What's new

Closed Pag aasawa

Status
Not open for further replies.
Guys..... Kaya bang mabuhay Kung minimum Lang sahod dito sa Manila? Yung NASA stage ka na my gf ka, at gusto na sumama sayo..... Syempre Hindi maiiwasan na mabuntis, magkaanak, matured Naman magisip Yung girl kaso hs grad Lang, Wala siya work, gusto ko mangupahan kami, Kaya namin magtiis at magtipid Kung sakali, at mamuhay ng independent.... Kaso, sapat na ba Yung 537 per day? Any reaction or suggestions?
 
dito nga sa Mindanao 301 ang sahod.. buhay na buhay na.. pero kaibahan lang mga bibilihin mas mura dito ang kinakain..
 
Depende yan sa diskarte ng tao paps kung walwalero kayo at madaming luho talagang di kakasya yan :).
 
Last edited by a moderator:
dito nga sa Mindanao 301 ang sahod.. buhay na buhay na.. pero kaibahan lang mga bibilihin mas mura dito ang kinakain..
:( Yun nga e. Dito kase mangungupahan pa 3k per month. Lahat nabibili.... Kaya parang nagaalangan ako.... Pwede Naman ako umuwi samin sa probinsya kaso Wala work dun. At tutulungan ako ng parents ko, kaso gusto ko magsolo at Hindi makaperwisyo.... As in Wala pa ko ipon.... Siguro Yung 13th month Lang aasahan ko na pondo ko
 
compute mo ts. .

Net Pay
minus
Expenses&Allowances (Food, Rent, Utilities, Transportation, etc.)

Take note: Mas dadami ang expenses pag nabuntis si gf at nagkaanak na kayo
 
Depende yan sa diskarte ng tao paps kung walwalero kayo at madaming luho talagang di kakasya yan :).
Pero matipid din kami, once a month Lang kmi lumalabas,
Depende yan sa diskarte ng tao paps kung walwalero kayo at madaming luho talagang di kakasya yan :).
Paps, baka pwede malaman
compute mo ts. .

Net Pay
minus
Expenses&Allowances (Food, Rent, Utilities, Transportation, etc.)

Take note: Mas dadami ang expenses pag nabuntis si gf at nagkaanak na kayo
Yun Yung ginagawa ko, nagco compute kaso diko pa talaga Alam e Kung magkano talaga specific cost ng expenses
 
Last edited by a moderator:
ipon muna kau ts .
then pag may sapat na ipon kana saka na kayo magsama .. mahirap pasukin yung bagay na nagaalangan ka .. masaya yan pero makati sa ulo pati sa bulsa . haha .

tska madaming nagkalat na motel .. haha tiis ka nalang muna kosa :) haha
 
Last edited by a moderator:
ang masasabi ko lang it depends upon the situation sir! pero kung sa tingin mo na kaya mo well go lang ng go nasa sayo naman ang diskarte kung paano mo lusutan ang lahat ng problema na kakaharapin nyo =) just saying basta importante is trust sa isat isa!
 
Kung kami nga ng gf ko nahihirapan pa :) tapos na siya ng pag aaral plus may small business nako kahit na gustong gusto na namin mag sama hindi pa din namin magawa kasi alam namin na kulang na kulang pa din kinikita namin :). Kung para sakin mas okay talaga pag pinagplaplanuhan depende nalang siguro sa inyo :).
 
Last edited by a moderator:
para sakin sir de sapat yang kaya moba ou kaya ko ba ?? dapat kayanin mo minsan lang tayu mabubuhay buhos mo lahat ng magagawa mo lahat ng gusto mo basta sa ikabubuti sayu at sa lahat ng walang nasagasaang tao kasi sa mga ganyang panahon dyan mo mahahanap ang tamang ka tuwang mo ang dios de ka nya pababayaan .. walang de kaya ang tao na may pananalig sa dios .. basta daanin mo lang lahat sa mayus na paraan .. peru dapat planado plansado wag mag madali antayin ang tamang panahon ako nga wala pa akung gf peru de ako nag mamadali dina daan ko sarili ko sa tamang proseso tamang panahon ..
 
Pero matipid din kami, once a month Lang kmi lumalabas,

Paps, baka pwede malaman

Yun Yung ginagawa ko, nagco compute kaso diko pa talaga Alam e Kung magkano talaga specific cost ng expenses

ha??? teka may work ka na ba sa Manila? dapat alam mo mga ginagastos mo lol
 
ha??? teka may work ka na ba sa Manila? dapat alam mo mga ginagastos mo lol
Onga. Kaso Hindi ko Alam gagastusin ko kung kasama ko na siya.... Kc Kung sa ngayon, ok nako sa 150 daily allowance snack meals at transpo
 
kung parehas kayo nagtatrabaho siguro, kaya yun. kaso kung may anak pang iniisip(mag aalaga habang bata, etc), baka mahirapan kayo.
 
kaya tol ako nga 3 years ng walang trabaho, may asawa at dalawang anak.
nasa sayo naman yan kung kakayanin mo o susuko ka.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top