What's new

Closed Flashing torque ego surf i (.pac file) stock rom using spd upgrade tool r4.0.0001

Status
Not open for further replies.

Compadre

Addict
Joined
Sep 25, 2015
Posts
43
Reaction
2
Points
74
Age
40
Ginawa ko ang thread na ito upang maging gabay sa sinumang nagmamay-ari ng Torque Ego Surf i device na makakaranas o nakakaranas ng problema sa kanilang unit (soft bricked, dead boot, boot loop, etc.) upang hindi na nila maranasan ang dinanas kong hirap sa paghahanap ng tutorial para sa partikular na device na ito.

Unang-una, taos-puso akong nagpapasalamat kay boss celltronix , dahil sa pagtulong niyang i-convert ang pac.sc file ng Torque Ego Surf i upang maging flashable .pac file at sa pagbibigay niya ng tip kung papaano ko maisasakatuparan ang pagpa-flash. Ganun din kay sir toffs .

Mga kinakailangan:
I-download ang lahat ng mga kinakailangan mula sa link na nasa ibaba. Pagsama-samahin sa iisang folder upang hindi kalat-kalat.

Torque Ego Surf i flashable .pac file
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
(c) Credit kay sir celltronix

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
(c) Credit kay sir toffs

SPD Flashtool R4.0.0001
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Spreadtrum Device Driver (Windows 8,10 32bit+64bit)

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
(c) Credit kay/sa GSM AHAD para sa mabisang Spreadtrum Driver na kayang i-bypass ang driver signature enforcement ng Windows 8 at 10.

Mga hakbang sa pagpa-flash:

1. I-extract ang na-download na spreadtrum driver mula sa link na nasa itaas. I-install ayon sa kailangan ng iyong computer (32bit o 64bit). Kapag naging maayos, magpatuloy sa sa ikalawang hakbang sa ibaba.
Driver.JPG
2. I-extract ang flashable .pac file at SPD Flashtool. Pumunta sa folder ng SPD Flashtool at i-double click ang ResearchDownlad loader.
ResearchDownload.JPG
3. I-click ang Load Packet (gear logo) na nasa pinaka-kaliwang itaas na bahagi upang mai-load ang .pac file. I-browse ang folder ng .pac file, i-click ito at i-click ang Open.
Load Packet.JPG
4. Hintayin itong mai-load. Kapag nai-load na, lalabas sa gitnang itaas na bahagi ang pangalan/detalye ng .pac file. Pagkatapos, i-click ang Settings (dalawang gear).
Capture2.JPG
5. Sa Settings, i-click ang Backup window pane at i-uncheck lahat ng option rito pati na rin 'yong tatlong option sa ibabang bahagi. I-click ang OK.
Uncheck.JPG
6. I-click ang Play button upang mai-flash ang file. I-click lang ang Yes sa prompt message hinggil sa IMEI.
Capture8.JPG
7. Patayin ang device. Tanggalin ang battery at ibalik din kaagad. Pindutin ang Volume up (+) at huwag munang bitawan. Isaksak ang usb cable na nakakabit sa iyong computer at hintaying basahin ng SPD Flashtool ang iyong device. Kapag nag-umpisa nang mag-download, maaari nang bitawan ang Volume up (+).
8. Hintaying matapos ang proseso ng pag-flash. Kapag lumabas na ang Passed sa Progress column, maaari nang i-unplug ang device at buhayin. Batay sa aking karanasan, hindi nag-reboot nang kusa ang device.
Capture6.JPGIMG_20181212_075010_1.jpg
IMG_20181212_075124.jpg
 

Attachments

Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top