Sa tingin ko no guarantee na mababalik nila agad data connection mo dahil sila mismo hindi matukoy kung bakit na-block. Nangyari na kasi sakin yan. Na-block yung data ng isang TNT sim ko habang nagba-browse ako gamit Opera Mini through legit connection. Unang tawag ko sa customer service ang sabi meron daw misalignment sa connection ko, check ko daw after 12 hours. After 12 hours wala pa rin. Pinalipas ko isang araw tapos tumawag ako ulit. Yung sabi naman ay tinitignan pa raw nila kung ano talaga nangyari bakit na-block yung data ko. In short sila mismo hindi matukoy bakit nagkaganoon, kung bakit may misalignment. Hanggang ngayon di pa rin bumabalik data ko kahit sabi nung sa customer service try ko ulit after 24 hours. Try ko ulit tumawag before December 25 kung wala pa rin. Nanghihinayang ako sa sim kasi matagal ko na syang ginagamit since 2010 pa.