What's new

Closed Lihim na pagnanasa

Status
Not open for further replies.

thatsjustkib

Honorary Poster
Joined
Oct 10, 2017
Posts
255
Reaction
62
Points
162
Mayroong chismis dito sa amin.

Si Camille daw ay maraming lalaki at ebidensiya ang kanyang mga anak na ibat-iba ang lahi.

Si Nathan na briton. Si Nash na amerikano. Si Nicole na espanyol.

Lagi siyang palaman sa pandesal na pangkape ng mga chismoso’t chismosa sa umaga. Pati totodas sa tong its sa kanto kasama parin si Camille na di nila alam kung anu ba talaga ang tunay na apelyido.


“Nakatulala ka nanaman diyan iho” tanong ng lola ko na kanina pang alas singko hinahaplos ang halaman na nasa paso.

“May iniisip lang ho” pagkasambit ko’y tila sumabay ang pag daan ni Camille sa harap ng bahay naming isang bagyo nalang ang itatagal. Maganda nga si Camille. Maputi, matangos ang ilong, matangkad, mestisa at singkit ang mga mata.

Hinawi ko ng bahagya ang buhok kong mala-jake cuenca para swabe pag lumingon siya.


Malas.


Bilog nanaman ang buwan, ang dating kinaiinisan kong mga tomador sa kanto ay himalang napilit akong itungga ang basong may puting likido. Isa. Dalawa. Tatlo. Hindi ko alam kung pano napako ang paa ko sa silya na kanina’y walang nakaupo. Tagay pa pare. Lasing na boses ni mang toto. Sa lahat ng ****star na pwede kong maisip kapag tipsy ako bakit si Camille ang napili ng pihikan kong utak sa mga sandaling ito. Mga bilugang hinaharap at balakang na malapad. Hindi ito tama. Hindi ito makatao. Bakit ko pagnanasaan ang taong kinasusuklaman ng baranggay na to? Bakit ko hinububaran sa aking isipan ang babaeng hindi tanggap sa bulok na lipunang ewan ko ba kung may paki-alam?

Mga tanong na hindi ko mahanap ang kasagutan. Nagpaalam ako kila mang toto para umihi at dali dali kong tinahak ang madilim na kanto kung saa’y patungo pauwi. Kumatok ako sa pintuan kahit alam kong may dala akong susi. Hinaplos ko pa ang makinis na poste ng bahay. Di ako sanay. Pati ba naman kahoy ng bahay namin na marupok ay nag iiba ang itsura pag lasing ako?


Ewan ko.


Dilim.


Mabilis pang nakipag unahan sa tilaok ng manok sa alarm clock kong di ko naririnig. Ginising ako ng mahapdi na sinag ng araw na lumalapat sa aking katawan. Isang umaga nanaman. Isang araw nanaman ang lilipas ng —

Bumukas ang kwarto at binasag nito ang katahimikan at pagka tulala ko. Niluwa ang isang babaeng pantasya ng lahat pero kinamumuhian sapagkat hindi siya magandang ehemplo sa mga tao.


“Magandang umaga Niko” bati nito.

“Ahh eh... sige mauna na ako, mali ata ang kwartong napasok ko” dinampot ko ang damit na kanina’y wala sa katawan ko. Nilisan ko ang bahay na may posteng makinis at matibay. Hindi mapakali ang mga mata ng kapitbahay habang nilalakbay ko ang hardin sa harap ng bahay ni Camille. Mabigat ang hininga na lumalabas sa aking ilong at matitigas na yapak ang aking ini-apak.


Mayroong chismiss dito sa amin.

Ang mga matang dati’y lumalapat lang sa babaeng kpitbahay namin ay nalapat na rin sa akin.


-wakas
 
Sya na nga ang nakitulog sa ibang bahay, hindi man lang nagpasalamat o humingi ng pasensya. :)

EDIT:
Kaw ba TS ang author nito o parang tsismis din lang? Lagay mo naman sauce ng spaghetti. :)
 
Last edited by a moderator:
Sya na nga ang nakitulog sa ibang bahay, hindi man lang nagpasalamat o humingi ng pasensya. :)

EDIT:
Kaw ba TS ang author nito o parang tsismis din lang? Lagay mo naman sauce ng spaghetti. :)
Nakalagay na sa taas an sauce
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.
Back
Top