ng Diyos mismo nagsabi nyan. So kung pumapatay ang Ama pumapatay din ang Anak. Sa tagal ng Panginoong Jesus na namalagi sa sanlibutan kung talagang ginagawa rin niya ang ginagawa ng Ama may pinatay ba siya? Bumuhay ng patay oo, pero pinatay wala. Hindi siya pumatay dahil hindi naman niya nakikitang ginagawa iyon ng Ama.

So kanino ka mas maniniwala pagdating sa ganitong usapin? Sa mga propetang nagsabi na pumapatay ang Diyos na hindi natin alam kung talagang sinabi nga ng Diyos o sa mga sinabi ng Panginoong Jesus na talagang narinig at nasaksihan mismo ng mga apostol ang mga salita at gawa niya? Sa mga propeta ba na kahit kailan ay di nakita at nakasama ang Diyos nung nasa sanlibutan pa sila o sa Panginoong Jesus na nakasama na ng Ama ng matagal na panahon at bago pa likhain ang lahat ng bagay? Sino sa tingin mo ang lubos na nakakakilala sa Ama? Alam ko alam mo rin ang sagot.
Bakit mo iniisip na mali ang sinasabi ng mga propeta ng lumang tipan ang tungkol sa katangian ng Dios? Mababasa mo naman sa bagong tipan na sa mga salita ng Panginoon at mga gawa ay ni reregard niya ang mga sulat ng propeta, katunayan niyan binabasa pa nga ng Panginoong Hesus ang mga sulat ng propeta sa harap ng mga nakikinig sa kanya,

Hindi mo nga siguro nabasa ang karamihang sulat sa Bibliya kaya ka nakakapag isip ng salungat sa nakasulat
 
Bakit mo iniisip na masama ang pagpatay ng dios sa mga tao noon ? Lahat ng mga ginagawa ng dios ay may dahilan sa likod niyaon, dahil siya ay God of Reasons ,hindi siya kumikilos ng walang dahilan
 
yes ,parusa para sa lahat ng makasalanan pakatandaan ! kaya nga may magaganap na pag huhukom ! ang Huli at kataposang pag hatol ! sya ang alpha at omega ang pasimul at ang wakas ,ang nasusulat sa bibilia ay di mawawala ! kahit magLaho pa ang LANGIT at ang LUPA !! muLa ng mamuLat ang tao sa kaalaman,may freedom na tayo at umiiral ang pag piLi kong sa DYOS ba ow sa Mkasalanang SANLIBUTAN !! basics lamang po mahal ka ng dyos ,pero wag mu sasagarin hanggat buhay kapa mag sisi at mag balik Luob ,oras na pumanaw ka na isa kana sa mga maaring mag hintay ngpag hatol sa pag huhukom ! ✓
 
Totoo naman talaga na ang Dios ay nagtatakuwil apostol na alagad pa mismo ng Panginoong Hesus ang nagsabi

2 Corinto 13:5 Siyasatin ninyo ang inyong sarili, kung kayo'y nangasa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi baga ninyo nalalaman sa ganang inyong sarili, na si Jesucristo ay nasa inyo? maliban na nga kung kayo'y itinakuwil na.
 
Caloocan Bishop Pablo Virgilio David said:
Mahirap makipag-usap tungkol sa Bibliya sa mga fundamentalista, 'yung tipong kukuha ng isang linya sa Bibliya pero hindi na papansinin ang ibang linya na salungat sa binanggit.

Ang Salita ng Diyos ay unti-unting nabunyag sa atin mula sa Lumang Tipan hanggang sa Bagong Tipan, hanggang sa magkatawang-tao ang mismong salita ng Diyos kay Kristo. Para tayong mga bata na unti-unting nag-mature. Kay Hesus natin dapat makita ang pinakamataas na antas ng maturity ng ating pagkatao. Siya ang pamantayan natin sa pagbasa sa Bibliya bilang salita ng Diyos.

Kung gagamitin lang natin ang Bibliya bilang depensa o para lang igiit ang mga pansarili nating opinyon, e 'di ibalik na rin natin ang pang-aalipin (slavery), ang mababang pagtingin sa mga babae, ang death penalty para sa mga bakla, ang mga sinaunang batas tungkol sa malinis at maduming pagkatao? Kasi nasa Bibliya din ang mga iyan? Marami nang gumamit ng Bibliya para sa hindi makataong mga layunin.
 
Uu marami nga gumagamit ng bibliya para lang sa sariling interes para pagkakitaan ang salita ng dyos, kahit noon sa panahon ng mga apostol

2 Corinto 2:17 Sapagka't hindi kami gaya ng karamihan na kinakalakal ang salita ng Dios: kundi sa pagtatapat, at gaya ng mula sa Dios, sa harapan ng Dios ay nagsasalita kami para kay Cristo.

Hindi ka basta basta kukuha ng verse sa Biblia at e aapply mo sa iyo, kasi hindi basta basta na ganun lang ang salita na nasa Bibliya ang salita ng Bibliya ay may kinauukulang tao, bagay, panahon at pagkakataon
 
Ang diyos ay pumapatay sa Katawan at sa Espiritu

May isang kilalang kuwento sa bagong Tipan ng Bibliya ang hinggil sa isang taong Gadarenong pinalaya sa pang-aalipin ng mga demonyo na binansagang dimonyong Geraseno, dimonyong Gadareno, o ang dimonyong si Legion, na nagpapahiwatig na "marami" ang bilang ng mga demonyo sumanib sa taong iyon.

Ang Diyos ay Espiritu at pumapatay Siya ng Espiritu,

ang katawan ay tahanan nga ng espiritu

ang kaluluwa ng tao ang mismong buhay' ng katawan nito

at kung pumatay man ang diyos sa katawan yun ay sa ikabubuti nito marahil dahil hindi niya ibig panahanan ito ng masama' o magdusa sa muling pagkabuhay na panghabampanahon sa dagatang apoy, ayon na rin sa matuwid na hustisya/hatol ng Diyos sa huling araw.

at ang taong inaalihan ng demonyo sa kwento ay iniligtas ng panginoong Hesus sa pamamagitan ng pagpapalayas sa mga demonyong naninirahan sa vessel na iyon, hindi pinatay (sa espiritwal na diwa) ni Hesus ang mga espiritung yun (legion) kundi pinalayas lamang sa katawan ng nagdurusang Gadarenong iyon at pinayagang sumanib ang (mga) masasamang espiritu sa pulutong (legions) ng mga baboy na nanginginain sa katanawan at ng mangyari nga'y nagpiglasan ang mga pulutong sa kalituhan dahil hindi angkop saniban ng espiritu ang mga hayop dahil wala naman itong mga kaluluwa at kamalayan at pag iisip na angkop sa espiritu, at napatihulog ang mga ito sa gilid ng lawa at pawang nangalunod, sa gayo'y nabihag sa kalaliman ang demonyo (Legion) at dun naghihintay hanggang sa takdang araw ng kanyang paghatol (isang talinghaga)

Isang talinghaga nga ito tulad sa ginawang pagliligtas ng Diyos sa kwento ng Noah's Ark, hindi Niya hinayaang malipol lahat ng tao, at yung mga masasamang espiritu nananahan sa sangkatauhan noong panahong iyon ay kasamang nakulong(nabihag) lahat sa baha at kalaliman upang hintayin ang araw ng espiritwal na paghatol sa kanila sa lawa at dagat dagatang apoy--ang tinatawag na pangalawang eternal na kamatayan.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top