What's new

Closed Pamahiing pangkalusugan: magkakasipon kapag naulanan

Status
Not open for further replies.

-simplice-

Forum Expert
Joined
Jun 10, 2018
Posts
6,073
Reaction
2,210
Points
2,214
Madalas nating naririnig, “wag kang magpapaulan, magkakasipon ka!” o kaya naman, “naulanan ka ba? dali, maligo ka at baka magkasipon ka.” Lagi nilang sinasabi, na maaari daw magkasipon kapag naulanan ang ulo o kaya’y nagpatuyo ng ulan sa katawan. Ngunit ang tanong, may koneksyong nga ba ang pagkakabasa sa ulan at ang pagkakaroon ng sipon?

The-Common-Cold-Will-Soon-Be-Cured-2-300x200.jpg

Unang-una, dapat nating alalahanin na ang sipon ay isang karaniwang sakit na dulot ng ilang uri ng virus na mas kilala bilang COLD virus. Sa oras na makapasok at makalampas sa lahat ng uri ng depensa ng immune system ng katawan ang COLD virus, tiyak ang pagkakaroon ng sipon. Ang mga pangunahing sintomas na mararanasan sa pagkakaroon ng sipon ay pananakit at pangangati ng lalamunan at ngalangala, sunod-sunod na pagbahing, pagtulo ng malapot na likido sa ilong, pagbabara sa ilong, pananakit ng ulo, at pagluluha ng mga mata. Matapos ang ilang araw ng pagkakaroon ng sipon, ang virus ay maaaring dumami sa katawan at maaaring sumama sa talsik ng laway kasabay ng pagbahing o kaya ay pag-ubo. At dahil dito, ang sipon ay nakakahawa.

Ngayon, ano ang koneksyon ng ulan sa COLD virus? Sa katunayan, ang sagot ay wala.

Hindi ka magkakasipon sa simpleng pagkakabasa lamang sa ulan, o kahit pa matuyuan ka nito sa katawan. Ang COLD virus ay hindi nagmumula sa ulan. Ngunit huwag kaliligtaan na dahil sa ulan, mas tumataas ang posibilidad na magkahawaan ng sipon. Paano ito nangyari? Tandaan na kapag umuulan, ang mga tao ay mas madalas na nananatili lamang sa loob ng bahay, kung kaya’t ang hangin na nalalanghap ng isa ay siya ring nalalanghap ng iba. Sa paraang ito, nagkakaroon ng oportunidad ang COLD virus na pumasok sa katawan ng bawat miyembro ng pamilya o kasambahay. At kapag nagkataon na mababa ang resistensya ng isa, magsisimula na ang pagkakaroon ng sipon.

Sa huli, makakatulong pa rin na makaiwas sa pagkakaroon ng sipon kung pananatilihing malinis ang katawan at malakas ang resistensya.
 
Attachments

Basta ako, pag naulanan tapos hindi agad nagbanlaw, panigurado kinabukasan, masakit na ulo ko tsaka medyo nilalagnat na rin.
 
Mayroon koneksyon ang ulan sa pagkakasakit ng tao yong unang patak ng ulan , iwasan nyo makalanghap ng singaw ng lupa after pagpatak ng mga unang patak ng ulan kasi ang virus na nasa lupa ay umaangat at sumasama sa hangin
 
Basta ako, pag naulanan tapos hindi agad nagbanlaw, panigurado kinabukasan, masakit na ulo ko tsaka medyo nilalagnat na rin.

Malagkit kasi sa katawan kapag nabasa ng ulan.. mahina resistance mo madali ka kapitan ng sakit pag ganon! ako din ganyan... konti basa lang inuubo agad ako... kaya mahirap ako magkasakit parang 50/50 na ko niyan.. hahahaha!
 
Meron pa isang pamahiin kapag umuulan daw tapos mainit yung araw.

Kapag naglalaro sa ulan, naexposed ang dumi sa katawan kung di malakas ang immune sytem posibleng makapasok ang bacteria sa katawan na nagcacause ng sakit!

Dahil din sa climate change kaya tayo ngkakasakit.. dahil sa pagtaas ng mg greenhouse gases na nagpapainit sa mundo. Nagdudulot ito ng mga sakuna kagaya ng heatwave, baha at tagtuyot na maaaring magdulot ng pagkakasakit o pagkamatay. Kapag tumaas ang temperatura ng mundo, dadami ang mga sakit kagaya ng dengue, diarrhea, malnutrisyon at iba pa.

ayun sa nabasa ko.. hahahha!

Kaya iwas iwas na lang tayo pag ganon!
 
Ako naman, kapag naulanan, dapat makaligo right after. Kasi if hindi, dun ako magkakasakit.

Base sa nabasa ko, pagka naulanan na, make sure you dry yourself right away. karaniwang nagkakaroon kasi ng viral infections tuwing taglamig at tag-ulan, kaya mahalagang manatiling tuyo at mainit ang katawan tuwing malamig at masama ang panahon.
 
True. Huwag mo hahayaang kusang matuyo na lang yung sarili mo after maulanan.
 
True. Huwag mo hahayaang kusang matuyo na lang yung sarili mo after maulanan.

Gusto kasi ng environment ng virus ay yung wet and cold environment. Mas prone kasi sa viral infection ang isang tao kapag wet and cold.. kaya kapag tag-ulan mas maraming affected ng viral infections.
 
Oh I see! Thanks for the info. I suppose you're a doctor or a medical practitioner? Lahat kasi ng posts mo related sa health. Appreciate it!
 
Oh I see! Thanks for the info. I suppose you're a doctor or a medical practitioner? Lahat kasi ng posts mo related sa health. Appreciate it!

That's just a small thing.. :) Nope.. i'm not involving any medical consultants! Hahahah... i just read it only in other medical health kaya shinare ko na din dito para magkaroon ng idea yun iba.. lol well, anyway, thank you for read that & nice chatting you as wel!
 
Alright!!! Happy to chat with you also.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top