What's new

Closed Para ba sa mga kristiyano ang pasko?

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,552
Reaction
7,215
Points
2,569
Milyon-milyong tao sa buong mundo ang naniniwala na ang Pasko ay pagdiriwang ng kaarawan ni Jesu-Kristo. Pero naisip mo na ba kung nagdiwang ng Pasko ang malalapít kay Jesus, gaya ng kaniyang mga apostol at alagad? Alam mo ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagdiriwang ng kaarawan? Matutulungan tayo ng sagot sa mga ito na malaman kung para sa mga Kristiyano ang Pasko.

Una, walang binanggit ang Bibliya na ipinagdiwang ang kaarawan ni Jesus o ng ibang tapat na mga mananamba ng Diyos. Dalawang indibiduwal lang sa Kasulatan ang nagdiwang ng kaarawan. Pareho silang hindi mananamba ni Jehova, ang Diyos ng Bibliya, at ang pagdiriwang nila ay nauwi sa masamang pangyayari. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ayon sa Encyclopædia Britannica, tinanggihan ng unang mga Kristiyano ang “paganong kaugalian ng pagdiriwang ng mga kaarawan.”

Anong petsa ipinanganak si Jesus?

Hindi iniulat sa Bibliya kung kailan eksaktong ipinanganak si Jesus. “Ang kapanganakan ni Kristo ay hindi matitiyak sa B[agong] T[ipan], o, sa anumang iba pang reperensiya,” ayon sa Cyclopedia nina McClintock at Strong. Kung gusto talaga ni Jesus na ipagdiwang ng kaniyang mga tagasunod ang kaarawan niya, ipinaalam niya sana ang petsa ng kaniyang kapanganakan.

Ikalawa, walang ulat sa Bibliya na nagdiwang ng Pasko si Jesus o ang isa man sa mga alagad niya. Ayon sa New Catholic Encyclopedia, ang pagdiriwang ng Pasko ay unang binanggit “ni Philocalus sa Chronograph, isang Romanong almanak na ang pinagkunang materyal ay noon pang 336 [C.E.].” Maliwanag na noong panahong iyon, tapos nang isulat ang Bibliya at ilang siglo na ang lumipas pagkatapos ng buhay ni Jesus sa lupa. Kaya sinabi nina McClintock at Strong na “ang pagdiriwang ng Pasko ay hindi iniutos ng Diyos, ni nagmula ito sa B[agong] T[ipan].” You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Anong okasyon ang iniutos ni Jesus na alalahanin ng kaniyang mga alagad?

Bilang Dakilang Guro, si Jesus ay nagbigay ng malinaw na tagubilin tungkol sa kung ano ang gusto niyang gawin ng mga tagasunod niya, at nakaulat ito sa Bibliya. Pero hindi kasama rito ang pagdiriwang ng Pasko. Kung paanong ayaw ng isang guro na gumawa ang mga estudyante ng higit sa itinagubilin sa kanila, ayaw rin ni Jesus na “higitan [ng kaniyang mga tagasunod] ang mga bagay na nakasulat” sa Banal na Kasulatan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Pero may isang mahalagang okasyon na alam na alam ng unang mga Kristiyano—ang pag-alaala, o You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. Personal na sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad kung kailan ito ipagdiriwang at ipinakita sa kanila kung paano ito gagawin. Ang espesipikong mga tagubiling ito, pati na ang aktuwal na petsa ng kaniyang kamatayan, ay nakaulat sa Bibliya.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Gaya ng ating nakita, ang Pasko ay isang pagdiriwang ng kaarawan, at hindi ito ipinagdiwang ng unang mga Kristiyano. Hindi rin binanggit ng Bibliya na ipinagdiwang ni Jesus o ng sinuman ang Pasko. Dahil sa mga katotohanang ito, milyon-milyong Kristiyano sa buong mundo ang naniniwalang hindi para sa kanila ang Pasko.
 
May katrabaho ako na hindi nagdiriwang ng pasko pero sya pa yung unang nag.aantay ng bonus tuwing disyembre..diba dapat Wala rin silang bonus kung ganun?ahahaha
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top